V: Inlove Ako Kay Hannah Michy

474 9 5
                                    

Nagmomoment sina Hannah Michy at Ren sa may tambakan ng mga kahon habang nakatingin sa kalangitan. Gabi na noon at tahimik ang paligid. Buti na lamang at walang mga siga na gumagala-gala sa lugar na parati nilang tinatambayan.

"Ang lamig ng simoy ng hangin noh? Malapit na talagang magpasko," wika ng dalaga.

"Hannah?"

"Hm?"

"Aah...a-ano bang gusto mo sa isang lalaki?" bigla na lamang nasambit ni Ren. Nagulat si Hannah sa tinanong ng binata kaya bigla itong nahiya.

"Bakit mo naman biglang natanong yan?"

"Wala naman. Curious lang."

"Weh. Di nga? May crush ka siguro sakin noh?"

"Ha? Tss. Wag na nga. Wag mo na lang sagutin yung tanong ko." wika ng binata.

"Hmp eto naman! Ang sungit kaagad. Ganito kasi. Ano...gusto ko, mabait. Understanding. Concerned parati...tsaka mapapagkatiwalaan."

"Ganun ba? Eh ako, gusto mo?"

Hindi narinig ni Hannah ang tanong ni Ren dahil bigla na lamang may nag-karoling sa kabilang kanto. Kasabay pa nito ang pagtahol ng mga aso.

"SA MAY BAHAY, ANG AMING BATI! MERRY CHRISTMAS NA MALUWALHATI! ANG PAG-IBIG ANG SYANG MAGHARI, ARAW-ARAW AY MAGIGING PASKO LAGI!"

"AW AW AW AW AW AW AW!"

"MEOW! MEOW!"

"AAAARRRGGGHHHH....ARF! ARF!"

"MEOW! SSSSSHHHHHHH!"

"ARF ARF ARF!"

"MGA BUWISET KAYONG MGA BATA KAYO! MAGSILAYAS NGA KAYO SA HARAPAN KO!"

"THANK YOU! THANK YOU! ANG BABARAT NINYO THANK YOU!"

"Ha? Ano nga ulit yung sinasabi mo Ren? Ang ingay kasi! Hindi ko narinig!" wika ni Hannah.

"AAAH WALA! Hehehehe."

Mayamaya pa ay bigla na lamang nalungkot si Ren at nagkamot ng ulo. Ano naman kayang problema nito at bigla na lang nag-iba ng mood. Kabilugan ba ng buwan ngayon? Napatingin naman si Michy sa buwan. Hindi naman kabilugan ng buwan.

"Hoy Ren bakit ba bigla kang nalungkot? Ano bang iniemote-emote mo dyan ha?!" tanong ni Hannah sa kaibigan.

"Ha? Wala! Wag mo na akong intindihin." wika ng binata.

"Wala daw? Tss."

"AAAH ano kasi...ano! Binugbog na naman kasi ako." wika ni Ren.

"Nino? Ng mga kapatid mo?" tanong ni Hannah Michy.

"Ni Fujisawa."

"Fujisawa. Sino yun?"

"Wala ka na dun. Tsk."

"Oh ba't ka naman biglang nagalit dyan? Alam mo naguguluhan na talaga ako sayo! Paiba-iba ka ng mood eeeh! Ano bang problema mo? Meron ka ba ngayon ha?!" tanong ni Hannah.

"Ikaw kasi. Bakit bigla ka na lamang nawala kanina? Iniwan mo ako sa ere."

"Ako?" biglang napaisip si Michy. Oo nga noh. Wala sya kanina nung itinali nina Yuki, Toru at Hibari sina Ren at Kaoru. Teka.

"Ah yun ba? Wag mo kong sisihin! Si author ang may kasalanan nun. Nakalimutan nya akong idamay sa eksena eh! Kainis sya alam mo ba yun! Kinalimutan nya ako! Hindi ko akalain na makakalimutin pala sya at pati ang leading lady nakakalimutan na nya! Asar sya ha!"

"Wala kang dapat ipaliwanag. Alam ko namang ikinahihiya mo ko bilang kaibigan." wika ni Ren.

"Ha?! Hindi ah! Ano bang pinagsasasabi mo dyan?!"

Si Ren at ang mga Kuya Niyang Hunks (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon