Chapter 5

337 9 0
                                    

Chapter 5

KAYLA'S POV

Naiinis na ako na paulit-ulit na pini-pindot ang doorbell. Nag hintay pa ako ng ilang segundo at kusang bumukas ang pintuan at ang naka ngiting mukha ni Aris ang bumunggad sa akin.

Simple lamang ang suot nitong damit na pang-bahay na kahit ano sigurong damit ang ipasuot sakanya, babagay dito.

Pangisi-ngisi na lang si Aris at hindi mapakali ang paa sa saya na ako ang unang lalapit sakanya.

"Hi, babes!" Preskong bati na sinamaan ng titig. Naalibadbaran ako sa tuwing nakikita ang pag mumukha ni Aris. Naiinis lang talaga ako, na parati ko itong nakikita na mag kasama o kaya naman tinutulungan si Sheena. Kong hindi lang talaga sa pabor ni Lolo, hindi ko siya lalapitan.

"Nakakapanibago, na ikaw ang unang lumapit sa akin babes. Namiss mo na ba ako?" Pakindat-kindat na pinapagalaw pa nito ang kilay, na akala mo naman kina-guwapo nito.
Oo, guwapo naman siya pero naiinis pa rin ako.

"Hindi mo ba ako papasukin?" Pag tataray ko na mawala ang matamis na ngiti sa labi ni Aris at nataranta na rin na hindi inaasahan na sasabihin ko iyon.

"Oh sige, pasok ka babes," niluwagan nito ang pag kakabukas ng pintuan ng condo nito at dumiretso na akong pumasok sa loob.
Habang nag lalakad papasok, hindi maalis ng aking mata na pag masdan at tignan ang kasulok-sulokan ng unit nito na ito ang unang pag kakataon na maka pasok ako dito.

Malaki at malinis naman ang condo ni Aris, na pinag halong black and white ang theme kahit na rin sa mga gamit ganun rin.

Sobrang linis, at organize ang mga gamit. Wala kang makikitang kalat o bahid ng alikabok na kumapit sa unit nito.

Nakaka hanga.

Karaniwan sa mga lalaki, na mag isa lamang na naka tira sa isang unit, aasahan mong makalat o kaya naman burara pag dating sa bahay pero iba si Aris.

Ramdam kong naka sunod lamang si Aris sa likuran ko, at maliksi ang kilos nitong tumunggo sa maliit na kusina na mag kalapit lamang ang living area.

Natigil ako sa pag mamasid na maagaw ang atensyon ko na makita ang basket gawa sa abacca na nag pupuno iyon ng sandamakmak na mga saging.
Huh!

Unggoy ba si Aris?

Bakit kay rami-rami naman atang mga saging dito?

Pinag timplahan pa ako ni Aris ng maiinum na juice at pinag handaan na rin ng meryenda. "Babes," pukaw na pag tawag sa akin. "Meryenda ka muna," pinakita nito sa akin ang hinanda nitong meryenda na naka lagay na sa lamesa.

Tinitigan ko lang ang ginawa nito at walang planong kainin. Nakita ko ang juice na tinimpla at dalawang pirasong lakatan na saging na napa ngiwi na lang ako.

"Ano iyan?"

"Saging?" Patanong na sagot na kina-pikit ko naman ng mata.
Kumalma ka lang Kayla, para sa pabor sa'yo ng Lolo mo kailangan mong maging mahinahon.

"Wala na bang iba? I mean, araw-araw mo na nga akong dinadalahan ng iba't-ibang variations ng saging tapos ito pa rin ang ipapakain mo sa akin, nakaka umay na rin ha," napa-kamot sa ulo si Aris pero ang guwapo pa rin.

"Ganun ba? Sorry babes ha? Ito lang naman ang meron ako dito at tyaka hindi pa naman ako nakapag grocery.. Hindi kasi ako kadalasan mag karoon ng bisita, hayaan mo ipag gagawa na lang kita ng bago na makakain bukod dito sa saging."

"Talaga? Ano naman iyon?" Excited kong tanong. Baka naman sa pag kakataon na ito, hindi na saging ang matitikman ko mula sakanya.

"Banana loaf bread." Ha? Saging na naman? "Sandali lang ha? Gagawa lang ako ng mabilisan na meryenda m——"

MAKE ME PREGNANT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon