Chapter 2: Josh

7 0 0
                                    

Humangin ng malakas at may narinig akong umiiyak, boses ng babae. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang pag-iyak. Sa wakas ay nahanap ko ang babae pero nakatalikod siya. Habang papalapit ako, napansin ko na may lalaki sa harap niya. Kaya lumapit pa ako at nakilala ko kung sino ang lalaki - si Mario. Pagkatapos ay biglang tumakbo ang babae ng hindi ko man lang nakita ang kanyang mukha. Susundan ko sana siya pero pinigilan ako ni Mario.

"Pare sino yun? Anong ginawa mo? Bakit siya umiiyak?"

Nagising na lang ako sa tunog ng alarm clock. Ilang gabi nang pare-pareho ang napapanaginipan ko. Normal ba ito o nababaliw na ako? O baka naman karma ito sa mga pambababae ko. Kasalanan ko bang ipanganak akong guapo?

Siyanga pala, magpapakilala muna ako. Ang pangalan ko ay Josh Reddick. Amerikano ang Daddy ko at ipinanganak ako sa Sacramento, CA. Pero iniwan niya ang Mommy ko noong 7 years old pa lang ako. Kaya umuwi ang Mommy ko sa Pilipinas kasama kami ni ate Stacy. 14 years old na si ate noon at ayaw niya sa Pilipinas. Kaya noong nag-18 siya, bumalik sa America at kahit kailan hindi na siya muling umuwi sa Pilipinas. Ngayon ay may asawa't anak na siya at sa computer ko lang siya nakikita kapag nagcha-chat kami.

Ngayon ay may iba na ring asawa si Mommy - si Ricky Valerio. Siya ang nagmamay-ari ng Golden Mall - isang sikat na mall sa Cavite at may branch na rin sa Manila at Batangas. Ni minsan hindi ko siya tinuring na kapamilya. Ewan ko ba kung bakit napakalayo ng loob ko sa kanya. Lagi kaming nag-aaway dahil ayaw na ayaw ko ay yung pinapakialaman niya ako lalo na tungkol sa aking pag-aaral. Tuwing nag-aaway kami tumatakbo ako kay Mario at minsan doon na rin ako natutulog sa kanila.

Buti na lang at mayroong Mario na matatakbuhan ko. Magkaiba kami ng sitwasyon sa buhay pero nagkakaintindihan kami. Galing ako sa isang wasak na pamilya at siya naman bagama't buo pa ang kaniyang pamilya, bihira naman silang magkita-kita. Kung hindi dahil kay Mario siguro nalulong na ako sa iba't-ibang bisyo. Isang bisyo lang naman ang hindi ko maalis - ang pambababae.

Love or Frienship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon