Chapter: Mario

7 0 0
                                    

Hindi ako makatulog nang gabing iyon. Feeling ko may hindi sinasabi sa akin si Josh. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi siya sumasagot kaya nag-aalala ako. Kung pupunta naman ako sa bahay nila nang ganitong oras, baka natutulog na sila kaya naghintay na lang ako hanggang umaga. Nakaidlip din ako ng dalawang oras pagkatapos ay narinig ko nang tumunog ang alarm clock. Pero this time, hindi ko napanaginipan ang babae. Tinignan ko ang cellphone ko at nakita kong may text si Josh.

"Aba ang aga naman magtext nito!" ang sabi ko sa sarili ko dahil usually ako ang unang nagtetext sa kaniya.

"Pare huwag mo na akong sunduin. I have the car this time. See you later!" ang sabi niya sa text.

Halos sabay lang kaming dumating sa school dahil nakita ko siyang nagpapark paglabas ko ng kotse. Nilapitan ko siya agad pagbaba niya. Hindi niya ako nakitang paparating kaya tinapik ko siya sa balikat.

"Hoy! Ano nangyari sa'yo kahapon? You better explain yourself, man!"

"Hayy naku pare, mahabang storya. Mag-uumpisa na ang klase, kuwento ko na lang sa'yo mamaya."

Tinapik niya ako sa balikat at bago ako makapag-salita ay umalis na siya. Now I can say, something is really up with him and I'm going to find out. Hindi na tuloy ako makapag-concentrate sa exam. Last day na ng exam bukas at dapat mag-stay focus ako dahil wala ng second chance kapag bagsak. Lahat ng babagsak sa exams ay hindi makaka-graduate this year.

Pagdating ng lunch time, nakita kong nakaupo na si Josh sa palagi naming inuupuan. May pagkain na siya pero hindi siya kumakain. Nang makita niya akong paparating ay kinawayan niya ako at hanggang tenga ang ngiti niya.

"Oh, nauna ka yata ngayon ah!"

"Oo pare, at eto kinunan na kita ng pagkain kaya huwag ka ng kukuha."

"Huh? Pano ka? Hindi ka ba kakain?"

"Hindi ako nagugutom. Don't worry about me."

"Okay. Salamat ah!"

Habang kumakain ako ay nagkukwento siya. Kinwento niya sa'kin ang lahat ng nangyari. Sinasabi ko na nga ba at may kinalaman na naman sa babae.

"Ano sa tingin mo pare? Do you think she's really the girl for me?" tanong niya sa'kin pagkatapos niyang magkuwento. Pang-isang daang ulit ko na yata narinig ang tanong na iyan mula sa kaniya.

"Sa kuwento mo pare, mukhang mahihirapan ka diyan. Paano mo naman nasabi na siya na ang para sa'yo eh basted ka na agad? First time 'yan pare na tanggihan ka ng babae."

Hindi ko mapigilang tumawa pero umiiling lang siya.

"Pare sa tagal na nating magkakilala wala ka pa rin bang bilib sa akin? Mas gusto ko nga ito kasi may challenge!"

"Naku pare maawa ka dun sa tao. Naghihingalo na ang Nanay. Kung may balak kang paglaruan ang damdamin niya, huwag mo nang ituloy."

"Sinong may sabing paglalaruan ko lang ang damdamin niya? Pare, for the first time in my life I wanna be serious. Unang kita ko pa lang sa kanya, nahulog na agad ang puso ko. Patutunayan ko sa'yo at sa buong mundo na kaya kong magmahal ng totoo."

Hay naku, gumana na naman ang ka-cornihan ng best friend ko. Wala na akong magagawa kundi suportahan na lang siya.

Love or Frienship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon