CHAPTER 49

32 29 0
                                    

Kluen POV*

Isang ingay na nag mumula sa labas ng eskwelahan ang aming narinig. Mga tilian at mga sigawan. Tinawag ako ni kang upang tingnan kung ano ang nangyayari doon.

"Ano naman ang gagawin natin doon?" Pag tatanong ko rito " Ah basta besh. Sumama kana kase" pag hila nito sa akin.

Napatayo na lamang ako at napasunod sa kaniya.

Nasa hallway palang kami. Dama ko na ang sang kaharotan at sang kabaklaan na nag sisigawan. Sa lakas ba naman ng mga boses nila.Tiyak na maririnig mo talaga.

Daig pa ang nakalunok ng mga speaker.

Omgggg beh ang pogi niya talaga!

Kyahhh sinabi mo pa gurl!

Grabe ako siguro ang dinadalawa niya!

Wag kang assuming beh ako talaga yun!

Ang o- oa naman nila. Sino nanaman kayang artista ang dumalaw sa university namin.

Walang hiya talaga tong si kang. Dinala lang pala ako rito para sa artista. Tiningnan ko kung sino ang artistang iyon, ngunit hindi ko makita dahil narin sa mga studyanteng nakaharang.

Aalis na sana ako dahil sa inip ng mag si hawian ang mga studyante.

Hindi ko iyon pinansin at nag patuloy lamang sa pag lakad.

"Omgggg ang pogi!" - Kang

Aba kilig na kilig naman si kang. Makaalis na nga.

"miss i.d mo nahulog" Isang boses ng lalaki.

Nilingon ko ang ibaba kong may i.d bang nahulog ako. Wala naman niloloko lang yata ako nito. Napalingon ako sa likuran.

Nakita ko si Chirro na nakatayo habang hawak hawak ang i.d ko. Teka pano yun napunta sa kaniya eh wala naman akong dalang i.d ngayon.

"Nahulog mo nong uwian. Hinabol kita sa fan meet namin. Kaya lang bigla kang tumakbo" - Wika nito.

⊙_⊙

Sabay agaw ko ng i.d ko sa kaniya.

Doon ko lang na realized na para pala akong tanga na tumatakas. Nagkanda hulog hulog pa ako sa kanal para lang matakasan siya ng dahil lang sa I.D?

Nakipag siksikan ako sa event para lang sa I.D?

Isinakripisyo ko ang pagiging amoy bugok na itlog para sa I.D?

Pero unfairness ng dahil sa I.D nakilala ko ang cboys at ng dahil sa i.d Nakilala ko si Janon. Because of this
i.d marami akong natutunan. Mas nakilala ko pa ang sarili ko.

Lumabas si Janon sa van kasama si juen at ang iba pa.

"A-anong ginagawa nila rito?" ang akala ko kase ay si chirro lang ang pumunta para ibalik ang i.d ko.

"What's up miss everything!" - Juen

Bungad sa akin ni Juen sabay akbay.

Bigla namang sumulpot si Janon sa likuran namin at tinanggal ang pag kaka akbay sakin ni Juen.

" Napaka damot mo talagang manok ka " - Juen. Umirap lamang si Janon rito habang naka cross arms.

Si ayro naman ay nakita kong lumapit kay kang na ngayon ay nakaupo sa may bench " Lumayo layo ka nga sakin Mr. Playboy" - Kang " Eh pano kung ayoko? " - Ayro " Eh pano kung sapakin kita ha? " - Kang.

Agad namang napalayo si ayro rito.

"Napaka arte mo naman miss kangaroo!" - Ayro

Sabay takbo.

"Manahimik ka mr. Playboy!" - Kang na hinabol si ayro ng pamalo.

Ewan ko ba sa dalawang yan. Si ayro kase ay gustong gustong nilalapitan si kang samantalang si kang ay mas gustong lapitan si Ley.

Si Ley kase ang bias daw ni kang. Ayaw niya raw kay ayro dahil sa pagiging play boy nito.

Nabalik ang attention ko ng mahagip ng mga mata ko si Janon na nasa tabi ko. Hindi ko napansin kanina pa pala siya nakatingin. -_-#

Atsaka ano nga palang ginagawa nilang lahat rito.

"T-teka ano nga palang ginagawa niyo ritong lahat?" pag tatanong ko.

"Wala naman. Ibabalik lang namin ang i.d mo" - Chirro.

(°,°٥)

Mag babalik lang naman ng i.d bakit kailangang lahat pa sila. Hindi naman mabigat ang i.d para pag tulungan pa nilang dalhin rito diba.

"a-ha-ha sure kayo?"

"Yes" - Chirro

Parang may kutob akong kakaiba sakanila. Para kaseng may binabalak sila na hindi ko alam. Maya maya pa ay umalis si Hash, Pengu at ayro Saan naman kaya pupunta ang dalawang iyon. Mukhang kabisado nila ang school nakakapag taka naman.

Nag paalam narin sila sa amin ni kang dahil may pupuntahan pa raw sila chirro.

"Tara na besh" pag aaya ko kay kang.

Nag lalakad na kami ni kang pabalik sa room.

"Oh besh ano yang ibinigay sayo ni pogi kanina? " - Kang

"I.d"

"I. D!? Akala ko naman isang sakong bigas na. Sa dami ba naman ng nag hatid. I.d lang naman pala" - Kang

Nang hihinayang na ani ni kang.

"Pero unfairness ang blooming ng ley ko " (*'∇`*)

Dagdag wika pa nito.

"Pero sa totoo lang mas bet ko si ayro para sayo hahahah" pang aasar ko rito.

"Si mr. Playboy? Mas gugustohin ko pang makaapak ng balat ng saging kaysa mag kagusto sa sa playboy na yon!"

Nadulas*/

"A-ahhhhh!" - Kang

Blagggg!

Napalingon ako kay kang na nakasobsob sa hallway.

"Aray ang sak-Ikaw pala ang nag tapon ng balat ng saging sa daan!" - Kang na itinuturo si Ayro na kumakain ng saging.

Napalingon naman ito sa amin, pati ang dalawang kasama nitong si pengu at hashiro.

"What?" - Ayro

"Ikaw! Hindi kalang pala playboy unggoy ka rin!" - kang

Sabay bato ni kang ng balat ng saging kay ayro. Na tumama naman sa mukha nito.

-_-||

Tinanggal*/

Nag lakad ito papalapit sa pwesto kong nasaan kami.

"Hoy ikaw babae ka!" - Pag tuturo nito kay kang

"Mahuhulog ka rin sakin. i swear !" - Ayro sabay smirk pa nito na agad namang sinuklian ni kang ng pag irap.

"Bye baby kangaroo!" - Ayro

Pag papaalam nito na kumindat pa. Habang si Kang naman ay inis na inis nanaman.

Hinila naman ito ni hashiro at pengu papunta sa main gate.

"Napaka assuming talaga hmp!" - Kang

Bulong nito na rinig na rinig din naman.

Saan kaya galing ang tatlong yon. Nakakapag taka lang tsaka wala naman saging rito sa resto. Paano nag ka saging si ayro. v_v

Kanina kase ay wala naman siyang dalang saging o kahit ano at isa pa hindi naman nila kabisado ang school namin para malaman agad ng ganon ka bilis ang resto. Nakaka curious naman sila.



@AkdaNiClara

 UNEXPECTED FAN MEET; Series #1✓Where stories live. Discover now