Chapter 3

322 8 0
                                    

Chapter 3

KAYLA'S POV

Kanina pa ako hindi mapakali sa aking kinatatayuan, at pananaka ang pamamawis ng aking palad sa nerbyos at takot na ngayo'y mag kasama kami ni Aris sa isang silid na nag check-in sa isang Hotel.

Ito ang gabing itinakda na mag sisiping silang dalawa, na hindi ko naman itatago sa sarili ko ang pinag halong takot, pangamba at nerbyos sa dibdib ko lalo't ito ang unang beses na gagawin sa tanang buhay ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko.
Paano na lang kong maka gawa ako ng pag kakamali mamaya?

Paano na lang kong?

Pinilig ko ang aking ulo at pinikit ang mata para makapag isip ng mabuti kong dapat ko ba talagang gawin ito.
Nag aalangan at nag dadalawang isip, kong tama ba itong gagawin ko na makipag talik sa isang lalaki na hindi ko naman gusto at iniibig.

Naipit lamang ako sa sitwasyon na kailangan kong gawin ito kahit labag man sa kalooban ko para sa pabor sa akin ni Lolo.

Sinapo ko ang mukha at hindi na mabilang ang malalim na pag buntong-hiningga. Pinag lalaruan ko ang palad ko baka sakali maka tulong na makapag pakalma sa aking sarili, pero lalo lamang akong napapanic.

"Babes?" Ang malagong na tawag mula sa likuran na kamuntik ko ng kinalundag.

"Ay babes este A-Aris." Kakalabas lamang ni Aris mula sa banyo kakatapos lamang maligo. Napa titig ako sa ayos na tanging black pants na itim na suot at wala man lang itong suot na pang-itaas kaya't nang hihingkayat na inaakit ako ng six packs abs at magandang katawan nito.

Tumutulo ang tubig mula sa buhok at ang kamay naman ni Aris na isa pinupunasan ang basang buhok, na kina lunok ko naman na hindi maalis ang mata ko sa maganda nitong katawan.

Ang guwapo niyang itsura.

"Babes, may problema ba? Mukhang namumutla ka ata?" Ang salita ni Aris ang pabalik realidad at hindi ako naka ligtas sa malagkit na pag suri sa akin.

Nanunuyuan ako ng laway sa lalamunan sa mala ulam na katawan ni Aris.

Ano bang nangyayari sa akin?

Bakit ganito na lang iniisip ko?
Umayos ka nga, Kayla!

"W-Wala." Sabay iwas ng tingin. Kahit naalis na ang mata at pag titig ko sa guwapong mukha at katawan ni Aris, para naman ang mata ko mina-magnet na pag masdan pa ito ng matagal.

"Tapos na akong maligo, kong gusto mo, maligo kana rin."

"I'm a-all good." Parang utot na lang kahina ang pag kakabigkas ko, kahit siguro si Aris hindi nito ito maririnig. "A-Aris may sasabihin sana ako sa'yo ." Inipon ko ang lakas para sabihin at prangkahin na siya.

"Ano iyon?" Nag lakad ito papunta sa may drawer at may tinignan saglit, na hindi pinuputol ang tingin sakanya.

"I'm so sorry, but I think I can't do this," nahinto si Aris sa ginagawa at malamlam na humarap sa akin.

"Anong ibig mong sabihin, Kayla?

Sinapo ko ang mukha ko at pinikit ang mata bago sabihin sakanya ang totoo.
Hindi ko talaga kaya!

"Akala ko kasi, handa na akong gawin ito, pero hindi pa ako handang makipag talik sa'yo. Hindi ko talaga kaya Aris, pasensiya na talaga. Siguro gawin na lang natin ito sa mga susunod na mga araw."

"Sayang naman, nandito na tayo babes.. Nabayaran ko na rin ang isang gabi natin na check-in dito sa Hotel, kong hindi pa natin itutuloy ito ngayon."

"Sorry, hindi pa ata ito ang tamang araw Aris. Babayaran na lang kita sa nagastos mo sa hotel at bibigyan na rin kita ng bayad sa pang aabala ko sa'yo ngayon." Kinuha ko ang bag ko na naka patong sa kama at nilabas nag libo-libong pera sa kama. "Paalam," nag lakad na ako para iwan ito at bago paman ako maka punta sa pinto, may kamay na humawak sà pulsuhan ko at tumitig sa mata ni Aris na may bahid ng lungkot.

MAKE ME PREGNANT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon