Chapter 63

25.5K 687 142
                                    


"Mama, Mama!!!"

Tamad na bumangon ako ng kama ng marinig kong umiiyak ang kambal, mukhang nagugutom na naman sila.

"Shh. Mama is here." Tahan ko sa kanila.

Una kong binuhat si Xeivon dahil mas malakas ang iyak nito, baka maka-istorbo pa kami ng ibang tao. Kaagad ko siyang pinadede sa aking boobies, bago naglakad papuntang mesa para timplahan nalang ng gatas si Xarienne.

Mukhang gutom na gutom ata sila. Maaga kasi silang nakatulog kanina dahil sa pagod, paano ba naman itong mga kaibigan ni Xeen pati narin ang mga kapatid niya, hindi tinigilan ang mga anak ko.

Pinanggigilan pa nila. Kaya ayun bagsak na bagsak ang dalawa pagkatapos.

Napasapo naman ako sa aking noo ng mapagtanto ko na wala na palang laman ang hydroflask na lagayan ng hot water.

Paano na 'to. Kanina pa rin umiiyak si Xarienne. Hindi ko naman si pwedeng ipagsabay ng dede dahil kapag nagugutom talaga si Xeiv ay dalawang boobs ko ang dinidede nito.

Kung bababa naman ako, hindi ko pa alam kung ano-anong pasikot sa mansyon na ito lalo na't ang laki dito.

Habang patuloy ako sa pag-iisip ay may narinig naman akong kumatok sa pinto kaya mabilis ko itong binuksan, mukhang may naistorbo na ata kami.

Nang mabuksan ko ang pinto ay agad bumungad sa aking harapan si Xeen na mukhang bagong gising din ata.

Mukhang nagising talaga siya sa ingay ng kambal. "Pasensya na, nagising ka ba sa ingay nila? Nagugutom kasi sila." Hingi ko ng paumanhin.

Umiling naman si Xeen. "No, it's alright. Soundproof naman tung kwarto mo, tsaka narinig ko ang iyak nila sa baby monitor, nagpalagay rin kasi ako sa kwarto para makatulong." Paliwanag nito.

"Hala. Nakakahiya naman Xeen. Hindi mo na ako kailangan tulungan. Pinatira mo na nga kami dito eh." Nahihiyang turan ko.

Ngumiti naman ito. "I insist. Tsaka hindi ba nasabi ko na sayo na mahilig ako sa bata."

"S-Sigurado ka ba?" Kagat-labing bigkas ko.

"I am. Now, what to do? Seems like they're both hungry."

"Nakalimutan kong mag-refill ng hot water sa hydroflask na binigay mo." Nahihiyang turan ko.

"Ohh. Okay, ako na bahala." Sabi nito at may pinindot sa gilid ng pintuan ko, isa itong white box na parang speaker.

"Please bring hot water here ASAP." Wika nito dito.

Namamangha ko naman siyang tinignan. "Ano pala iyan?" Tanong ko. Akala ko kasi doorbell yan ng kwarto eh.

"This is the intercom. Kapag may kailangan ka o nagugutom ka, pindutin mo lang ito, okay?" Sabi nito sa akin kaya napapatango ako.

"Wow."

Marahan itong tumawa saka pumasok na sa loob ng kwarto ko dahil hindi parin tumitigil sa pag-iyak si Xarienne.

"Mommaaa." Iyak ni Xarienne saka nito iniabot ang kamay niya kay Xeen.

Kinarga naman ito agad ni Xeen at pinapatahan. "Shh. Momma's here, what does my baby want?" She asked in a baby voice.

"Momma dede." Sagot naman ni Xarienne habang umiiyak.

"Milk is coming baby, don't cry now." Pag-aalo nito.

Parang may humaplos naman sa aking dibdib habang nakatitig ako sa kanila. Parang sila pa yung mukhang mag-ina kaysa sa amin ni Xarienne.

I chuckled. "Parang mas mukha pa kayong mag-ina kaysa sa akin, ah." Pagbibiro ko.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon