Twenty Three

115 5 0
                                    

Twenty Three

Unti-unti ng nauubos ang laman ng conference room pero ang tingin ko ay hindi lumilisan kay Stanley. He's still smiling while talking to his board member, si Tito naman ay nasa tabi niya. Is this some kind of plot? Together with Aia? Sinulyapan ko si Aia na nasa tabi ko. Mariin ko siyang tiningnan.

"Tell me? Did you already sign a contract to this company?" seryosong tanong ko. Agad siyang napalunok at walang pasubaling tumango.

I sighed. Kahit naman pala tanggihan ko, wala na rin akong magagawa. Tahimik akong naupo sa harap ni Tito at mariin siyang tinitigan. How come he sign a contract without consulting me? And with Stanley? Why it sounds like he plan all of it! Biglang pumasok sa akin ang mga katagang sinabi niya kagabi.

"I mean if you accept that offer, will it make you stay here? Paano kung nasa contract na dito ka manirahan while you are endorsing that brand? Will it make you stay here?"

Napaawang ang labi ko dahil sa naalalang sinabi niya. Will it make you stay here? Does it mean he wants me to stay here? Natigil ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang phone ko sa isang mensahe.

Unknown Number:

I'm fine now. I'm going to see you.

-M.G

Kaagad nanginig ang kamay ko sa nabasa. Series of flashback came to my mind while reading his initial.

Flower for you.

-M.G

It's in a card full of flowers.

You look so hot in that magazine. I am licking it every night.

-M.G

Is it true that you are in a relationship with that model? You are mine!

-M.G

Sa sobrang daming ala-alang hindi ko makontrol, nabitawan ko ang phone ko dahilan upang makuha ang atensyon ng mga tao. Agad lumapit si Tito sa akin, si Aia naman ay kinuha at binasa ang phone ko na nahulog. Hindi ko na maitago ang panginginig ng aking kamay. Nagsisimula na ring sumikip ang aking dibdib. Mariin akong napapikit at pilit na pinakalma ang sarili.

I felt Stanley's presence in front of me. He's holding my arms, nagtataka sa panginginig ko.

"What happened? Hindi ka makahinga?" tanong niya. Hindi ako makasagot as I am trying to breathe normally. Mabuti na lang at konti na lang ang tao sa loob ng conference room kaya iilan lang ang nakakita ng pagkakataranta ko. Narinig kong nag-utos siya sa secretary niya ng tubig at nagbabalak na sanang tumawag ng ambulance ngunit pinigilan ko lang.

"Sir?" rinig kong tawag ni Aia kay Tito at pinakita ang phone ko. Binasa ni Tito ang text doon.

"Fuck. That asshole is still alive?" galit na utas ni Tito dahilan upang bumaling si Stanley sa kanya.

"Why didn't that bastard just die!" sabi ni Tito problemadong-problemado at nag-aalala para sa akin.

"What about it? Bakit anong nangyari?" tanong ni Stanley kay Tito, litong-lito habang pinapakalma ako. Hinawakan ko siya sa kamay at umiling. Huwag na sana niyang alamin.

"That bastard has been obsessing to Vani. Kahit saan kami magpunta, nandoon! HIndi ko na alam ang gagawin ko para matigil 'yang hayop na yan. Nakailang report na kami sa police dahil sa mga banta niya pero hindi pa rin tumitigil..." galit na sabi niya at tumingin sa akin. Pilit niya akong pinapakalma, pinaupo na rin ako ni Stanley.

Nararamdam ko pa rin ang panginginig ng aking kamay, but then, Stanley hand hold it lightly. Nagtama ang tingin namin, he looks so worried. Nag-iisip habang tinititigan ako.

Married by ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon