Chapter 8

225 6 0
                                    

Chapter 8

KAYLA'S POV

"Ano na, Aris. Malayo pa ba tayo? Ang sakit-sakit na ng mga paa ko." Himutok kong naka sunod pa rin sa likuran ni Aris. Tinigil ko muna ang pag lalakad para kumuha ng lakas sa ilang minuto na kami nag lalakad sa magubat at kakahuyan.
Lumunok pa ako ng laway na manuyuan na ako sa lalamunan at may bakas rin na pawis sa noo at leeg na tirik na tirik kaming nag lalakad pasado alas dyes ng umaga.

Mabuti na lang at naka lagay ako ng sun screen sa katawan bago ako sumunob sa matinding lakaran.

"Malapit na tayo babes, kunding tiis na lang." Kina ningkit ko naman ng mata ang sinabi na nanadya siguro ang hinayupak na ito. Kanina ko pa naririnig na paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na malapit na kami, pero heto nag lalakad pa rin kami.

Bagsak balikat naman akong sumunod kay Aris at dala-dala nito ang ilang gamit namin at bag. Siya na ang nag bitbit ng mga gamit ko para daw hindi ako mahirapan pero naman ang paa ko nangangatog na talaga sa pagod kakasunod lamang sakanya.

Pasado alas sais pa lang ng umaga, umalis na kami at kinuha ang pinaka maagang flight papunta sa Mindanao at dadalawin namin ang mga magulang ni Aris. Labag man sanang hindi sasama pero pinilit ni Aris na sumama ako dahil gusto rin ako makilala ng kanyang mga magulang.

"Pagod na pagod na talaga ako. Tarantado ka talaga, balak mo talaga akong pagudin!" Hini-hinggal kong sagot sa pagitan ng pag lalakad. "Kong alam ko lang talaga na ganito ang mangyayari, di sana nag paiwan na lang ako sa Maynila at hindi na ako sumama sa'yong lintik k—-" Kaagad naman akong natigil sa pag tatalak nang mahinto si Aris na ganun rin ako.
Humarap sa akin si Aris na may panaka-nakang pawis sa leeg pero ang guwapo pa rin.
Para itong ang bango-bango parati kahit pawisan na ito.

Mag kabila na hawak ni Aris ang malalaki namin na bag, na wala lamang sakanya ang bigat no'n. "Sorry na talaga babes," ito na naman siya sa pag so-sorry pero uulitin naman ng Hayop na ito mamaya. "Malapit na talaga tayo, promise ko iyan sa'yo." Pangungimbinsi pa nito para hindi na ako mag reklamo. "Nakikita mo ba ang puting panyo na iyon," sabay turo sa kapatagan na natataw kong puting panyo sa malayo na kina sunod ko naman kaagad ng tingin. "Kapag narating na natin ang puting panyo na iyon, iyon na ang bahay namin. Malapit na tayong maka rating doon, babes." Anito na kina kunot naman ng noo ko.

Ngumiti si Aris ng kay tamis sa akin at pinag patuloy muli ang pag lalakad namin. Labag naman akong sumunod at pinaniwalaan ang sinabi nito na malapit na nga kami maka rating.

Maka lipas nag mahigit trenta minutos naka rating na kami sa munting bahay-kubo na bahay ng mga magulang ni Aris. Kaagad naman kami sinalubong ng mag-asawa na may ngiti sa kanilang labi.

"Aris!" Masayang bunggad ng Ina ni Aris na nag lalaro na ang edad sa sisenta ang edad. Suot ang bulaklakan na medyo kalumaan na bestida. Matangkad at katamtaman lamang ang katawan. May puting buhok na ito pero malakas pa rin.

Natigil rin sa pag sisibak ng kahoy ang ama ni Aris na suot ang abacca na sumbrero sa ulo. Suot ang itim na kupas na pantalon at puti na tshirt na may bakas ng dumi at butas-butas na paboritong suotin.

Nag mano si Aris sa mga magulang at ganun rin ako sa kanila tanda ng pag respito. Tumulong na ang Ama ni Aris na bitbitin ang gamit na dala namin.

"Magandang umaga ho." Bati ko.

"Ikaw na ba si Kayla? Ang ganda-ganda mo naman Hija," sagot ng Ina na hindi maalis ang ngiti sa labi. "Ako pala ang Mama ni Aris at pwede mo akong tawagin na Mama Iluminada at siya naman ang Papa Rolando mo." Pag papakilala nito sa asawa na kina-ngiti ko naman.
Kamukha naman ni Aris ang kanyang mga magulang, at kong gaano nila ako kainit na tanggapin bilang bagong myembro ng kanilang pamilya.

MAKE ME PREGNANT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon