Chapter 41

22.9K 740 102
                                    


Finally, finally!

I missed this university. Kahit pa madalas ako ma-bully, hindi ko parin maiwasan na mamiss ito. Sa wakas, hindi na ako parang tangang nab-bored sa mansion ni Miss Cromwell.

"Yaaay Yveee! Finally! Na-miss ka namin dito!!!" Agad akong sinalubong ng yakap ng dalawa kong kaibigan.

"Oh, careful guys. Iyong tahi niya sa tiyan." Paalala naman ni Charlotte sa kanila bago ako yakapin rin nito.

"Thank you guys! Na-miss ko rin ang pumasok." Masayang bigkas ko.

Kumalas naman na sila sa yakap kaya nagsimula na kaming maglakad ng magpaalam na ako sa driver ni Miss Cromwell. Hindi kami sabay pumasok kasi mas maaga pala itong umaalis ng bahay dahil dumadaan muna ito sa kompanya niya. Iyong kambal naman ay may ibang driver din naghahatid.

"So, I heard from Cleo that you're now working for Miss Cromwell." Saryia uttered.

Napa-buntong hininga naman ako saka marahan tumango. "Personal assisstant daw." Walang ganang sambit ko.

"Bakit parang hindi ka masaya? Ayaw mo no'n mas lalong malapit ka sa taong gusto mo." Tumaas-baba naman ang kilay ni Saryia ng sabihin niya yun.

Inirapan ko naman siya. "Eh, kailangan ko nga pigilan diba. Kasi impossibleng magugustuhan ako no'n." Asik ko.

"Look at me and Cleo, akala ko nga hindi ako nito magugustuhan, eh."

"Sary, magkaiba naman tayo ng estado sa buhay eh, mayaman ka, ako ay isang hamak na hampas—"

"Continue that and I will really slap you." Putol naman ni Shantelle sa sasabihin ko.

Agad ko naman itinikom ang aking bibig saka sumimangot. Ang sakit pa naman niyan mang hampas, sampal pa kaya.

"My sister will not care about your life status, Yve." Ani naman ni Charlotte.

Alam ko naman 'yon. Tinutulungan niya nga kami, eh. Miss Cromwell maybe cold hearted but I know deep inside she's really a good samaritan natatabunan lang ng nakakatakot niyang mukha.

Oopsie. Okay lang, sobrang ganda niya parin naman.

"Incase you forgot, she has a suitor." Sagot ko kay Charlotte. "And we don't even know if your sister is straight or whatsoever." Asik ko.

"Who knows? Malay mo naman diba?" Kibit-balikat na sagot ni Saryia.

"And also let's not forget that SHE IS A QUEEN!" I exclaimed. "Her being a Queen is enough reason for me to stop this feelings I have for her." I said with finality in my voice.

Napailing nalang silang tatlo at hindi na sumagot pa. Why are they pushing me towards Miss Cromwell anyway? Hindi naman sila 'yong masasaktan.

Gusto ata nila maging friendship goals ang mag-jowa ng professors.

Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa classroom. First subject namin ngayon si Miss Cromwell, mukhang makikita ko na naman ang pagtataray nito.

Hindi na kasi ito madalas nagtataray sa bahay dahil na rin sa kambal. Mabuti nalang yun dahil ayaw ko naman lumaki ang kambal na makuha ang attitude ni Miss Cromwell na mataray tapos may tinatagong kabaitan naman pala.

Lalo na si Cassia na alam ko talagang may attitude. Kaya nga nararamdaman kong may pag hanga ito kay Miss Cromwell, eh, dahil parang ginagaya niya ito.

Oh lord, gabayan niyo po si Cassia at ang pagka-mataray nito.

"I'll see you later, Love." My eyes widen when Shantelle and Charlotte kissed. It was just a quick kiss, but still... it caught me off guard.

Holy shit.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon