Chapter 4: Josh

9 0 0
                                    

Pagkatapos naming maghiwalay ni Mario at papunta na ako sa unang klase ko, bigla akong natigilan. Sa may di-kalayuan ay napansin ko ang isang babae na nakatalikod at kausap ang aming principal. Parang siya yung babae na nakikita ko sa panaginip ko. Ganyan na ganyan ang itsura niya kapag nakatalikod - dahil likod lang naman ang nakikita ko. Lalapit na sana ako nang bigla siyang umalis. Sinubukan ko siyang habulin pero hindi ko na siya naabutan dahil maraming mga estudyanteng nakaharang. Kaya hinanap ko si Principal Reyes para tanungin kung sino siya. Pero wala na din siya doon at kung pupunta pa ako sa opisina niya ay mahuhuli na ako sa klase. Finals pa naman ngayon, bawal ang late. Kaya ipinasiya kong mamayang lunch ko na lang kakausapin si Mr. Reyes.

Hindi ako maka-focus sa exam dahil sa kakaisip. Feeling ko talaga siya yung babae sa panaginip ko at aalamin ko talaga kung sino siya. Sinubukan kong makipagkita kay Mario sa lunch at kumain pero wala talaga akong gana kaya nagpaalam ako kay Mario. Nagsinungaling pa ako dahil sinabi ko na pupunta ako sa library pero ang totoo ay sa Principal's office ang punta ko. Guilty ako sa ginawa ko dahil first time kong nagsinungaling sa best friend ko. Pero explain ko naman sa kanya ang lahat mamaya kaya sana maintindihan niya.

Buti na lang at naabutan ko si Mr. Reyes sa opisina.

"Oh Joshua! Anong kailangan mo? Are you in trouble again?" ang sabi ni Mr. Reyes pagkakita niya sa akin. Suki kasi ako sa opisina niya. Lagi akong napapaaway sa school sa tuwing mag-aaway kami ng stepdad ko.

"Ah hindi po Mr. Reyes. Meron lang po sana akong itatanong sa inyo. Sino po yung babae na kausap niyo kaninang umaga bago mag-start ang klase? Mukha kasi siyang pamilyar eh."

"Ahh yun ba? Anak yun ng kaibigan ko na namatay na. Tagal ko ngang hindi nakita yung batang yun since namatay ang Tatay niya. Ngayon ko lang uli siya nakita at hindi ko siya nakilala dahil dalaga na siya. Lucy Mendoza ang pangalan niya. Teka, don't tell me isa siya sa mga naging ex mo." Kilala din ako sa school namin na isang playboy pero marami pa rin ang nangangarap na maging boyfriend ako.

"Ay naku hindi po. Curious lang ako kasi parang nakita ko na siya noon." Parang may pagdududa ang tingin ni Mr. Reyes sa akin pero pinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang kuwento.

"Anyway, alam mo naaawa ako sa batang yun. Nangungutang siya sa akin ng pampagamot niya sa Nanay niya dahil may cancer at stage 2 na. Siya lang ang nag-iisang anak kaya siya lang ang naghahanap buhay. Pinautang ko siya pero konti lang ang nakayanan ko."

"Saan po ba siya nakatira?"

"Hindi ko alam. Hindi ko na natanong kasi nagmamadali siyang umalis. Pero naalala ko nabanggit niya na sa Cavite General Hospital naka-confine ang Nanay niya. Naku, Josh kung ano na naman yang binabalak mo wag mo ng ituloy. Maawa ka dun sa tao. Huwag ka nang dumagdag pa sa problema niya."

"Mr. Reyes naman. Ano po bang iniisip niyong gagawin ko? Na-curious lang talaga ako. Don't worry po I'm not gonna go after her."

"Hmm, talaga lang ah. I just hope so Josh."

"Oh siya sige po Mr. Reyes at maguumpisa na ang susunod na klase. Thanks for your time!"

Cavite General Hospital. Lucy Mendoza. Paulit-ulit ang mga yan na umiikot sa utak ko. Pagkatapos ko sa lahat ng exams ko, takbo ako agad. Tinext ko si Mario na huwag na akong hintayin. I'll explain everything to him later. I just hope that I know what I'm doing.

Love or Frienship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon