VI: Fujisawa

328 8 1
                                    

"Hi Kuya Yuki! Hi Kuya Toru! Merry Christmas!" bati ni Ren sa kanyang dalawang kuyang hunks.

"Christmas christmas ka dyan, sa isang araw pa ang pasko! Kikrismasin ko yang mukha mo eh!" bati ni Kuya Yuki.

"Eto naman oh. Nabati lang ng christmas galit na agad," wika ni Ren.

"Hoy bakla! Bakit ba ngayon ka lang?! Alam mo bang ginutom mo kami?! Lang hiya magluto ka na bilisan mo!" wika ni Kuya Toru.

"Eh kuya, di ako marunong magluto eh."

"Aba't sumasagot ka na ngayon?! Sino ba palagi ang nagluluto dito ha?!"

"Ako po. Sabi ko nga po magluluto nako." wika ni Ren. "Oh Hannah Michy, pasok ka. Tulungan mo kong magluto," wika ni Ren kay Hannah Michy. Mayamaya pa ay may bumungad na isang sexy na legs papasok ng pintuan. Naka-miniskirt ito na may touch na red at white. Sabi nga simula pa lang ng istoryang ito na naka-santa claus outfit si Michy diba? Sexy version nga lang.

Syempre nagulat sina Yuki at Toru. Aba't may kasamang chicks ang bakla nilang kapatid.

"Witwew," sipol ni Toru. "Bakla! Buti naman at may dinala kang chicks dito para sakin. May pakinabang ka naman pala kahit papano." bigla na lamang lumapit si Toru kay Hannah Michy at inakbayan ito. Nag-init bigla ang ulo ni Hannah kaya bigla nyang siniko ng pagkalakas-lakas si Toru.

"HAYYAAAAAA!"

"AAAAHHH!"

"Tss. Wala ka pala eh. Buti nga sayo." wika ni Hannah. Napikon si Toru kaya akma itong gaganti sa dalaga.

"ABA'T-

"Hephep. Bago mo gawin yang binabalak mo, gusto ko lamang namang sabihin na..." wika ni Hannah at pagkatapos ay dahan-dahan syang lumapit kay Toru na para bang inaakit ito.

Natigilan naman bigla si Toru. Seductive naman kasi talaga si Hannah eh. Grabe lang, laglag ang panga ng lolo nyo.

"BEHLAT!" wika ni Hannah at dinilaan ito ng bonggang-bongga sabay hila kay Ren palabas ng bahay nila.

"Hahahahahaha!" tawa nina Ren at Hannah.

"AAAARRGGHH!" hinabol sila ni Toru sa galit. Buti na lamang at kahit na lampayatot si Ren ay mabilis namang tumakbo si Hannah Michy kaya nahila nya ito agad papalayo sa nagpupuyos ang galit na si Toru.

"HOY! KUNG AKALA NYO MAKAKATAKAS KAYONG DALAWA SAKIN, NAGKAKAMALI KAYO!" galit na galit na sabi ni Toru. Halos mag-usok na ang ilong nito sa sobrang galit nang may makita syang isa pang di kanais-nais sa labas ng bahay.

"Hoy maarteng babae na akala mo kung sinong maganda, bakit naandito ka pa sa teritoryo namin ha? Akala ko ba nandidiri ka dito ha?!" sigaw ni Toru sa kanyang kapatid "daw" na si Kaoru.

"Che! Hindi ako nagpunta rito for you, noh? Naandito ako para makipagdate." wika ni Kaoru sabay flip ng kanyang hair.

"DATE?! SINO?" tanong ni Yuki na bigla na lamang din lumabas ng bahay nila.

"Ako. May problema?" tanong ni Fujisawa na bigla na lamang din lumabas. Hindi ko alam kung sa ilalim ng lupa o bigla na lang syang hinulog ng kalangitan basta lumabas sya. Astig na astig ang outfit nito at nakashades pa. Sa bagay may hitsura naman nga sya.

Biglang lumapit si Toru sa sigang lalaki at inangasan ito. Si Yuki naman ay lumapit kay Kaoru at inakbayan ito papalayo kay Fujisawa.

"Problema mo?" tanong ni Fujisawa kay Toru.

"Problema ko? Ikaw. Pwede ba pare, wag kang makalapit-lapit dyan sa maarteng babaeng yan na akala mo kung sinong maganda eh maganda naman nga?" wika ni Toru kay Fujisawa.

"Tss. Pakialam mo ba?" wika ni Fujisawa.

"Pakialam ko?! Kapatid ko lang naman yang babaeng pinagtitripan mo! Tss gago ka pala eh." wika ni Toru sabay smirk. Mukhang hinahamon nya ng bugbugan si Fujisawa.

"Aaah. Sori pare. Hindi ko kasi alam. Pano ba yan? Girlfriend ko na sya eh." ngingiti-ngiting sambit ni Fujisawa na para bang nang-aasar.

"Paki ko ba kung girlfriend mo na o hindi pa. Ang sabi ko, layuan mo," wika ni Toru at pagkatapos ay inilapit nya ang mukha nya kay Fujisawa, "ang kapatid ko."

"Hey! What are you doing ba?! DON'T MAKE AKBAY TO ME! YOU'RE EEW!" wika ni Kaoru ngunit wala na rin syang nagawa dahil malakas si Kuya Yuki at di sya makapalag dito.

"Hoy babae. Wag na wag kang makalapit dyan sa gagong yan! Alam mo bang gago yan?! Sya na ang gago! Ang gago gago nya kaya wag kang makalapit-lapit sa kanya ha! Gago sya!"

"Teka teka lang. Wala akong naintindihan kundi "gago." Bakit ba? Why do you care?! At saka sino ka para pagsalitaan ng ganyan si Fujisawa ko HA?!"

"Hoy! WALA KANG KARAPATANG SAGUT-SAGUTIN AKO HA. HOY MISS, AYOKO NA MABABAHIRAN ANG LAHI NATIN NG DUGO NG GAGONG YAN. NILOLOKO KA LANG NYAN. LUMAYAS KA NA DITO HANGGA'T MAAGA PA." wika ni Yuki sa kanyang kapatid "daw" na si Kaoru. Nainis ang dalaga kaya pabalagbag syang kumawala sa pagkakaakbay sa kanya ni Yuki. Pagkatapos noon ay dinuro nya ang lalaki.

"HOW DARE YOU TO MAKE ME LAYAS IN THIS PLACE?! WHO YOU BA? AND WHAT'S YOUR AUTHORITY TO MAKE WARNING?! Wag ka ngang makialam sa buhay ko. EEW ka! Wag kang mag-feeling na we're related! Gross."

"ABA'T SUMUSOBRA KA NA AH. UUPAKAN NA KITA EH!" wika ni Yuki at akmang uupakan na nga ito. Hindi na kasi kaya ng pasensya nya ang kaartehan at kasamaan ng ugali ni Kaoru.

Bigla namang hinarangan ni Fujisawa si Yuki at hinarap ito.

"Ako ang harapin mo pare!" wika ni Fujisawa sabay suntok rito. Dahil sa ginawa ni Fujisawa ay nag-away at nagbugbugan na ang dalawa. Dahil rin dito ay nakisali na si Toru sa gulo. At dahil nga 2 vs. 1 ang laban ay napagtulungan ng dalawang magkapatid si Fujisawa.

"I HATE YOU YUKI! I HATE YOU TORU! KAPAG MAY NANGYARING MASAMA KAY FUJISAWA, HINDING-HINDI KO KAYO MAPAPATAWAD! PLEASE LANG, ITIGIL NYO NA YAN! HUWAG NYO NA SYANG SAKTAN!" pagmamakaawa ni Kaoru sa dalawa.

Maraming tao ang nakakita sa pag-aaway nila kaya marami ring mga siga ang nakipaglabulabo. Hindi maintindihan ni Kaoru kung ano ang kanyang gagawin. Buti na lamang at may pumito! May pulis na paparating kaya nagsitakbuhan ang marami.

"Police officer help! There oh! Pinagtutulungan nilang dalawa ang boyfriend ko! Hulihin nyo sila dali! Kaderder sila!" wika ni Kaoru habang itinuturo sa pulis sina Yuki at Toru.

"Langhiya hoy babae! Bahala ka na nga sa buhay mo! Nasabi ko na ang dapat kong sabihin. Tandaan mo, wala na kong pakialam sayo simula ngayong araw nato!" wika ni Yuki.

"Wala rin akong pakialam sa inyo! Eew lang! Magpahuli na kasi kayo sa pulis nang makulong na kayo forever and ever!" wika ni Kaoru.

"Tss. Anak ng. Ikaw na nga tong tinutulungan tapos ilalaglag mo pa kami. Hoy babae! Uulitin ko lang ang sinabi ng kuya ko. Wala na KAMING pakialam sayo simula ngayong araw na to! Landiin mo na ang gusto mong landiin. Basta wag kang hihingi ng tulong samin sa oras na may mangyaring masama sayo. PWEH." wika ni Toru sabay dura sa sahig. Tumakbo na silang dalawa ni Yuki roon at iniwan na lamang si Kaoru kasama ni Fujisawa at nang iba pang mga kasama nito.

Si Ren at ang mga Kuya Niyang Hunks (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon