Chapter 1

1.2K 21 1
                                    

Make Me Pregnant

KAYLA'S POV

"What? Are you serious about this?" kina-pula na kaagad ng aking mukha na marinig ang nakaka-hindik na balita ng Lolo Fernand na dumalaw ito sa aking Opisina. "Hindi ko magagawa ang hiling niyo sa akin."

"Pumayag kana Kayla, hindi naman mahirap ang pabor ko sa'yo na ito." Nangamatis pa lalo ang mukha ko sa sagot nito na para lamang ang dali para sakanya na gawin ang kanyang pinag-uutos.

Hindi lamang simpleng trabaho sa kompaniya ang pinapagawa sa akin kundi pinipilit nito na mag pakasal na ako.

"No, kahit pilitin niyo man ako, hindi ako papayag, Lolo." Pag mamatigasan ko pa rin na salita dito at ang itsura ng kanyang Lolo nakikipag kompitensiya na rin sa akin na hindi mag papatalo na rin sa kagustuhan.

"You're already 30 years old, Kayla. Sa susunod na mga taon mawawala na ang edad mo sa kalendaryo. Kaylan ka ba mag a-asawa? Kaylan ko ba masisilayan sa'yo na makita ang Apo ko sa tuhod?"

Ako nga, hindi ko na pino-problema ang bagay na iyon.
Ikaw pa kaya Lolo?

Gusto niyang sagut-sagutin pa ito, subalit piniling itikom na lang ang bibig para hindi na humaba pa ang diskusyonan nilang dalawa.

"Lolo, alam niyo na po na wala akong balak mag asawa at mag karoon ng anak, kontento na ako kong ano ang meron ako ngayon." Minsan na akong nabigo sa pag-ibig at wala na sa plano ko ang mag asawa o mag karoon man ng anak. "Please, huwag niyo na akong pilitin, hindi niyo na mababago ang desisyon ko.."

"Lalo mo lamang Kayla, na pinapahirapan ang sitwasyon natin." Kasalanan ko pa ngayon? "Hindi ko rin gusto na pilitin ka sa ayaw mo Kayla. Kong may iba lang akong Apo, sakanila ko na ito hiniling at hindi na kita kailangan na pilitin pa ng ganito." So kasalanan ko ngayon, na wala kang ibang Apo, bukod lamang sa akin?

Pinikit ko na lamang ang mata ko sabay buntong-hiningga ng malalim.

Walong taon pa lang ako noon nang pareho mamatay ang mga magulang ko sa car accident, at ang Lolo Fernand ko na ang nag alaga at nag palaki sa akin.

Ang Lolo Fernand ko na lang ang kasama at nag iisa kong pamilya na meron ako. Patay na rin ang malalapit na kaanak at kapamilya ni Lolo at kami na lang na dalawa ang mag kasama. Si Dad lamang ang nag iisang anak ni Lolo at Lola, kasamaang palad maaga rin binawian ng buhay kaya hindi na nadagdagan pa ng Apo bukod lamang sa akin.

Bahay-trabaho,bahay-Trabaho, iyan na lang ang daily routine ko at wala na akong panahon na mag pahinga at matutukan na rin ang sarili ko na doon na lamang umiikot ang aking mundo sa puspusan na pag trabaho. Nalipasan na din ako na humanap ng bagong mag papatibok ng aking puso sa puro trabaho na lang naka centro ang atensyon ko.

Hindi ko maintindihan kong bakit ginigipit ako ni Lolo ngayon na alam naman nito na matagal nang nawala ang amor ko sa pag-ibig na minsan na akong mabigo at masaktan.

Kong sa gulay, isa akong ampalaya na sobrang pait at ilap sa mga kalalakihan na lumalapit at nanliligaw sa akin.

"Paano mo mapag papatuloy ang legacy ng kompaniya natin kong hindi ka mag a-asawa at ayaw mo ng anak? Paano pag tanda mo, kanino mo ipapamana ang kompaniya na iiwan ko sa'yo? Tanggapin mo na kasi ang pabor ko sa'yo na mag pakasal na." Hindi na ako sumagot pa, pero naroon pa din ang pag tututol.
Parang napaka dali lamang sakanya na sabihin na mag pakasal ako.
Parang kanin, na susubuin na lamang.

"Malapit na ako mag retired sa kompaniya Kayla, ipapasa ko na rin sa'yo ang pamamahala ng kompaniya natin sa katapusan ng taong ito. Paano ako makakapanti, kapag namatay na ako na maiiwan ko ang kaisa-isa kong Apo na walang kasama na asawa o anak, huh?"

MAKE ME PREGNANT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon