Kluen POV*
Nasa tapat kami ngayon ni janon ng rollercoaster na kanina ko pa tinitingnan. Gustong gusto ko talagang makasakay riyan.
Tiningnan ko si janon na nasa tabi ko lamang. Tumingin rin ito saakin na para bang nag tataka.
Ngumiti ng nakakaloko*/
**********
"Ahhhhhhhh! let me go klown girl!" - inis na sigaw sakin ni janon.
Pano ba naman ayaw pumayag na sumakay kami sa rollercoaster. Kaya ayan hinila ko siya.
"Ibaba niyo ko rito!" sigaw nito ng magsimulang umandar ang rollercoaster.
Natatawa ako sa itsura niya. Ngayon ko lang nalaman na takot pala siya sa rollercoaster. Ang isang Janon Del Moran ay takot sa rollercoaster!
Hinawakan ko ang braso nito para hindi siya matakot.
"Don't touch me klown girl! Kaya ko ang sarili" wika nito sabay smirk sakin.
Aba aba ako pa ngayon ang pinagalitan. Eh siya na nga tong hinawakan. Concern lang naman ako.
"Sige. Ikaw rin" sabay tawa ko naman
Napakayabang talaga.
Mukhang inis na inis na talaga siya sakin. Kanina pa masama ang tingin niya sakin.
Takot sa rollercoaster tapos sa Ferris wheel enjoy na enjoy. Porket ba naaalala niya dun yung ex girlfriend niya.
→_→
Maya maya pa.
Pababa*/
" Omggg ayan na nakaka excite!"
Sigaw ko"Ahhhhhhhhhh ayoko na!!!" sigaw ni janon na napayakap na sakin.
←_←
Siya din pala ang yayakap sakin. May pa Don't touch me. Don't touch me pang nalalaman. Janon Del Moran two point zero Kabaklaan era.
"Akala ko ba ayaw mong hawakan kota! " sigaw ko rito.
"Ahhhhh shut up lady! Mapapatay kita pagkatapos nito" wika nito habang nakapikit.
Edi patayin niya hahahahha basta natatawa ako sa kaniya para siyang bakla.
Janon Del Moran. Mas malamig kapa sa yelo sa rollercoaster kalang pala tutumba.
Kanina pa siya sigaw ng sigaw. Samantalang ako enjoy na enjoy sa tuwing bababa taas ang rollercoaster.
***********
Nakatayo ako ngayon dito sa isang gilid. Inaantay ko si janon na matapos sa pagsusuka. Ti nap ko ang likod niya.
Ngayon ko lang nakita siyang ganto. Sa yabang ba naman ng lalaking ito ngayon ko lang siya nakitang matakot.
"Okay kana ba?" pag tatanong ko rito.Tumango lamang ito. Napag pasyahan namin na bumalik na lamang kina nanay Cosette.
Pagkarating namin doon ay nakita namin sina Juen at Ellie na nakatulala lamang. Habang si havis naman ay kausap ni tatay lardo.
Ang kayang nangyari sakanila?
Lumapit ako kay juen at akmang hahawakan ko ang balikat nito. pero hindi pa man ako nakakadampi ay bigla lamang itong sumigaw.
"Ahhhhhhhh chainsaw!!" - Juen
"C-chainsaw? s-saan ahhhhh!!" - Ellie
na lumilinga linga pa sa paligid."Chainsaw?"
Napatingin saamin sina havis at ang iba pa. Ano naman kayang nangyari dito kay juen.
Bigla itong nilapitan ni janon.
YOU ARE READING
UNEXPECTED FAN MEET; Series #1✓
Fanfiction~~~• Love is made by a person Who meets unexpected. Kluen Alkara Baste Isang studyante na hindi inaasahang makilala ang isa sa pinaka sikat na Boy Band Group, Known as CBoys.Kilalanin sila at alamin kung ano nga ba ang kanilang mga katauhan sa story...