"Ingat pag-uwi. Balik kayo bukas."
Paalam ni mama sakanila. 5 na kasi at hinahanap na si Jane.
"Opo, babalik kami bukas." Si Kaycee.
At hindi nga sya nagbibiro.
"Good morning, Rheeze!"
Nagising ako sa boses ni Mary. Nandito na silang siyam sa kwarto ko!
"Anong ginagawa nyo dito?!" Gulat kong saad sakanila.
Si Zero ay nakaupo sa paanan ng kama ko. Si Nash naman nakahiga sa paanan ko. Si Jake nakahiga sa sahig, at the rest nakaupo sa sahig.
"Diba sabi ng mama mo balik daw kami?" Si Kaycee.
Di ako makapaniwalang napatingin kay Zero. Di nya man lang pinigilan! At hindi lang yun, pati sya kasama?!!
"Don't look at me like that. I tried to stop them."
Stop pero pati sya kasama.
"Maghilamos ka muna kaya, Rheeze?" Si Nathan na parang natatawa pa.
Bumaba na ko ng kama kaya nagtayuan na din sila.
Pagkababa namin ay naabutan naming naghahanda ng pagkain si mama. Si papa, pumasok.
"Good morning, mama!" Si Jane.
"Good morning sainyo. Kain na, tatawagin ko lang si Vlad."
Napangiti si Kyle. Naging close kasi sila ni Vlad kahapon.
"Ang aga nyo naman." Reklamo ko sakanila sabay punta sa lababo para magtoothbrush.
"Syempre, para mas mahaba yung bonding natin." Si Zyaine.
"Di mo ba kami namiss?" Si Nathan na parang tangang nagdadrama.
Inirapan ko lang sila at nagtoothbrush na. Pagtapos ay naghilamos ako. Sila naman ay nakaupo na sa lamesa.
"Mary, lead the prayer." Si Jake.
"Ha? Bat ako? Sige na nga."
Pagtapos magpray ni Mary ay kumain na kami. Ganon parin ang pwesto namin katulad kahapon. Nagkkwentuhan lang ulit sila.
Noodles, itlog at crispy burger ang ulam namin.
"Wala nang burger?" Bulong ko. Napatingin sakin si Zero sabay bigay sakin nung ulam nya.
Umiling ako pero di nya ko pinansin. Okay, mukhang ayaw nya naman e.
"Birthday ni Rheeze sa susunod na sabado. Punta kayo ha?" Si mama.
"Opo! Pupunta kami." Si Zyaine.
Pagtapos kumain ay naglaro lang kami ng kung ano-ano sa sala.
Nakacircle kami sa sahig. Si Vlad pati Kyle lang ang wala sa circle kasi may sarili silang mundo at iba ang nilalaro.
Naglaro kami ng kung anong maisipan ni Kaycee. Jackstone. Wala akong jackstone sa bahay kaya kailangan pang bumili sa labas.
"Ako na bibili." Saad ko pagkatayo.
Tumayo rin si Ivan kaya napatingin ako sakanya.
"Sama." Saad nya saka naunang lumabas sakin.
Nag-aasaran lang kami habang naglalakad at naiirita na ko sakanya.
Ang pangit ko daw kanina habang natutulog at napicture-an nya pa.
Tawa sya nang tawa habang tinititigan yung picture ko. Parang sira.
"Pabili nga po ng jackstone." Saad ko sa nagtitinda ng mga mini games dito sa village namin. Medyo malayo rin to sa bahay.
"Yung maliit na chess din." Bulong ni Zero sakin.