I: Hindi Ako Sirena!

1.5K 21 1
                                    

"Sige na, upakan mo na yan!"

"Wohooo!"

"Hahahahaha. Eh bading naman pala yan eh! Hahahahaha!"

"Bading! Bading!"

Iyon ang mga boses ng mga lalaking masyado syang nilalait. Pinagtutulungan nila ang walang kalaban-labang si Ren. Siya na maliit. Siya na payatot at walang muscles di tulad ng mga lalaking nasa paligid niya. Siya na lalambot-lambot. Pero wait lang. Hindi sya bading noh! It's just that, he is born this way.

"BOOOGSH!"

"BANG!"

At iyon na nga ang nangyari. Pinagbubugbog lang siya ng leader ng gang na si Fujisawa. Biglang nahilo si Ren sa suntok na binitawan nito kaya naman napasalampak na lamang ito sa sahig at parang natulala. Pagkatapos, inapak-apakan ito sa ulo ni Fujisawa at tumawa ito nang pagkalakas lakas.

Si Fujisawa ang siga at hari ng kalsada malapit sa tinitirhan nina Ren. Sila ang mga tinaguriang iskwaters sa lugar na iyon. Malaya ang lahat ng taong magnakawan, magbugbugan at magpatayan. Walang sinumang makakapigil sa kanila dahil lahat ng tao sa lugar na iyon ay hindi naman talaga nagpapapigil. Sa madaling salita, lahat sila ay walang disiplina sa sarili. Matira ang matibay. Kaya't kaawa-awa na lamang ang mga lampayatot at mahihinang tao roon katulad ni Ren.

"Tumigil na nga kayo! Tama na ang pananakit kay Ren!" pag-aawat ng kuya ni Ren na si Kuya Yuki.

"Hm? At bakit naman?" tanong ni Fujisawa.

"Eh bakla naman yan eh! Bakit nyo ba pinapatulan?!" sagot naman ni Kuya Yuki. Pagkasabi niya noon ay nagtawanan na silang lahat. Iyan ang kapatid ni Ren. Hindi talaga matanggap ni Ren na ang kuya pa niya mismo ang promotor kung bakit siya bugbog-sarado ngayon.

"Bading talaga yan! Hahahahaha! Eh wala naman yang binatbat eh!" wika naman ng isa pang kapatid ni Ren na si Toru.

"Sige lang. Bugbugin nyo pa yan! Hahahahaha!" wika naman ng pangatlo sa magkakapatid, si Hibari.

Halos mawalan na ng malay si Ren sa kabubugbog ng mga tao sa kanya. Ito ang buhay nya. Hindi kasi sya tanggap ng kanyang mga kapatid dahil mahina sya. At isa pa, hindi nya kayang maging siga kahit na anong pilitin nya! Ang seksi nya kaya. Excuse lang pero di sya bading. Hindi nya lang talaga feel ang pagiging siga. At isa pa, hindi bagay sa hitsura nya. Iniisip na nya lang na para sa kabutihan nya kaya sya pinagkakanulo ng mga kapatid nya. Naniniwala sya na mahal pa rin sya ng mga ito at gusto lamang nilang maging tunay itong lalaki kaya nila ito ginagawa sa kanya. At isa pa, siya naman ang may kagustuhan nito! Hindi naman sya pinilit ng kanyang mga kapatid na hamunin ng boxing si Fujisawa eh.

"Hoy Ren, bakla ka ba?!" tanong ni Kuya Yuki kay Ren noong isang araw.

"Hindi po kuya! Hindi po talaga! Alam ko mukha akong girl at sexy pa, pero lalaki po ako!" wika ni Ren.

"Gago ka pala eh, sinong niloko mo?!" wika ni Kuya Yuki sabay suntok rito.

"Kuya tama na po!" wika ni Ren.

"Hoy Ren! Magpakalalaki ka nga! Magpamuscle ka! Tss" wika naman ng kapatid nyang si Hibari.

"Sinusubukan ko talaga kuya, pero di ko talaga carry!" wika ni Ren.

"Lang hiya edi bakla ka nga!" wika ni Toru at siya naman ang nanuntok rito.

"UWAAAA! Palibhasa mga hunks kayo kaya ginaganito nyo ako eh! Kasalanan ko bang lampayatot ako?! Porke ba't lampayatot bakla na?! Hindi ba pwedeng malnourish muna?!" sabi ni Ren.

"Malnourish eh bakit mukha kang babae?!" wika ni Hibari.

"Bakit mo sakin tinatanong?! Itanong mo sa nanay natin!"

"Iniwan na tayo ng walang hiyang nanay natin! Ipinagpalit na tayo sa ibang pamilya! Kaya ikaw, kapag hindi ka nagpakalalaki dyan, itatakwil ka na rin namin!" wika ni Kuya Yuki.

"Huwag po! UWAAAA!" wika ni Ren. Dahil dito ay nag-isip sya ng paraan kung paano nya mapapatunayan ang pagkalalaki nya. At iyon na nga ay ang paghamon ng boxing kay Fujisawa. Kaso nga lamang ay na knock-out sya.

Si Ren at ang mga Kuya Niyang Hunks (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon