CHAPTER 34 [Island part 17]

48 38 0
                                    

Juen

Para akong binangungot ng paulit ulit sa panaginip ko. Bwesit na chainsaw iyon. Bumangon ako at umunat unat sa tapat ng bintanang nakabukas sa harap ko.

"Good Morning everyone!" Sigaw ko sa tapat ng bintana. sobrang sarap ng hangin.

"Juen!?!" rinig kong sigaw ng isang familiar na boses.

Hinanap ko kung saan yung nag sasalita.

Luminga linga*/

O_O

Tama ba itong nakikita ko o nananaginip lang ako? Sinapak sapak ko pa ang sarili ko para malaman kong totoo ba ang nakikita ko o hindi.

Pero wala parin nangyayari. Dahil mag pasa hanggang ngayon ay nakikita ko parin talaga si Ayro na nakasilip sa bintana ng kapit bahay namin. Maligno lang yata ang nakikita ko impossible naman kasi.

Ngumiti pa ito ng malapad na parang siraulo. Panaginip lang siguro toh.

Sinara ang bintana*/

"Uy Honeybee!" rinig kong sigaw muli nito.

Binuksan*/

Honeybee? Si ayro lang tumatawag nun sakin ah.

"Totoo ka nga Ayronman!" di makapaniwalang sigaw ko sabay talon sa labas ng bintana.

Nakilusot pa ako sa kabilang bakod para lamang malapitan si ayro. Agad na nagyakapan kami nito. Habang tumatalon talon pa.

"Paano ka nakapunta rito ayro?" tanong ko ng bitawan ako nito.

"Lumipad" - Ayro

"Siraulo ano nga!?"

"Ewan ko din. basta nakarating nalang kami dito" - Ayro

"What do you mean? May mga kasama ka pa?"

"Oo andito rin sila ley" - Ayro na itinuturo ang natutulog na sila ley.

Sumilip*/

(*'∇`*)

Andito nga sila master ley!

"Anong ingay ba yan?" - Danian na nakapikit pa.

"Danian payatot!" sigaw ko mula sa bintana.

"P*t*ng*na mo manahimik ka Juen!" sigaw nito.

"Juen?" sabay na napabangon sina Ley at Elyro.

Nagkatinginan kaming tatlo na para bang hindi makapaniwala. Agad na tumayo si ley at lumapit.

"It's real?" sabay hawak nito sa mga mukha ko at pinisil pisil.

"Siraulo kaba Master ley. Mukha ba akong hindi totoo"

Piningot*/

"A-aray naman master ley!" singhal ko rito.

"Totoo nga" - Ley

May pagka lutang din talaga itong si ley eh noh. Mukha ba akong fake.

-_-#

***********

" Kuya aly ikaw ba talaga iyan?" pag tatanong ko ng umupo si kuya aly sa tabi ni ley.

"Yes" - Kuya Aly

Nandito ako ngayon sa kapit bahay nakiki kape. Hindi pa nga pala alam nina havis, Janon at Ellie na nandito sila ley.

Parang may kahawig si kuya aly. Yung mata niya. Ilong. Bibig. At hugis ng mukha.

" Iho juen nasaan kana?" tawag saakin ni nanay Cosette. kaya naman agad na nagpaalam ako kina ley na babalik muna sa kubo. Isa pa ay hindi pa ako nakakapag hilamos ng mukha.

 UNEXPECTED FAN MEET; Series #1✓Where stories live. Discover now