Prologue

266 12 9
                                    

Playboys.

Sila yung mga lalaki na kabi-kabila ang mga nilalanding babae. I'm sure alam na alam niyo yan. Ang dami ba namang story na ganyan ngayon eh, panigurado ang ilan sa inyo ay umay na umay na.

Pero napakacatchy naman kasi ng concept na ang isang playboy ay biglang maiinlove. Kaya nga ang dami ng version ng ganitong klaseng kwento eh. At ang ilan sa atin ay gustong-gusto magbasa nito dahil nakakagalak isipin tuwing inilalagay mo ang sarili mo sa bidang babae. Nakakahaba naman kasi ng hair. Feeling mo ang ganda mo na masyado ayaw mo nang tumingin sa salamin at baka mainlove ka rin sa sarili mo. Ganung peg!

Kaya ko sinasabi ang bagay na ito ay dahil ang kwentong ito ay tungkol sa playboy na nainlove sa isang babae.

I knew it!

Opo, obvious ba sa title? Nashock ka ba? So dapat thriller story na ito, ganern?

Anyway, ganun nga po ang kwentong ito. Boring ba?

But huwait! Stop that judging thoughts! Tapos na ba ako magsalita? 'Di pa, 'di ba? Sit down you missy!

This story isn't the usual Mr. Playboy fell in love with Ms. One-of-a-kind-Beautiful Girl. Iba 'to. Yup, iba.

Nakarinig na ba kayo ng kwento ng isang playboy noong unang panahon pa?

As in noong unang panahon pa talaga. Yung tipong hindi pa uso ang teknolohiya at ang mga expeditions sa malalawak na karagatan ay nagsisimula pa lang. Noong unang panahon kung saan buhay pa ang cavalry. Ang panahon ng mga hari at reyna. Mga palasyo at kastilyo, mga duke at dukesa, prinsipe at prinsesa at ang mga kabalyero.

Naisip niyo ba kung paano nabuhay ang isang playboy sa panahong ito?

Kasi ako naisip ko eh. Hence, the reason why I'm telling you this story. I was wondering how their story would turn out. Nacurious lang talaga ako.

To give you a head start, ang kwentong ito ay umiikot sa dalawang pangunahing tauhan. Ang magiting na babaerong kabalyero at ang isang simple ngunit matalino at magandang babae.

Parang fairytale, 'di ba? Oo, tama parang ganun nga. Pero hindi ito matinong fairytale lamang dahil may halong kabaliwan ang ating mga tauhan. Isang kabaliwan na siyang dahilan nang pag-usbong ng kanilang pagmamahalan.

He was just curious but curiousity ate him that he ended up falling. She hates him, he totally ruined the image of cavalry and knighthood. They live in a totally different world, too different that it created a huge attraction for their paths to meet. And when they meet at the middle, something sparks. Like magic.

A magic which I call----love.

Let me do the honor of telling you this magical story of love.

*****

Ang kwentong ito ay ang aking official entry para sa Diwata Writing Contest: Short Story Writing.

Sumali ako just to test my writing skills. Habang 'di pa ako ganun ka busy sa school ay eechoss muna ako dito. Hehehe. Sana po ay suportahan niyo ang story ko na ito.

Vote and Comment para naman nakakahappy. Ikakaganda niyo pa ang pagpindot dyan sa lonely orange star na yan.

Pearllypapers

When A Playboy Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon