Eva/ Yvette's
"Eva, pa order pa ng isang bucket of beer sa amin." Rinig kung sigaw sa akin ni Don Erick habang nags-served ako ng beer sa isang customer na malapit sa table nila.
Pilit naman akong ngumiti dito. Sa totoo lang matagal na akong nababastusan sa kanya pero wala akong magagawa dahil ayaw ko mawalan ng trabaho at may anak akong binubuhay. Malaki din siya magbigay ng tip sa akin kaya mas lalo ko siyang hindi mahindian na pagsilbihan dito sa bar pero minsan talaga ay sumusobra na ang kabastusan niya pati na rin ang mga kasamahan nito.
Magt-tatlong taon na ako dito sa isang maliit na lungsod dito sa samar. Nakatira ako sa nag-iisang kuya ko at kapamilya ko, kahit hindi kami magkadugo ay itinuturing pa rin niya akong bunso niya. Ramdam ko din ang pagmamahal niya sa akin at sa mga anak ko. May anak ako kambal pero hindi ko alam kung sino ang ama nila dahil hindi ko ito maalala dahil sabi ni kuya nalunod daw ako three years ago at nagka-amnesia daw ako. Hanggang ngayon nga ay pinipilit ko itong alalahanin na siya din ang dahilan ng pagsakit ng ulo ko at pag no-nosebleed.
Sabi naman ni kuya sa akin na huwag ko na itong alalahanin dahil iniwanan daw ako nito ng malaman na buntis ako at ito daw ang dahilan kung bakit ako nalunod at muntik ng mapahamak ang mga anak ko. Pero hindi ko parin talaga maiwasan malungkot dahil kahit papaano ay gusto ko na kompleto at buo ang maibigay ko na pamilya sa aking dalawang anak.
Two years and two months old na ang kambal, lalaki at babae. Masasabi kung gwapo at may ibang lahi ang nakabuntis sa akin dahil hindi ko maikakaila ang angking ganda at gwapo ng kambal ko.
I named my twins, Xarienne Galexia the girl and Xeivion Galaxus the boy . I don't know why I choose that name, it just felt so right. It feels like X is part of my life?
"Eva, you still there?" Don Erick tapped my shoulder.
Oh shit. I spaced out again.
Kapag talaga masama ang pakiramdam ko ay nags-spaced out talaga ako. Nahawa ata ako kay Xeivion, may lagnat kasi ito, kaya absent din ako kahapon dahil binantayan ko ito at may importanteng pinuntahan si kuya kaya hindi niya mabantayan ang dalawa sa gabi. Si kuya ang nagbabantay sa kanila kapag gabi dahil gabi din ang oras ng trabaho ko dito sa bar. Sa umaga naman ako ang nagbabantay sa kanila dahil umaga ang trabaho ni kuya bilang kargador ng mga isda sa palengke. Minsan din ay nangingisda siya ng madaling araw kasama ang mga kasamahan nito sa trabaho.
"Pasensya na po, Sir. Kukunin ko lang ho ang order niyo." Wika ko dito at mabilis na bumalik sa counter.
"Jon, paabot naman ng isang bucket ng beer, please."
"Okay ka lang ba, Eva?" Tanong naman sa akin ni Jon, kasamahan ko siya dito sa bar at siya ang nakatoka sa counter.
Umiling naman ako. "Nahawa ata ako kay Xeivion." Nanghihinang sagot ko dito.
Nag-aalala naman akong tinignan nito. "Umuwi ka na kaya muna? Baka mamaya bigla ka nalang humalandusay diyan."
"Hindi pwede at kailangan ko pang bumili ng gamot ni Xeivion at paubos na rin ang vitamins nila ni Xarienne." Napa-buntong hininga ako habang inaayos ang order nila Don Erick na beer.
Napailing naman si Jon. "Kailangan mo din alagaan sarili mo, para din iyan sa mga anak mo, Eva." Pangaral naman ni Jon.
"Pero walang-wala na ak—"
"May anak ka na?" Naputol naman ang aking sasabihin ng biglang nagsalita ang babaeng nakausap ko kani-kanina lang. Hindi ko namalayan na nakaupo pala ito malapit sa pwesto namin ni Jon dito sa bar counter.
I think her name is Yvette?
"Oh. You're still here, Yvette?" Tanong ko dito.
"Yvette?" Nagtataka naman nitong tanong sa akin.
BINABASA MO ANG
Queen's Archer ( GxG) 💍
RomanceYvette Gwen Martinez, An Archery scholar in Cromwell Univeristy, and the sole reason why the next reigning Queen extended her stay in the Philippines. Two people met in a most clichè scenario and since then love SLOWLY bloom that will change both of...