"Alis na kami."
Paalam ni Zyaine pagtapos namin kumain. Umalis na din sila Kyle at Zero.
Pagbalik ng room ay maaga pa kaya nagkwentuhan lang ulit kami ni Zyaine.
May nag-notif sa cellphone ko kaya sinilip ko.
Mary Sapphire added you to the group chat.
Eight set your nickname to Nineth.
Pinakita ko kay Zyaine.
"Ahhh, nakasanayan kasi namin bilangin yung circle." Tawa nya. "Zero to Nineth. Tingnan mo sa GC para malaman mo kung sino-sinong number kami."
Sinilip ko naman ang nicknames.
Zero
-Ivan Arthur CervantesFirst
-Alexander Jake GarciaSecond
-Kyle Edison RosalesThird
-Nathan Asher AlvarezFourth
-Kaycee Celine LaxinaFifth
-Nash Ethan AlvarezSixth
-Athena Jane CorosSeventh
-Zyaine Iane MontesEight
-Mary Sapphire CruzNineth
-Rheeze Valerhie MendesNapatango-tango lang ako.
Sakto namang pumasok ang prof namin sa biology.
"Good Afternoon, I'm prof Hernandez. In my class, I have my own set of seating arrangements. First row, please stand."
Pinatayo kami at pinapunta sa unahan.
Medyo natagalan ang pag-aarrange saamin pero napunta ako sa bandang unahan sa gitna.Si Zyaine naman ay nasa likuran malapit sa mga shelves sa likod.
Lalaki na rin ang katabi ko. Matangkad sya at seryoso ang mukha, sakto lang ang kulay ng balat. Makinis rin at may kahabaan ang buhok, pero di katulad nang kay Nathan.
So far, mukha naman syang harmless. Itotropa ko nalang para kung sakaling matalino, hahaha.
Ilang oras nalang ang natitira para sa discussion, kaya iniwanan na kami ng gawain.
Unang pinalabas ang mga nasa unahan. Chinat naman ako ni Zyaine na sa gate nalang kami magkita.
Pagkapalabas samin ay dumiretso ako sa waiting shed malapit sa gate.
Marami-rami na rin ang naglalabasan. Habang papalapit sa upuan ay may nakita akong nakaupo d'on.
"Ginagawa mo dito?" Tanong ni Zero.
"Aantayin si Zyaine."
Tinapik nya yung upuan sa tabi nya kaya umupo ako.
"Si Lia, how is she?" Tanong nya nang hindi nakatingin sakin. Sumandal ako sa upuan at tumingin sa mga naglalabasan. Tinitingnan kami ng iba dahil well, pogi rin naman si Zero.
"Sa ibang bansa na sya nag-aral, pero babalik daw sya after or during college."
Lakas naman nyang magtanong about sa ex nya, eh sinaktan nya lang naman si Lia noon. Baka mahal nya pa rin, or nagsisi na sya sa ginawa nya.
"Kahit wag na syang bumalik."
Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Ang gulo naman nitong matandang 'to. Inirapan ko sya kahit di nya naman kita.