Chapter 8: Lucy

2 0 0
                                    

Sobrang sakit! Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap, wala na si Nanay. Akala ko ay maipapagamot ko na siya. Pero kung sino man ang nagbayad ng pang-chemo ni Nanay, sobra akong magpapasalamat sa kaniya kung makilala ko siya. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil parang hindi ko nagawa ang lahat para sa kanya. Paano na ako ngayon? Paano ko haharapin ito nang mag-isa?

Tinawagan ko kaagad ang best friend ko na si Emily. Dali-dali naman siyang dumating sa hospital kasama ang kanyang pamilya. Sila ang tumulong sa akin na maghanap ng murang funeral home. Sinabi nila na makikipaghati sila sa bayad. Napakabait ng pamilya ni Emily. May kaya sila sa buhay, pero sapat lang din para sa kanila kaya konti lang ang naibigay nila para sa pagpapagamot sana kay Nanay. Pero lubos ang pasasalamat ko dahil may mga tao pa sa mundo na katulad nila. Sila ang umayos ng lahat kaya tatanawin ko itong isang malaking utang na loob.

Bumalik ako sa hospital nang gabing iyon para siguraduhin na wala na akong naiwan at para asikasuhin na rin ang natitirang bills.

"Ayy ma'am, kayo pala si Ms. Lucy Mendoza?" sabi ng receptionist sa akin nang makita ang records ko.

"Oo, ako nga. Bakit?"

"Meron po kasing lalake na naghahanap sa inyo kanina. Tinatanong pa nga ang address niyo pero hindi ko binigay kaya muntik na siyang magwala kung hindi pa lumapit si Mang Bert."

"Sinong lalake?"

"Hindi po niya sinabi ang pangalan niya pero kaibigan niyo raw po. Pogi na lalake, mestizo, at mukhang mayaman."

Napaisip ako ng malalim. Sino kaya ang lalakeng ito?

"Ito pala ma'am panyo niya. Nagmamadali siyang umalis kaya naiwan niya dito sa counter. Akala ko nga babalikan niya eh kaya ko tinago."

Inabot sa akin ng nurse ang panyo. Mukhang pamilyar iyon. Kaya nag-isip akong mabuti kung saan ko nakita iyon. At bigla kong naalala yung lalake na nakilala ko kagabi sa labas ng hospital. Ito nga iyong inabot niya sa akin na panyo.

Love or Frienship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon