Chapter 60

22.8K 683 89
                                    

Cleofel's


"Yvette!" Sigaw ko at mabilis na inagapan si Yvette ng makita ko itong matutumba na.

Nawalan na ito ng malay habang patuloy parin sa pag-agos ang dugo sa ilong nito.

"Let's bring them to the hospital!" Natatarantang sigaw ni Clementine habang pinapatahan ang dalawang bata na nagising ata dahil sa sigaw naming dalawa.

Mabilis na kinuha ni Clementine ang cellphone nito mula sa kanyang bulsa at tinawagan ang mga tauhan nito para puntahan kami.

Wala pang ilang minuto ay dumating na ang mga tauhan nito at agad sinira ang pintuan ng bahay na tinutuluyan ni Yvette dito.

Ito din ang dahilan ng mabilis na paglabas ng isang lalaki sa kabilang kwarto at nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa amin.

"S-Sino k-kayo?" Takot na bigkas nito. "A-Anong ginagawa niyo dito at anong ginawa niyo kay Eva!?" Singhal naman niya.

Ngunit hindi ito pinansin ni Clementine at kinarga lang ang dalawa nitong anak na patuloy parin sa pag-iyak habang ako naman ay kinarga na si Yvette in a bridal style.

"Bring him with you." Sabi ko sa tauhan ni Clementine at tinuro ang lalaking kasama ni Yvette dito sa bahay.

Mabilis naman tumalima ang mga tauhan ni Clementine at agad tinusukan ng pampatulog ang lalaki. Para iwas narin sa gulo dito sa lungsod, lalo't gabi na rin.

Nang makapunta kami sa dalampasigan, medyo malayo-layo na sa kabahayan ay may dalawang chopper na doon. Nakita ko rin na nagising ang ibang mga tao na malapit sa isla at nakatanaw lang sa amin.

Pagkasakay namin sa chopper ay mabilis naman itong pinaandar.

"Beau, my son's temperature is getting higher." Naluluhang wika ni Clementine habang marahan hinahawakan ang noo ng anak nito. "And Gwen." Tumingin naman ito sa gawi ni Yvette at hindi na nito napigilan pa ang umiyak.

"Shh. They'll be alright. Okay?" Pagpapatahan ko dito at kinuha muna sa kanya si Xarienne ang anak nitong babae. Si Yvette naman ay naka-secure ng nakahiga sa kaharap namin na upuan.

"Fuck! Hindi ko man lang alam na buntis na pala siya!" Naiiyak na saad nito habang nakatingin sa mga anak nito. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil naipahamak ko sila."

We are 100% sure that the twins are Clementine's and Yvette's childrens. Dahil halos kamukha na ni Clementine si Xarienne at nakuha naman ni Xeivion ang mata at ilong ni Clementine.

No dna test needed.

"Clem's lahat tayo hindi nag-expect na buntis si Yvette dahil nag negative nga ito diba nung nag pregnancy test siya?" Pang-aalo ko naman dito.

Actually, we all thought that Yvette's not pregnant dahil pagkalipas ng isang buwan matapos silang magpa IVF ni Clementine ay pinag-pregnancy test na namin si Yvette pero nag-negative ito.

And that happens all the time. Kaya wala talaga sa isip namin na buntis ito. Kaya nung nasa bar ako habang kausap si Yvette ay akala ko nakapag-asawa na ito dahil sa sinabi niyang may anak na siya.

Turns out, it's her and Clementine's child.

"They are so pretty." Naluluhang wika nito habang hinahalikan at pinapatahan ang anak nitong lalaki.

I smiled as I kissed Xarienne's forehead too. "Indeed they are." I softly said. "Parang ikaw lang 'to si Xarienne nung bata ka pa."

Tahimik na ngayon si Xarienne's at mariin nalang nakatingin sa akin pero hindi naman mababakas sa mukha nito ang takot.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon