Forty Eight

106 5 0
                                    

Forty Eight

After our meeting, ilang schedule ang kinancel ko dahil pakiramdam ko wala pa ako sa wisyo magtrabaho. Stanley is so hesitant to leave me alone in our home but I always reassured him that I will be fine. Sa ilang araw na mag-isa ako, I busied myself on decorating our home. Isa-isa kong pinaglalagyan ng buhay ang condo niya. I ordered some furniture also online. Nasa kalagitnaan na ako ng pag-aayos when I heard my phone ringing.

Hindi ko tinignan kung sino 'yon dahil dalawa lang naman usually ang tumatawag sa akin. Its' either Stanley or Minnie.

"Yes Hello?" bati ko sa kabilang linya. I loudspeaker while I am thinking of what's the best position of my velvet couch in our sala.

"What are you doing?" si Stanley. Kumunot ang noo ko, kakaalis niya lang kanina ah. Tinatanong na agad niya ako sa ginagawa ko.

I rolled my eyes and thought hard. "I'm thinking of where to put the furniture I bought online." I said.

I heard him chuckle. "Dumating na pala ang mga furniture na in-order mo online?" tanong niya.

"Yeah. Kani-kanina lang..." kumunot ang noo ko at tiningnan ang phone. "By the way...are you in meeting?" tanong ko dahil mukhang seryoso ang pinag-uusapan sa kabilang linya, they're like in some debate or something.

"Yeah." walang kalatuy-latoy na sagot niya. Napasinghap ako sa sinabi niya.

"God, Stanley! Focus on your work! For pete's sake you're in the middle of the debate. And yet you're calling me?!" mas lalo kong narinig ang halakhak niya sa kabilang linya dahil sa sinabi ko.

"Let them... sa final touch nalang ako magsasalita."

"Uh-uh and yet you're calling me? Where's your focus now, Stanley? Go back to your work!"

"My focus are on you, naiwan ko yata diyan." Hindi ko mapigilang hindi matawa sa mga banat niya. But then I rolled my eyes, ayaw ng patulan ang mga pasaring niya. Mamaya ay hindi na siya makapagtrabaho ng maayos. Tamang-tama rin at nakatanggap ako ng tawag kay Minnie kaya nagkadahilan ako para patayin ang tawag. I ended our call and accept Minnie.

"What's up?" bungad niya sa akin.

"Doing some housewife chore. How about you?" balik kong tanong sa kanya. I heard her laugh at the other line.

"Masyadong mo'ng ginagampanan ang pagiging housewife ah. How about kids? Are you planning it now?" natigilan ako sinabi ni Minnie. Naramdaman niya rin ata ang pananahimik ko kaya nagsalita siya.

"Forget it. I'm coming to your penthouse, let's dine outside. I'm bored." aniya. Gusto ko pa sanang umapila pero naalala ko'ng hindi pa pala ako nakaka-pagluto ng tanghalian, I can also cook my food pero mas hassle kaya pumayag na lang ako sa gusto ni Minnie.

I am ready to go when I texted Stanley about our sudden plan. Hindi ako nakatanggap ng reply sa kanya or maybe he's now busy. Hindi na umakyat pa si Minnie sa penthouse at hinintay na lang niya ako sa basement. Dahil tamad na tamad akong mag-ayos isang jogging pants and fitted white shirt lang ang suot ko. I pair it with a big sunglasses. Paglabas palang kitang-kita ko na ang malaking ngiti ni Minnie na nakangising nakatingin sa akin, sumipol pa ang gaga.

"Woah. Isang rampa naman diyan, Ms. Embry Vani Medrano!" sigaw niya nanunuya sa akin. Natawa ako at napalingon sa paligid. Nakakahiya at buti na lang kaming dalawa lang ang tao.

"Please... isang catwalk naman d'yan!" sigaw niya ulit. The automatic door opened at imbes na putulin ang mood niya, sinabayan ko na lang siya sa trip niya. I flip my hair and put my sunglass above my hair as I walk towards her with my fierce look and catwalk. Minnie is so happy looking at me and clapping.

Married by ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon