Chapter 3

7 5 0
                                    

"Bayad po, dalawang south —estudyante."

Libre na daw nya ako ng pamasahe, sino ba naman ako para tumanggi sa grasya?

"San ka sa South, kuya?"

Tinitingnan nya ko saka sumagot.

"Villarreal."

"Same! Bat di kita nakikita?"

Pero sabagay, malaki yung village na yun. Mukha na syang hacienda.

"Taga-dulo pa ko, baka sa unahan lang kayo."

Tumango nalang ako. 9 na, sobrang traffic.

"Kuya, ano palang pangalan mo?"

Tumingin sya sakin saka ngumisi.

"Bakit? Aadd mo ko sa FB?" Napangiwi ako sa sinabi nya. Tumawa naman sya.

10 na ako nakauwi. Pagpasok ko ng bahay ay nakita ko si papa na nagpupunas ng sapatos nya.

Lumapit ako at nagbless.

"Akyat na ko, pa." Tumango naman si papa kaya deretso tulog ako mga beshy.

Kinabukasan, 9:30 na ko nagising!

Nagmamadali na ko dahil biology first subject namin. Di na ko kumain at deretso pasok.

Swerte ko na rin dahil nakita ako ni Nash. Nakamotor sya.

"Sabay ka na."

Nakarating din naman kami agad sa school. Pagtapos ko mag thank you ay tumakbo agad ako papuntang building namin, fourth floor pa naman kami.

Pag dating ko ng room ay wala pa si Zyaine. Umupo na ko sa tabi ni kuyang ayaw sabihin yung pangalan habang hingal na hingal.

"Good aftie." Bati nya sakin.

"Hello, kuya."

Tinitingnan nya lang ako na parang nagtataka kung bakit hinihingal ako.

"Tumakbo ako simula sa parking sa gate hanggang dito. Nalate ako ng gising." Paliwanag ko.

"Wala si Ma'am."

WTF?!!

"ANO?!!" Napalakas masyado yung sigaw ko kaya nagtinginan sila sakin. Tinakpan ko lng yung bibig ko.

Nakakahiya ka sis, kinakahiya kita!!

Aba naman kasi, mamatay-matay na ko sa hingal dahil sa kakamadali tapos wala naman pala si proff???

Terror pa naman yun.

Kahapon, first day na first day pinapasa kami ng index card. Gagamitin daw sa recitation ngayon at minus kapag hindi nagpakita pag tinawag.

Tiningnan ko si kuya at tawa lang sya ng tawa.

Napatingin ako sa ID nya.

Hinatak ko yun kaya napahinto sya sa pagtawa.

Kelvin Louie V. Mercado

"Kelvin pala pangalan mo kuya ha, bat ayaw mo sabihin?"

Ngumiti sya na para bang sinabi kong interesado ako sakanya.

Sasagot na sana sya nang may tumikhim sa unahan.

"Good Afternoon."

Napaharap ako sa unahan at nakita ko si Zero.

Tiningnan nya ako saglit saka nagsalita.

"Can we ask 5 volunteers to help us for our project?"

Dami na agad mga babaeng nagsitaasan ng kamay.

Destined To Be MineWhere stories live. Discover now