Five

113 4 1
                                    

Five

Hindi mawala ang aking ngiti habang inaantay ang oras. Stanley is still supervising us, hindi pa Rin tapos ang iba kong mga kaklase sa quiz. Pumangalumbaba ako habang pinaglalaruan ang aking ballpen at nakamasid kay Stanley na nagbabasa ng libro.

Kaya kong mabuhay ng ganito araw-araw, nakatitig lang sa kanya, habang nagbabasa ng libro. Napakurap ako ng may papel na tumama sa kamay ko. Nakita ko si Minnie na iba ang ngisi, tinuro niya sa akin ang papel na binato niya at basahin ko raw ang nilalaman 'nun.

I open it. "Stop drooling, halatang-halata na patay na patay ka Embry." I crumpled it at sinamaan siya ng tingin. Whatever Minnie, wala na akong pakialam kung malaman ng lahat ng tao sa school ang pagka-patay ko sa kaniya.

Hindi ko pinansin si Minnie kaya si Evan naman ang bumato sa akin. Medyo maingay na ang paligid dahil unti-unti ng natatapos ang iba kong kaklase. I read the paper again. "So this is how you will fall in love, huh" sabi ni Evan. Isang matalim na tingin ang natanggap niya na kadahilanan ng pag-apiran nila Finn.

Hindi ba nila ako titigilan sa mga pang-aasar nila? Fine! Kinuha ko ang aking phone at nagtipa.

"Stop it guys!" sent to our group chat. Nag-ngising aso silang tatlo at inulan ako ng mga chats pero ipinatong ko lang ang phone sa aking desk at pinagmasdan ulit si Stanley na nagbabasa pa rin. How I wish we were in the same class so that I could freely look at him like this.

I look at my wristwatch at ilang minuto na lang ay matatapos na ang oras namin kay Mam. Laguerte. Hindi nagtagal ay sabay-sabay kaming napatingin sa babaeng nasa bukana ng klase namin.

"Stanley!" Tawag nito kay Stanley. Ibinaba ni Stanley ang librong binabasa niya at naglakad palapit sa may pintuan. Hindi ko gaano marinig ang pinag-uusapan dahil sa layo ko sa kanila..

Kumunot ang noo kong pinagmasdan silang nag-uusap sa may hamba ng pintuan. The girl is smiling while Stanley is just standing there. Sinuri ko ang mahinhing babae, siya 'yung babaeng madalas kong makita na kausap ni Stanley sa library. May dumaang kirot sa puso ko habang nakikita ko ang pagiging komportable nila sa isa't-isa. Tahimik rin ang buong klase habang pinagmamasdan sila, hindi na rin ako nag-atubili pang tingnan ang aking mga kaibigan dahil sigurado ako'ng panunukso lamang ang makukuha ko sa kanila.

Funny how Stanley makes my emotion shift in a span of seconds from happy a while ago and in pain right now. Hindi na ako makangiti habang tinitingnan sila. Nag-iwas ako ng tingin ng bumalik si Stanley sa teachers table at kinuha ang mga papers. Nagtama rin ang tingin namin ngunit nag-iwas na ako ng tingin. Sinulyapan ko ulit ang hamba ng pintuan at naroon parin doon ang babae, mukhang hinihintay siya.

May sinabi pa si Stanley sa harap ng klase namin ngunit dahil masyado ng okupado ang isip ko sa nakikita ay nawalan na ako ng interest. Narinig ko ang pamamaalam ng buong klase sa kaniya pero ni sulyap ay hindi ko na siya ginawaran. Masyado akong nanliliit sa sarili ko, mas lalo lang pinapakita ng babaeng 'yun na kailanman hindi magiging komportable sa akin si Stanley, dahil basagulera ako, samantalang siya ay nasa top sa lahat, academically and in school activities.

Tinapik ni Finn ang braso ko. Pinapalibutan na pala nila ako. Tinuon ko ang atensyon sa malawak na field sa bintana. I sighed deeply.

"Are you okay? Nag-iba mood mo ah." sabi ni Evan na nasa likuran ko,nakatuko ang kaliwang palad sa aking upuan. Si Minnie naman ay nakahalukipkip samantalang si Finn ay nakaupo sa table ko.

"Are you jealous?" diretsahang tanong ni Finn sa akin. Nagtama ang tingin naming tatlo na wari'y basang-basa na nila ako.

"No. Why would I be?" Kitang kita ko ang makahulugan nilang tingin sa akin. Na para bang sinasabi ng kanilang mga mata na kilala nila ako kaya hindi ako pwedeng tumanggi sa harap nila.

Married by ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon