Today was a busy day for Raye's family, but for Davidson, it was another day of boredom. Kung kaya't sa bahay siya ng pinsan dumeretso matapos ang trabaho niya. Sa bahay naman siya nagtatrabaho at hawak niya ang oras, kaya't hindi talaga maitatangging nabuburyo na rin siya.
Pagpasok niya pa lang ay abala ang mga ito sa pagpaplano sa paparating na binyag ni Thalia. Dapat ay nung dalawang taon na nila ito pinabinyag, pero dahil sa nangangailangan ng pera pampaopera ang nanay ni Gia dahil sa appendix, ay ngayon lang taon sila nakapag-ipon.
Si Thalia ay masayang naglalaro ng Barbie dolls nito sa malaking sala. Si Raye ay nakaupo sa sofa, habang nagtitipa sa laptop. Samantalang si Gia naman ay nasa kusina, abala sa pagpaplano ng magiging handa para sa magiging bisita pagdating ng binyag.
"Good afternoon, everyone?" pakwestiyon niyang sabi nang mapansin niyang halos tutok ang mga ito sa ginagawa.
Tinapik na niya lang sa balikat ang pinsan at bahagyang nagulat. Nakabawi naman ang pinsan niya't binati siya.
"Good to see you, couz. Pasensya na, hindi kita napansin." Paumanhin nito.
Davidson just shrugged about it. "Nah, it's okay. Mukhang busy kayo, ah. Para sa binyag ni Thalia?"
Davidson sat beside Raye, watching Thalia play with her toys. Napabaling naman siya sa ginagawa ni Raye. Davidson saw the word 'hiring'.
Raye nodded. "At tsaka, nagbabalak na ring bumalik si Gia sa trabaho niya kapag natapos ang binyag."
"Hiring?" Kapagkuwan ay tanong niya nang makita niya ang nasa laptop ng pinsan. "Kukuha kayo ng katulong?"
"Yeah," Raye nodded again. "Do you remember, ate Cherry?"
Napaisip si Davidson sa pangalan na pamilyar sa kanya.
"Kinda? Who was it again?"
Napailing na lang si Raye. "Si ate Cherry, yung nag-alaga sa atin nung elementary pa tayo."
Then a memory came back to him. "Oh, yeah. Naalala ko na. Bakit?"
"Siya sana kukunin ko kung okay lang sa kanya. Ang kaso, hindi na raw kaya ng katawan niya, eh. So, nagbabakasali akong makahanap ng mabait at mapagkakatiwalaang katulong at magiging Yaya ni Thalia." Paliwanag ni Raye sa kanya.
"I see. But be careful. Marami na rin mga scammer at nagmamalupit ngayon." Bilin ni Davidson.
"Yeah, thanks." Ani Raye at bumalik sa ginagawa.
*****
"Salamat nga pala, David sa tulong, ah." Kapagkuwan ay wika ni Gia sa kanya.
Kasama niya ang pamilya, at ngayon nga ay dito na siya naghapunan.
"No worries. Kilala ko naman ang catering service na sinabi ko sa'yo. Iyon ang pinakagusto ni Mom, tsaka talagang masasarap ang mga pagkain nila." Wika nya.
Napatango-tango naman si Gia. Pero nahihiya pa rin ito.
"But, are you really sure, David? Ikaw pa talaga ang gagastos sa catering? I think that's too much." Wika naman ni Gia.
"Tsaka, masaya na kami na nandito ka para kay Thalia. You'll be her Godfather as well. I think that's enough, and we're already grateful for that, David." Pagsesegunda naman ng pinsan niya.
David smiled at the two couples.
"Just accept it, guys. Tsaka, alam ko naman na may pinag-iipunan pa kayo. Idagdag niyo na lang 'dun." David looked at Thalia, who was happily munching her food. "And it's for my niece; it's not a big deal for me." Aniya pa.
YOU ARE READING
Monteverde Series 3: Lost In His Arms
Romance"Love really hurts people." That's what he thought when his ex-wife cheated on him. Davidson Riley Monteverde is a cold man on the outside, but he is fragile and vulnerable inside. He thought all women were like his ex-wife. Bitter, that's who he is...