Chapter 9

218 5 0
                                    

CHAPTER 9

KAYLA'S POV

"Mauna na ho, kami." Paalam ko sa mga magulang ni Aris na ihatid na kami nito papunta sa bayan para maka-uwi na.

"Sige Hija mag iinggat kayong dalawa." Wika ng Ama nito na tinutulungan si Aris na ibaba ang iba pa namin na mga gamit mula sa inarkila na tricycle.

Dapit alas dyes na ng umaga at napag pasyahan namin ni Aris na bumalik na sa Maynila dahil marami ng nag hihintay na trabaho sa akin sa kompaniya. Sayang lang at tatlong araw lang kami doon nanatili at gustuhin pa namin sanang mag extend ng matagal pero sa mga susunod na siguro kapag mahaba-haba ang bakanteng oras at araw na bakasyon ko.

Lumapit na si Aris sa mga magulang nito at nag paalam na rin. Mababait at kasundo ko naman ang mga magulang ni Aris, nalibang naman ako sa pag babakasyon ko na tinuring na rin nila ako parang anak kong paano asikasuhin.

Binigyan pa kami bago umalis ng mga pabaon na mga pasalubong kagaya ng mga pagkain at mga kakanin na specialty galing sa Mindanao at syempre hindi mawawala ang saging na pinag mamalaki ni Aris.

Nang mahatid na kami ng mag-asawa nag paalam na kami sa kanila at sumakay ulit sa pangalawang sakayan na mag dadala sa amin papunta sa Airport.
Ilang minuto lamang ang byahe mag mula sa airport, kagaya pa rin ng dati si Aris pa rin ang taga bitbit at dala ng mga gamit namin.

May mga hawak naman akong dala, pero kayang-kaya ko naman na dalhin ang mga iyon. Pinag babawalan rin naman kasi ako ni Aris na tumulong sakanya dahil parati nitong sinasabi na huwag akong mag dala ng mga mabibigat na mga gamit para mapanatiling malusot at hindi mapaano ang baby namin.

Kapag sinasabi iyon ni Aris, napapa iling na lang ako ng ulo at napapangiti. Nakikita ko, kong gaano niya ako asikasuhin, mahalin at alagaan. Hindi ko alam sa likod na parati nitong pag aasar at bwisit niya sa akin araw-araw may katangian pala ang mokong na ito maging matamis kagaya ng asukal.

Habang hini-hintay namin ang boarding namin, naka pila na kami ni Aris at naka sunod lamang ito sa likuran ko. "Bakit hindi mo sinabi sa akin, na nabaon pala ang saginggan niyo?" Ang salita ko ang mag pakamot sa ulo ni Aris, na as if naman talaga makati iyon.

Nahihiya pa itong tumingin sa akin. "Eh, nahihiya naman kasi akong sabihin sa'yo babes dahil problema namin iyon at isa pa, ayaw na kitang pa problemahin pa.. Kayang-kaya ko naman gawan ng paraan, tignan mo nabawi na namin ang sanginggan namin." Huminto ako sa pag lalakad na kina tigil naman ni Aris.
Nag tataka ito kong bakit ako tumigil at sininggitan ko ito ng mata.

"Kahit na, sabihin pa rin." Bigla akong nainis sa sinabi nito. "Asawa na kita Aris, at karapatan ko rin malaman kahit maliit o kahit malaki man ang problema mo.. At ayaw na ayaw kong nag lilihim sa akin, kuha mo?" Hindi ko na namalayan na naka pamaywang na akong nag tatalak kay Aris.

Sa isang iglap, lumawak ang ngiti sa labi na kinikilig pa ang tarantado. "Talaga, asawa?" Pag uulit nito at parang bata itong amaze na amaze na marinig iyon mula sa akin. "Talaga babes? Tanggap mo na akong asawa mo?"

Napa kurap naman ako ng mata at hindi ko namalayan na nadulas pala ako. "W-Wala akong sinabi, guni-guni mo lang iyon." Irap ko sabay talikod, na hindi ko namalayan na pinapamulahan na pala ako ng pisngi sa aking sinabi.
Shit.
Kainis.
Bakit ko ba kasi nasabi iyon?

"May narinig ako babes, sinabi mo asawa eh." Sinusundot pa ni Aris ang tagiliran ko mula sa likuran ko na mabwisit pa ako sa ginagawa niya. Aba tarantado, nanadya talaga ang hinayupak na ito. "Ulitin mo ang sinabi mo babes, ang sarap kasi pakinggan." Tukso nito na hindi pa rin natigil sa pangungulit sa akin.
Ginagalaw ko ang balikat ko para tigilan na nito pag sundot sa tagiliran ko.

MAKE ME PREGNANT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon