VII: Ang Arte-arte Kasi

286 9 2
                                    

"KUYAAAAAA!"

"Ano na namang problema mo?!"

"KUYAAAA NAMAN!"

"Langya bakit ba?!" wika ni Toru habang nanlalaki ang mga mata nito sa kapatid niyang si Hibari. Ang lapit-lapit na nga, sumisigaw pa! Langya naman oh!

"KUYA NAKITA KO YUNG TROPA NI FUJISAWA! KINUHA NILA YUNG MALANDING MAARTENG BABAE NA AKALA MO KUNG SINONG MAGANDA!" wika ni Hibari. Mukhang si Kaoru ang tinutukoy ng binata. Dahil sa narinig ni Hibari ay biglang nagpantig ang tenga nito.

"Ano?! Yung malandi at maarteng babaeng yun?!"

"OO KUYA! SYA NGA!"

"Teka, ano ngang pangalan nun?"

"HINDI KO ALAM KUYA! BASTA!"

"Ano?! Sinasabi ko na nga ba! Humanda sakin yang mga gagong yan! Hindi ko sila mapapalampas!" wika ni Toru at akmang aalis na ng bahay nila nang pinigilan sya ni Yuki.

"Pasaan ka?"

"Pupuntahan ko ang malandi at maarteng babaeng yun! Delikado sya ngayon kuya! Sinimulan na ata ni Fujusawa ang plano nya!" wika ni Toru.

"Sinasabi ko na nga ba eh. Gago talaga yung gagong yun!" wika naman ni Kuya Yuki.

"Oh pano kuya?! Tara na!" pag-iimbita ni Toru sa kapatid.

"Teka muna. Walang aalis!" wika ng panganay na si Kuya Yuki.

"Pero kuya, buhay ng malandi at maarteng babaeng yun ang nakasalalay dito!"

"Diba napag-usapan na natin to?! Hayaan na natin sila! At isa pa, wala na akong pakialam sa maarte at malanding babaeng yun!" wika ni Kuya Yuki.

"Teka, anong kaguluhan ang nangyayari rito?" wika ni Ren. Hindi sya pinansin nina Yuki at Toru. Mayamaya pa ay umalis na lamang ito sa harapan nya na iiling-iling. Ano ba talagang pinag-uusapan nila?! Sa isip-isip ni Ren ay gusto nya talaga itong malaman.

"Kuya Hibari, ano ba tong nangyayari?" tanong ulit ni Ren kay Hibari. Talagang gusto pa atang magpapilit nito para lamang sabihin sa kanya kung ano ba talaga ang pinag-uusapan nila kanina. Tiningnan siya ni Hibari, nagdadalawang isip kung sasagutin nya ang tanong ng kapatid o hindi. Mayamaya ay umiling na lamang ito.

*PAK!*

Bigla na lamang pinukpok ni Hannah Michy ang ulo ng nagdadalawang-isip na si Hibari gamit ang isang kawali.

"AAAAHHHH!"

"OH ANO?! MAGSASALITA KA BA O HINDE?!" wika ni Hannah Michy na kasama ni Ren.

"Aish," wika ni Hibari habang hinahaplos ang kanyang ulo. "OO NA SIGE NA MAGSASALITA NA! PASALAMAT KA BAKLA, MAGANDA ANG KASAMA MO KAYA KAKAUSAPIN KITA NG MATINO NGAYON!" wika ni Hibari.

"Kuya, ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako bakla!"

"Whatever." At ikinuwento na ni Hibari ang mga pangyayari.

"Isang araw, nasa kabilang barangay ako dahil gusto kong mamasyal. Pagpunta ko roon sa subdivision ng nanay natin, nakita ko yung maarte at malanding babae na naglalakad sa kalsada." wika ni Hibari.

"Si Kaoru ba yun kuya?"

"Hindi ko sigurado eh."

Maya-maya ay pinukpok na naman ni Hannah Michy ang ulo nya.

"TSS ANO BA?!"

"Shunga ka pala eh. Pano kung hindi si Kaoru yun? Pano kung iba palang tao yun at hindi yun yung kapatid nyo?!"

"Hoy babae! Wag mo nga akong pangungunahan ha! Akala mo kung sino kang magsalita! Pag di ako nakapagpigil papatulan na talaga kita dyan eh!"

"Tama na nga yang pag-aaway nyo! KUYA! Ituloy mo na nga yang pagkukwento mo!"

"Tss. Ganito! Makinig kayong mabuti. May nakasalubong syang isang lalaki, nagbatian silang dalawa. Kumindat pa nga yung lalaki sa kanya eh."

"Tapos?" tanong naman ni Hannah.

"Tapos umalis na ang lalaki at nagpatuloy na sya sa paglalakad."

"Tapos?"

"Tapos nadulas sya!"

"Tapos?"

"Tiningnan nya ang buong paligid kung may nakakita ng nakakahiyang pangyayaring iyon sa buhay nya! Buti walang nakakita! Ako lang!"

"Napansin ka ba nya kuya?"

"Hindi!"

"Oh, tapos?"

"Hindi ko na alam ang sunod na nangyari eh."

Mayamaya pa ay pinukpok ulit ni Hannah Michy ang ulo nya.

"Wala kang kwentang kausap! Asar ha, nasayang lang ang 1 minute kong pakikinig sayo! Eh wala namang konek lahat ng sinabi mo!" wika ni Hannah Michy. Kainis talaga! Anu ba yun?!

"Eh basta ang alam ko, kinuha sya ng mga tauhan ni Fujisawa! Hindi ko sigurado kung si Kaoru nga ba yun pero basta kailangan natin syang tulungan! Delikado sya!" wika ni Hibari sa kapatid.

"Hayaan mo na si kuya, Hannah Michy. Ganyan talaga yan makipag-usap. Sige kuya, ililigtas natin sya." wika ni Ren.

"Sigurado ka?"

"Oo kuya! Gagawin ko ang lahat para maligtas ang kapatid natin! Basta kailangan nating magtulungan upang makamit natin ang ating tagumpay!"

"Imposible yun."

"Bakit?"

"Pano natin gagawin yun eh dadalawa lang tayo?! At isa pa, wala kang magagawa. Lampayatot. Tsk."

Napabuntong hininga na lamang si Ren. Tama ang kuya nya. Ano bang magagawa nya eh lampayatot naman sya. Wala syang muscles. Pano sya magkukungfu upang kalabanin ang mga sigang iyon?! Hindi rin naman sya magaling magboxing kahit naitry na nya ito. Kung si Kuya Hibari lamang naman ang makikipaglaban, tiyak na pagtutulungan lamang siya dahil marami sila. Paano na?! Napatingin na lamang si Hannah sa kaibigan. Naaawa sya sa sitwasyon nya.

*TING!*

Biglang may naisip na ideya si Hannah Michy. "Hmm...alam ko na!" wika ng dalaga.

Samantala, naghihirap naman si Kaoru habang nakatali ang kanyang buong katawan sa hide-out ng mga taong kumuha sa kanya.

"UWAAAAA! HELP ME OH HELP ME PEOPLE OF THE WORLD! I'M BEING TROUBLED HERE! I CAN'T TAKE THIS ANYMORE!" sigaw ni Kaoru.

"Tumahimik ka na nga dyan! Nakakarindi yang pa-english english mo!"

"UWAAAAA! Fujisawa tulungan mo ko! Kinidnap nila ako."

Biglang may dumating na isang lalaki. Si Fujisawa.

"Fujisawa! Buti nalang dumating ka! Tulungan mo kooooo! UWAAAAA!"

"Tss. Takpan nyo nga ang bibig ng babaeng yan. Ingay ingay." wika ni Fujisawa.

"OH NOOOOO! UWAAAAAAA!" naisigaw na lamang ni Kaoru. Hindi sya makapaniwalang kasabwat pala nila si Fujisawa sa pagkidnap sa kanya! Paano na sya?! Katapusan na ba ng masasaya nyang araw sa Planet Earth?! Hindi pwede toh!

Si Ren at ang mga Kuya Niyang Hunks (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon