Once Upon An Epilogue

110 10 17
                                    

"Ang ganda!" hiyaw ni Hanna matapos akong magkwento sa kanila. Si Harry naman ay nangingiti lang pero halata naman na nagustuhan niya ang kwento ko.

"Kinilig ba kayo?" tanong ko.

"Opo, Mommy!" masayang sagot nila. Patalon-talon pa sila sa kama na ipinapakitang nagustuhan talaga nila ang kinwento ko.

"One more, Mommy. Please," nagrequest pa si Hanna ng isang bedtime story.

"That's enough. Tomorrow night naman, may gagawin pa si Mommy eh," sabi ko. Hindi na ako pumayag dahil past 9 na at past bedtime na nila.

"Why am I the baby in the story, Mommy?" tanong ni Harry. Mukhang naalala niya bigla na pinangalan ko sa kanya ang character na baby sa kwento.

"Because you are," sagot ko at marahang kinurot ang pink chubby cheeks niya.

"Oo nga naman, Harry. Baby ka pa kaya you suit best for the role," sagot naman ni Hanna while hugging her huge bunny stuffed toy.

"But I'm already three! I'm no longer a baby. I should be the knight instead," nakangusong sabi ng cute na cute kong anak na si Harry. Humalukipkip pa siya trying to show that he's a grown up already. Oh such adorbs.

"You can't be the knight, Harry. You can't marry Mommy, if you would be the knight," paliwanag ni Hanna.

"B-bakit kaw! Mommy, why did Hanna become the happy kid in the story?" reklamo ni Harry trying to utter words in Tagalog.

"Because I'm already 8. Its fair enough." Si Hanna na ang sumagot. She flipped her hair while trying to make her point.

"Next bedtime story, Mommy, I want to be the prince," request ng bunso ko.

"Okay," natatawang sagot ko.

"Knock, knock." Napalingon kaming tatlo sa pagpasok ng gwapo kong asawa. Wearing his V-neck shirt and pants. Looking tired from work but still dashingly handsome while he enters the room with that boyish smile.

"Daddy!" Napatalon pababa ang dalawa at tumakbo patungo sa Daddy nila. Dinamba nila ito ng yakap at pinupog naman sila ng halik ng Daddy nila.

"Did I miss it?" tanong niya habang karga ang dalawa at lumapit sakin. Tuwang-tuwa naman sina Hanna at Harry dahil karga-karga sila ng Daddy nila.

"Yup. Late ka na, Daddy. Tapos na ang story namin," kunwaring nalulungkot kong saad.

"Aw, too bad. Excited pa naman akong marinig ang story mo ngayon. What is it about anyway?" Inilapag niya ang dalawang bata pabalik sa higaan nila.

"Its about a playboy knight and a beautiful maiden," sagot ni Hanna.

"Interesting," nakangising wika ni Hans habang makahulugang tumingin sakin. Napangiti na lang ako sa kanya.

"Bakit ginabi ka na?" tanong ko. Umupo siya sa gilid ng kama sa tabi ko at mabilis akong hinalikan sa labi. Matapos noon ay niyakap niya ako ng mahigpit at pinatong ang ulo sa balikat ko.

"Traffic. Plus, we had a really quick photoshoot. I wasn't able to get out right away," paliwanag niya habang nakayakap sakin.

"What's the photoshoot about?"

"The usual."

"What usual?"

"You know. For my abs," pagyayabang niya. Hinampas ko siya sa braso at natawa lang siya.

"Ang yabang mo, Hans."

"Mahal mo naman," nakangising wika niya. Teasing me and seducing me as well.

When A Playboy Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon