Chapter 6

251 9 1
                                    

Chapter 6

KAYLA'S POV

Hindi na nga ako nakipag matigasan pa na tumutol sa kagustuhan ni Lolo sa pag papakasal namin dalawa ni Aris.

Makalipas ang isang buwan, heto kinasal na kami at si Lolo ang nag ayos ng lahat simula gown, souvenirs, foods, venue at ibang pangangailangan namin sa kasal.
Pumunta at nag pakita na lang talaga kami sa mismong araw ng kasal namin ni Aris gaya ng sinabi ni Lolo.

Nasa reception na nga kami sa Blue Moon Hotel kong saan ginanap ang venue.

Natapos na ang cake cutting at ilan pang mga program sa kasal, heto umiinom at nag kakasaya na lang ang ibang pang natirang bisita sa kanya-kanya nilang mga table.
Marami-rami pa naman ang mga natirang bisita, at kakatapos ko lang na lumapit at eentertain sila.

Konti lang naman ang kakilala ko sa ilang mga bisita. Iilan lang kasi sa mga dumalo ang malalapit namin na kakilala, kaibigan at karamihan talaga sa mga dumalo ang mga malalapit ni Lolo na kasusyo sa negosyo.

Dapat na ba ako mag duda kong kasal ba talaga namin ang selebrasyon ngayong gabi o isa lamang itong simpleng celebrasyon ni Lolo kasama ang kanyang mga kasusyo?

Bagot na bagot ko lamang pinapanuod ang mga bisita na nag kakasaya na umiinom, at si Lolo na kausap nito ang mga bigatin na mga busineman.

Inayos ko ng konti ang wedding gown na pasadyang pinagawa ni Lolo sa sikat na fashion designer at umayos sa pag kakaupo sa long cleopatra couch, at sa tabi ko naman si Manang na pinunpunasan ang pawis ko gamit ang malinis na tissue.

"Nagugutom kana po ba Mam Kayla? Gusto niyo po bang kumain ulit?" Alok na kina-iling ko naman.

Hindi naman ako gutom, katunayan busog naman ako at naiinip na lang talaga na gustong matapos ang selebrasyon na ito para makapag pahingga na.

Kanina pa ako nag lalakad para batiin lamang ang bisita, ramdam ko na ang pananakit ng paa ko sa mataas na takong na suot ko.
Init na init na ako sa suot na make-up na gusto ko nang humilamos at gustong mag palit ng komportableng damit, hindi ang masikip at mabigat na wedding gown na ito.

"Busog pa naman ako Manang. Asan ba kasi si Aris, nakita mo ba?" Hinahanap ko si Aris gamit ang mata sa mga bisita na naroon pero kanina ko pa hindi makita kong saan ito sumuot.

Katapos lamang namin mag asikaso ng mga bisita, ayon para na lang hangin biglang nag laho.

Baka gumawa na naman ng katarantaduhan ang lalaking iyon.

Tumulong naman si Manang sa akin sa pag hahanap, at ilang segundo nakita na nito ito. "Nandon po siya Mam Kayla," turo ni Manang na kina sunod ko naman ng tingin sa tinuro nito.

Nahagip ng mata ko si Aris na kasama ang apat na lalaki na suot ang itim na suit at nag lalaro lamang ang edad nila sa singkwenta.
Nag ku-kwentuhan sila at nag bibiruan pa, base pa lang sa tamis ng kanilang ngiti kong paano nila pakisamahan si Aris.

Just wow!

Para lang silang mag tro-tropa kong mag turingan nag kakasayahan,na ngayon lang sila nag kakilala sa mismong kasal namin.

Nakipag toast pa ng inumin si Aris sa mga kakilala ni Lolo, at ilang minutong kwentuhan, nag paalam na si Aris sa mga ito na kaagad naman kina lipat sa kabilang table na naroon ang iba pang mga bisita para i entertain.

Sa lawak ng ngiti sa labi ni Aris at kong paano kausapin ang bisita, para itong tatakbo ng kandidato.

"Kaya pala, bigla-bigla na lang siyang nawala at may ginagawa na naman na kalokohan;" bulong ko pa sa inis na kaagad naman narinig ni Manang ang pag hihimutok ko sa tabi nito.

MAKE ME PREGNANT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon