Chapter 1: Mario

15 0 0
                                    

Hinahabol ko siya, pero maraming tao ang nakaharang sa daan. Babaeng mahaba ang buhok at kulay pula ang suot. Hindi ko nakita ang kanyang mukha. Malapit ko na siyang maabutan pero biglang humarang si Josh at nawala na ang babae...

Nagising na lang ako sa tunog ng alarm clock. Napanaginipan ko na naman siya. Halos pare-parehong eksena ang napapanaginipan ko gabi-gabi. Minsan parehong lugar pero minsan sa ibang lugar at palaging tuwing sumusulpot si Josh ay doon ako nagigising.

Ah siya nga pala, bago ang lahat magpapakilala muna ako. Ang pangalan ko ay Mario Sanchez. Lumaki ako sa isang mayamang pamilya. Daddy ko ang may-ari ng isang malaking hotel sa Makati - ang Century Hotel. Meron din itong branch sa Bagiuo, Tagaytay, at Cebu.

Nakatira pala kami sa Cavite. Bihira ko lang makita ang parents ko. Kung minsan isang beses lang sa isang linggo sila umuuwi dahil inaasikaso ang business at palagi silang bumabiyahe. Mag-isa lang din akong anak kaya puro mga yaya ang kasama ko sa bahay. Mas close ko pa nga sila kesa sa mga parents ko. Kung hindi dahil kay Josh malamang napakalungkot ng buhay ko. Ewan ko ba, halos lahat naman ng gusto ko binibigay nila. Isa lang ang hindi nila maibigay sa akin - ang oras nila.

Si Josh pala ang bestfriend ko simula pa noong grade 3. Lampa kasi ako noon at sakitin kaya lagi akong tinutukso ng mga ka-klase ko. Tandang-tanda ko noon bagong transfer siya sa school namin. Galing siyang California. Noon pa lang ay palaban na talaga siya. Nakita niyang pinagtatawanan nila akong lahat dahil nadapa ako. Lumapit siya at tinulungan niya akong tumayo.

"Leave him alone!" ang sabi niya sa kanilang lahat. Natakot naman sila kasi matapang talaga ang itsura niya at malaki siyang bata para sa edad niya. Pagkatapos noon ay naging mag-bestfriend na kami at hindi na rin ako tinutukso ng aming mga ka-klase.

Malaki talaga ang utang na loob ko diyan dahil siya palagi ang nagtatanggol sa akin. Kahit may pagkapilyo yan at pagka-chickboy, mahal na mahal ko yan. Parang isang tunay na kapatid ang turing ko sa kaniya. Hinding-hindi ko yan ipagpapalit sa kahit kaninuman at kahit anuman.

Love or Frienship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon