Rheeze Valerhie Mendes
"Gising na, Rheeze. Ala siete na."
Unang araw ngayon ng pasok ko sa Western University.
First year college. Nakatanggap ako ng 70% scholar doon dahil kakilala ni papa ang may-ari ng university na 'yon.
Malayo sa bahay namin ang university kaya napag-usapan namin nila mama na maga-apartment nalang ako,naghahanap pa kami ng lilipatan ko kaya tiis muna sa isang oras na byahe.
11 pa ang pasok namin at 6 ang uwi.
Pagkarating ko ay hinanap ko muna ang department ng STEM.
Pediatric nursing ang kinuha ko.
Hindi ako mahilig sa bata pero hindi ko rin ayaw.
Sa forth floor ang nursing, nabasa ko sa map. Hahanapin ko nalng doon ang room ko.
Pagpasok ng room ay napakatahimik nila. Medyo maaga pa.
Pataas ang pwesto ng mga upuan, parang sa mga basketball court. Dalawang upuan bawat isang mesa. Malapad ang mga mesa at may lagayan sa ilalim.Kada isang mesa ay may space bago ang isa pang mesa.
Madaming upuan dto para sa mga estudyante, mukha syang stadium. Sampung mesa ang magkakahilera pataas at walo ang mga kasunod.
Umupo ako sa bandang dulo. Siguro ay pang pitong mesa. Sakto lng sa malaking glass wall dahil mataas ito.
Nanahimik lang ako habang wala pang prof.
Kailangan kong makasurvive dito sa university na to. Kapag may tumabi sakin ay kakaibiganin ko hanggang sa makaibigan ko na lahat ng andito.
D nag tagal ay dumating rin ang prof namin. He introduced himself as Mr. Agoncillo.
Nagsimula na syang magbanggit ng mga rules nya,pagtapos ay isa isa kaming tinawag para magpakilala. Tatlong oras ang klase nya saamin at wala daw syang balak na bigyan agad kami ng sakit ng ulo sa unang araw.
Walang tumabi sakin pero okay lang.
Tinawag na ako kaya bumaba ako para magpakilala sa unahan.
Habang nagpapakilala ako ay biglang may kumatok sa room namin.
"Good afternoon, sir. Sorry I'm late, traffic."
Saad ng magandang babae sa pintuan.Mahaba at straight ang buhok nyang itim na itim. Bilugan din ang mata nya at mapula ang labi, morena din na bumagay sa dark brown nyang mata.
"Come in." Saad ni Mr. Agoncillo sa babae. "You can have a seat now, Rheeze."
Tinanguan ko sya saka deretsong umupo. Pangalan ko palang ang nasasabi ko noong dumating ang babae.
"Please, introduce yourself to everyone."
"I'm Zyaine Iane Montes. I'm 17 years old. I like making friends, so I hope I can be friends with you all. Thank you." Maganda ang boses nya. Hindi sya mahinhin magsalita pero maganda parin.
"Take a seat."
Inilibot nya ang paningin nya sa kabuoan ng kwarto hanggang sa huminto ang tingin nya sa'kin.
Ngumiti sya at saka umakyat papuntang upuan ko.
"Hello." Bati nya pagkaupo. Tuloy lang ang pagpapakilala nila sa unahan. Nasa 76 kaming estudyante dito at satingin ko ay nasa bente palang ang nakakapagpakilala. "I'm Zyaine. What's your name?"
"Rheeze."
Pagtapos nun ay nagkwentuhan lang kami hanggang sa gumaan ang loob namin sa isa't isa.
"Can I add you on Facebook and Instagram?" Tanong nya bigla.
Tumango ako at ipinakita ang account ko.
"May kasama ka ba mamayang break? Pakilala din kita sa friends ko."
"Go lang, wala din akong kakilala dito e."
Isang oras ang break namin at dalawa lng ang klase namin ngayon, parehas tatlong oras.
Nagkwentuhan lang kami habang papunta ng canteen.
Pagpasok namin ay madami na ang estudyante. Nilibot nya ang tingin nya sa canteen at napahinto ang mata sa dulong bahagi ng kwarto. Glass ang wall doon at may malaking lamesa na parang pinagdugtong lng nila.
May dalawang babae at apat na lalaki na nakaupo roon. Bahagyang napangiti si Zyaine bago bumaling ng tingin sa'kin at inaya akong pumunta roon.
Sa labas ng glass wall ay ang garden ng school. May ilang sementong lamesa at upuan d'on na pwede ring kainan.
Pagkarating namin sa lamesa ay ipinakilala agad ako ni Zyaine.
"Hey, this is Rheeze, seatmate ko." Pakilala nya sa akin. Ngumiti ako sakanila at ganon din sila.
Ipinakilala sila ni Zyaine isa isa.
"This is Jane." Babae malapit sa glass wall. Maiksi at straight ang may pagkabrown na buhok. Nakasalamin sya na bilog na bumagay sa bilugan nyang mata. Maputi rin sya at mapula ang labi. Nakauniform sya ng Medicine.
"Mary." Katabi ni Jane. Mahaba ang buhok nya at kulot, itim na itim rin ang buhok nya. Maputi rin pero mas dark nang kauti ang balat nya kaysa kay Jane. Mapula rin ang labi at almonds ang hugis ng brown nyang mata. Nakauniform naman ng Psychology.
"Kyle." Lalaki sa tapat ni Jane. Malinis ang gupit at itim ang buhok. Maputi at kahit nakaupo ay halatang matangkad. Mapula rin ang labi. Mahaba ang pilikmata at kulay abo ang mata. Business Management.
"Nathan." Katabi ni Kyle. Mahaba ang buhok at medyo kulot. Nakasalamin din sya at kitang kita ang pagkamoreno nya. Nakangiti lng sya at di mapagkakailang gwapo talaga sya. Nakauniform ng Engineering.
"Jake." Katabi naman ni Nathan. Malinis rin ang gupit at maputi. Maliit lng ang ngiti. Matangkad din ito at mukhang mabait at palatawa. Naka engineering din.
"And Nash, kapatid ni Nathan." Katabi ni Jake. Matangkad din. Kamukha ni Nathan pero mas light ang balat nya. Tahimik din. Naka accounting
Nakangiti lng sila sa'kin. Umupo kami sa tabi nila Mary. Katabi ko si Mary tapos sa kabila ko si Zyaine.
"San sila Kaycee?" Tanong ni Zyaine.
"Bumili na ng pagkain." Sagot ni Kyle. Pogi ng boses, hahaha.
Nagkkwentuhan lang kami nang may maglapag ng tray sa table.
Napaangat ang tingin namin sakanila. Isang matangkad na babae, maputi at wavy ang buhok. Naka tourism na uniform.
May kasama syang medyo familiar, matangkad. Maputi rin at seryoso ang mukha. Naka Business Management din na uniform.
"This is Kaycee and Zero." Pakilala ni Zyaine sa dalawang nakatayo.
Pagkarinig ko ng pangalan ng lalaki, naalala ko na kung sino sya.
Napatayo ako at bakas ang gulat sa mukha. Mukhang ganon rin sya nang nakita nya ako.
"What are you doing here?" Tanong nya habang nakakunot ang noo.
"Oh, this is Rheeze-seatmate ko."
Zero Cervantes, SSG President namin noon nung high school. Ex din sya ng best friend ko, si Lia.
"Magkakilala kayo?" Rinig kong tanong ni Jane. Nakaharap parin ako sakanya habang nakakunot ang noo.
"Sya yung sumipa sakin nung 4th year." Sagot ni Zero.
"Ahh, kaya pala familiar, hahaha." Tawa ni Nathan.
"Well, past is past. Be friends. Aadd kita sa gc namin!" Si Mary. Napatingin ako sakanya at ngumiti.
Umupo na ako at inaya naman ako ni Zyaine bumili ng pagkain namin.
Tinitingnan naman ako ni Zero na may nakakaasar na ngiti. Inirapan ko lng sya kaya lalong lumawak ang ngiti nya.
Mundo nga naman, sa lahat ng mapupuntahan kong circle-dun pa talaga sa pinakakinaiinisan ko simula 1st year?
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-•-•-•-•⊂((・▽・))⊃•-•-•-•-