Thirty Six

105 6 0
                                    

Thirty Six

Wearing a white crop top shirt, cargo pants, white sneakers with an LA cap. I completed my disguise look with an eye glass as I exited our unit's penthouse. Hindi ko na pinaakyat si Minnie sa basement at bababa na rin naman ako although nagpupumilit siya na umakyat, nahikayat ko rin naman siya na mamaya na lang kapag uuwi na kami.

Tahimik akong binuksan ang sasakyan niya at naupo sa front seat.

"What's with your look?!" Aniya na pinasadahan ako mula ulo hanggang pa.

"Just my casual clothes, nagsuot lang ako ng ibang spec dahil sinabi ni Tito na baka may makakilala sa akin sa Mall." She sighed.

"Oo nga pala, I almost forgot na pinagpiyestahan nga pala ang buhay mo sa social media ngayon. Lalo na at na balita ang pagpapakasal mo sa isang multi billionaire bachelor." I hissed. Tinanggal ko muna pansamantala ang cap sa ulo at pinasadahan ng kamay ang tuyong-tuyo kong buhok.

Itinuko ko ang aking kanang siko sa bintana ng sasakyan habang nakamasid sa daan patungong grocery store.

"So how's your honeymoon?" Tanong niya, hindi titigil hangga't hindi nakukuha ang sagot na gusto niya.

"Fine." Simpleng sagot ko.

I felt my phone vibrated, kinuha ko 'yon sa aking bag at binuksan.

Stanley: Magkasama na kayo ni Minnie?

Ako: Yeah! We will go to the dept store first and then grocery.

Stanley: Okay. Update me which dept.store.

Ako: Okay. Focus on your work, you're just constantly texting me.

Itinago ko ang ngiting namuo sa akin at sumulyap kay Minnie na seryoso na nagmamaneho.

"Fine? So you mean, something happened?" nahimigan ko ng panunuya ang boses niya. Napairap ako at pilit na itinago ang kagustuhang magkwento.

"W-Wala!" nauutal kong sambit, nag-iiwas ng tingin.

"Kung wala, bakit ka nauutal?" pang-aasar niya sa akin. Mas hindi ko siya lalong pinansin. Kitang-kita ko na ang mga ngiti niya habang nagmamaneho. Nang mag-traffic buong atensyon na niya ang nabaling sa akin.

"So finally Stanley took your virginity? Am I right?" mas lalong lumakas ang panunuya niya. Pinamulahan ako ng pisngi at umiwas ng tingin. Humagalpak na siya lalo ng tawa at tinuro-turo ako habang umiiling.

"I know you, Embry Vani Medrano! Namumula ka na! Akala ko ba fake fake lang itong marriage na 'to. Bakit parang totoo na sa pagitan niyong dalawa?" Unti-unting napawi ang ngiti ko sa pinaalala niya sa akin. Nagtaas ako ng kilay, hindi nagustuhan ang sinabi niya.

"You really did it? Sabagay kahit fake at madalian ang pagpasok niyo sa pagpapakasal. Why not enjoy the benefit of it, right?" aniya. Tiningnan ko lang siya. Sa nakalipas na araw na may nangyayari sa amin ni Stanley, hindi ko na naisip ang totoong estado namin. All I know is I am happy and content with what's happening in our relationship. At ngayong parang pinapamukha sa akin ni Minnie ang reason ng lahat ng pagkakapasok namin sa relasyong 'to ay parang biglang nangasim ang sikmura ko. Itinuko ko ulit ang aking siko sa bintana at mariing nag-isip. Nawalan ako ng gana sa pinag-usapan naming dalawa.

"Naku, naku Embry, mag-ingat ka! Bali-balita pa naman sa amin noon kung gaano katinik si Stanley sa mga babae. Noong busy ka pa sa buhay mo sa US, ilang mga models at business women ang na link sa kanya noon. Hindi lang 'yon, napakarami kong narinig na sobrang galing daw niyan sa kama. Kaya nga halos lahat ng mga naging fling niyan, may hang-ups pa sa kanya. I can only imagine his past fling reaction on his sudden marriage." Parang naging lason sa isipan ko ang sinabi ni Minnie sa akin. Bigla-biglang natibag ang kapayapaan ko nitong mga nakaraang araw dahil sa sinabi niya.

Married by ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon