XI: Merry Christmas

411 11 2
                                    

Akala nila tapos na talaga ang kwentong ito. Hindi pa pala. May sumunod pang pangalawang batch. At puro babae naman ang mga ito. Mga babaeng gangsters na handa silang talunin. Pero ito lamang ang masasabi ni Ren: ang seseksi nila! Ang hot! Phew.

Nagsuguran na ang mga kababaihan. Walang magawa si Ren kundi ang makipaglaban kahit na labag ito sa kalooban niya. Ayaw nya kasing makasakit ng babae. Ganun din si Hibari. Oo astigin talaga sila pero pilig na pigil talaga sila sa pakikipaglaban. Yan na nga ba ang sinasabi nating kahinaan ng mga kalalakihan. Pano ba yan, mukhang matatalo na sila. Si Michy na lamang ang may kakayahang lumaban sa kanila ng bonggang bongga.

"HAYAA!"

"WATCHA!"

"WHOO! WHOO! WHOO!"

Hindi na kaya ni Michy. Ang dami kaya nila noh! Hindi naman kasi sya si Super Girl para talunin silang lahat eeeeeh!

Buti na lang! May back-up na biglang dumating! Ito ay ang dalawang hunks na sina Toru at Yuki.

"Kyaaa! Sino sila?! Ang ho-hot naman nila! Grabe! Nakaka-nosebleed!" wika ng mga babaeng kasama ni Kaoru.

"Yeah right. They're my kuyas, you know. Wag nyo nga silang pagpantasyahan. Jombagin ko kayo dyan eeeeh!" wika ni Kaoru.

"Mga kuya! Buti dumating kayo!" sigaw ni Ren.

"Woah...ang daming chicks tol." sambit naman ni Toru.

"Gago!" wika ni Kuya Yuki sabay batok dito.

"Mga kuya! Help us! They're the gangster girls oh! They're gonna kill us!" sigaw ni Kaoru kina Toru.

"Kuya, anong gagawin natin?! Ayokong manakit ng chicks," sambit ni Toru kay Yuki.

"Alam ko na tol, gawin na lang natin yung ginagawa natin dati." wika ni Kuya Yuki.

"O...sige...sabi mo eh." wika ni Toru at pagkatapos ay naghubad na silang dalawa.

WOW!

Grabe. Nangingislap ang mga hunks nilang katawan sa apat na sulok ng lugar. Lalo pang kuminang ito nang matamaan ito ng sikat ng araw.

"KYAAAA!"

Nagkaroon ng malaking commotion sa loob. Maraming babae ang nahimatay sa pagka-overwhelm. Yung iba ay ni-nosebleed. Nakakasilaw talaga ang mga katawan ng dalawang hunks na iyon.

Natapos na ang kaguluhan. Natalo na ang mga kalaban. At ang pinakanakakatuwa sa lahat ay nagkasundo na sina Ren, Kaoru, Hibari, Toru at Yuki.

"WE WISH YOU A MERRY CHRISTMAS!

WE WISH YOU A MERRY CHRISTMAS!

WE WISH YOU A MERRY CHRISTMAS!

AND A HAPPY NEW YEAR!"

"Langya agang-aga nambubulahaw kayo! Bawal mangaroling dito!" wika ni Kuya Toru at akmang ilalagabag na ang pinto nang pinigilan sya ng kanyang kapatid na si Kaoru. Oo. Sa iisang bahat na sila nakatira. Sa bahay ng nanay nila.

"Kuya naman! Why is your head so hot already?! Oh kids. Heto ang mga candies. Merry Christmas sa inyo!" wika ni Kaoru sabay abot sa mga ito ng candies.

"THANK YOU! THANK YOU! AMBABAIT NINYO THANK YOU!"

"WAAA. Hindi ako makapaniwala. Gusto kong magsuka! Hindi bagay sayo ang magbait-baitan! PWEH!"

"Hoy kuya! Pasalamat ka at kuya ang tinatawag ko sayo ngayon ha. Once for a year lang ito!" wika ni Kaoru sa kanyang kapatid na si Toru.

"Anong once for a year?! ONCE A YEAR! Tss. English pa ng english di naman pala marunong!"

"KUYAAA!"

"Oh mga anak, eto ang ating masarap na pagkain! Ako ang nagluto nyan!" wika ng nanay nila habang inihahain nito ang kanilang pagkain sa salas.

"KUYAAAA!"

"Tsk bakit ba?!" tugon naman ni Kuya Yuki sa kanina pang sigaw nang sigaw na si Hibari. Istorbo talaga ito kahit na kailan. Busy kasi sya sa pagbabasa ng magazine.

"KUYAAA NAMAN!"

"ANO BANG PROBLEMA MO?!"

"KUYAAAA!"

"ANO NGA?!"

"SI REN OH!"

"BAKIT BA?!"

"NAIINGGIT AKO KAY REN KUYAAA! WAAAAH!" wika ni Hibari habang pinagmamasdan ang kanyang kapatid na si Ren na nasa tabi ng isang giant christmas tree at pinagkukumpulan ng mga chicks. WAAA!

"Hello Ren! Ako nga pala si Kyoko!"

"Ako si Lala!"

"Hi Ren. Ako nga pala si Fujiko, classmate ni Kaoru. Alam mo, ang cute mo. Hehehe."

"Tss." ang tanging nasabi ni Ren.

"KYAAAAA! Ang cute talaga nya!" wika ng mga kababaihan.

Mayamaya pa ay may biglang pumasok sa bahay nila. Isang babaeng naka-sexy santa outfit at maraming bitbit na regalo.

"MERRY CHRISTMAS!" wika ni Hannah Michy ngunit nagulintang na lamang siya nang makitang maraming nakapulupot na chicks kay Ren.

"Ren..."

"Teka lang Hannah...magpapaliwanag ako-

"HINDI KITA MAPAPATAWAD! AT MARUNONG KA NANG MAMBABAE NGAYON HA?! WAAAH!"

"AAAAAAH!" sigaw ni Ren habang hinahabol sya ng nagngangalit sa galit na si Hannah.

"Hahahahaha," at pinagtawanan sila ng lahat. Para kasing mga shunga eh.

Magulo man ang bahay, masaya naman ang buhay dahil sama-sama na silang pamilya ngayong pasko. Si Kaoru, natutunan na nyang tanggapin ang mga kapatid nyang halos isuka na nya rati dahil hindi nya matanggap na may mga kapatid syang pulubi. Narealize kasi nya na wala namang magtutulungan sa huli kundi sila, diba? At isa pa, ang hunks kaya ng mga kapatid nya! Bongga sya!

Sina Yuki, Toru at Hibari naman, natutunan na rin nilang tanggapin sa wakas na bakla ang kapatid nila. De joke lang. Lalaki kaya si Ren. Natanggap na rin nila sa wakas na cute talaga ang kapatid nila! Dahil dito, palagi nila itong pinagkakatuwaan at pinagsusuot ng damit pambabae! Kawawang Ren. Tsk tsk tsk.

At higit sa lahat, si Ren, natutunan nya na hindi ang laki ng katawan ang sukatan ng pagkalalaki. Hindi sa lakas, sa bigote, sa abs, sa muscles o sa kahit na ano ang basehan para masabi nya sa sarili nya na "I'm the man!", "I'm the superman!", o "I'm the batman!". Its within the inner side. Nasa prinsipyo iyon at paninidigan. Hindi mo na kailangan pang baguhin ang pangangatawan mo kung wala na naman talagang pag-asang may mabago pa. At kung may pag-asa pa, huwag mo nang baguhin. Sa simula lang kasi ang impact ng bagay na yan, at pagkatapos, pag di na nila nagustuhan ang ugali mo, masasayang lang ang lahat ng effort mo.

-WAKAS-

Si Ren at ang mga Kuya Niyang Hunks (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon