"Sabay na kami sa'yo."
Si Kaycee. Friday ngayon at birthday ko bukas. Gusto nilang tumulong sa pag-aayos kaya doon sila matutulog sa bahay.
"Zero, sama ka." Si Jake. Nagsecellphone lang si zero at nakakunot ang noo, mukhang may kausap.
"Yeah, I'll ask permission from dad." Saad nya habang nakatutok parin sa cellphone nya.
"Dala ko kotse ko." Si Kyle.
"Ako rin." Si Jake.
"Tara, sayang pamasahe, magkotse nalang tayo." Saad ni Kaycee at naglakad na papuntang parking.
"My dad said yes. Uuwi lang akong condo, kukuha damit." Saad ni Zero na nakabuntot lang saamin.
"Hindi kami naniniwala. Isama mo si Rheeze para siguradong susunod ka." Si Mary. "May lahi ka kayang scammer." Dagdag nya pa.
"Hindi rin tayo kasyang sampu sa dalawang kotse lang. Zyaine, Kaycee, dun kayo sa kotse ni Zero, samahan nyo din si Rheeze." Si Kyle.
"May dala na kayong damit?" Tanong ko. Tumango naman sila.
So, si Zero lang walang balak sumama?
"Sige, hindi ko lang alam kung kasya kayo sa extra foam ko sa kwarto." Saad ko.
"May mga sleeping bags sa condo ko, dalhin nalang natin." Si Zero. Pumunta na kami sa kotse ni Zero. Silver Ford Ranger Raptor. Kasya lang kaming apat.
Si Zero ang nasa driver seat syempre. Ako naman sa shotgun seat at sa backseat yung dalawa.
Nagdadaldalan lang kaming tatlo habang tahimik na nagdadrive si Zero.
Pagkarating namin sa building ng condo nya ay sumama na kami para tulungan syang magbuhat ng mga sleeping bags.
"Nasan yung mga sleeping bags?" Tanong ko pagkapasok namin.
"Closet." Tipid na sagot nya. Tinitingnan lang kami ni Zyaine at Kaycee.
Hindi naman kami nagtagal at nakapunta rin agad sa bahay. Medyo traffic nga lang dahil anong oras na.
"Dito na kami!" Sigaw ko pagpasok ng bahay.
Nakita namin silang nasa lamesa na at kumakain. Di na kami hinintay kasi syempre anong oras na.
Inakyat lang namin yung mga dala namin saka bumaba. Nagliligpit na sila ng pinagkaininan nila. Si Vlad at Kyle na daw maghuhugas.
Nag-umpisa na sila Mary gumawa ng banner na may nakalagay na 'Happy 18th Birthday, Rheeze Valerhie!'
Ang sweet nila. Kahit kakakilala palang namin at bago ako sa circle nila, hindi ko nararamdaman na hindi ako belong.
Nagpapalobo naman ng balloons sina Nash at Jake habang tumutulong si Nathan kila Mary, nagpapalakas daw para ireto sya sa kablockmate ni Mary.
Ginataang kalabasa ang ulam namin.
Pagtapos namin kumain ay ako na ang naghugas dahil ayaw nila akong patulungin.
Si Zero tumutulong sa mga lobo, medyo marami kasi. Hindi pala, marami pala talaga.
Bumili daw sila bago pumunta dito. Nagulat nalang ako pagpunta ko ng sala, ang daming malalaking karton ang nakalabas.
Hiningi pa raw nila yun sa mga kapit bahay. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano e.
Puno ng mga lobo ang mga karton. Pinapanood ko lang sila ngayon. Tapos na sa banner sila Mary, gumagawa sila ngayon ng paper roses, para raw unique ang debut ko.
Tinutulungan naman sya nila Kaycee, Jane at Nathan. The rest is nasa lobo. Gusto kong tumulong kaso ayaw talaga nila.
"Pagod na ko!" Reklamo ni Jake. Tinawanan ko sya. Nakailang putok na kasi sya ng lobo.
"Tulungan ko na kasi kayo."
"Isa, Jake! Pag pinatulong mo yan si Rheeze, ichachat ko si Luna na wag nang bumalik!" Banta ni Jane sakanya. Sumimangot naman si Jake.
"Sinong Luna?" Tanong ko.
"Crush nya nung high school." Si Zero.
"Luna?"
"Luna Faith, ano nga apelyido non, Jake?" Si Nathan.
"Luistro?!" Gulat na tanong ko. Omg, small world kung ganon.
"Oo, bakit?" Si Jake. "Kilala mo?"
"Kasamahan namin sa music club. Galing kumanta nun ah." Saad ko.
Tumawa naman si Zero, Kyle at Nathan.
"Bakit?" Tanong ko habang nakakunot ang noo. Umiling naman si Zero.
"Kasama ako sa banda noon." Si Jake.
"Eh?? Bakit di kita nakita?"
"Guitarist ako."
"Love na love nyan si Luna, sumali ng banda kahit hindi taga-music club." Si Nathan.
Well, maganda naman si ate Luna.
Mabait din. Ang saya sa club kasi kasama sya. Napakafriendly din.
11 pm na pero di parin sila tapos. Tumulong na rin sila Mary sa pagpapalobo dahil ang dami talaga. Nasa walong karton na ng lobo ang napalobo nila.
"Matulog ka na, Rheeze. Kailangan hindi ka haggard bukas." Si Kaycee.
Si Kaycee rin ang mag memakeup sakin dahil sya ang marunong. Tourism kasi.
"Sige, sunod nalang kayo ah." Saad ko at tumayo na.
Pumunta na ako ng kwarto at nakita kong nakalatag na ang mga sleeping bags nila.
Pagkahiga ko ay dinalaw agad ako ng antok kaya nakatulog agad ako.
Nagising nalang ako sa sinag ng araw sa mukha ko. Wala na sila dun pero si Ivan nandun pa at tulog na tulog.
Time ko na 'to para gumanti. Tumayo ako at lumapit sa sleeping bag nya sa bandang pinto ng terrace sa kwarto ko.
Time ko na 'to para gumanti pero bakit ang gwapo nya parin kahit tulog? Wala man lang sya kahit panis na laway! Ang unfair.
Kumuha nalang ako ng marker at dinrawingan sya ng mata na parang gising.
Nagpipigil ako ng tawa habang pinagtitripan ang mukha nya para hindi sya magising. Pagkatapos ay pinicturan ko na sya.
Nakakatatlong picture palang ako, pero bigla syang dumilat. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Aalis na sana ako kaso hinila nya ko.
"What are you doing?" Malalim ang boses nya dahil bagong gising. I mean, malalim naman talaga ang boses nya pero mas malalim ngayon. Mas gwapo rin syang tingnan dahil sa mata nya at sa gulo nyang buhok.
Hawak-hawak nya ang kamay ko pero hindi naman mahigpit. Nanghihina lang ako sa kakapigil ng tawa tuwing kukurap sya.
"W-wala ah." Saad ko at ipinalibot ang mata sa kwarto para hindi ako matawa.
"Masama ang gumanti." Saad nya kaya napakunot ang noo ko at napatingin sakanya.
"Sinasabi mo?" Maang-maangan ko.
"What did you do?" Tinitigan nya ko nang maigi.
"Oo nga, maghilamos ka na. Baho ha." Pang-aasar ko at tinakpan ang ilong ko.
Tinakpan nya rin ang bibig nya saka tumayo. Pagkalabas nya ay hindi ko na napigilan ang tawa ko.
Tumatawa lang ako hanggang sa narinig ko nalang sya.
"Rheeze!!" Sigaw nya at alam kong nasa malapit lang sya sa pinto ng kwarto ko.
"Wala akong alam!" Sigaw ko pabalik at tumatawa.
Binuksan nya ang pinto ng kwarto ko at sumandal sa doorframe.
"Talaga ba, Rheeze Valerhie Cervantes?"
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
—•—•—•—•⊂((・▽・))⊃•—•—•—•—