Chapter 1

5 0 0
                                    

Chapter 1

Binuksan niya ang isa pang milo at sinimulang kainin iyon.

"Ayaw mo bang itimpla iyan sa mainit na tubig, Cassandra. Mayroon ako rito." Inilingan  lamang niya ang alok ni Manang Lucia. May-ari ng sari sari store na pinagbilhan niya ng milo. Break niya sa trabaho ay milo agad ang hinanap niya. Na-adik na ata siya sa milo e. Ilang pack ang nauubos niya sa isang araw. Hindi pa niya tinitimpla iyon at basta basta na lang kinain.

"Aba'y nakakasama ata iyan."

"Hindi naman Manang." argumento niya. Masarap talaga kasi ang milo kapag deretso lang kaysa sa naroon sa mainit na tubig.

"Hay naku! Oh siya. Wala ka na bang bibilhin ay maglalaro pa ako." Kamot ulong sabi ng matanda.

"Wala na po. Ano po bang nilalaro niyo diyan?." Sinilip niya ang cellphone ng matanda.

"Candy crush. Oh, sige na. Bumalik ka na sa trabaho mo at baka tanggalin ka pa ng amo mo."

Ngumuso siya. Ayaw na muna niyang bumalik sa hotel. Pagod na siya sa kakalinis roon. Ang gusto sana niya ay maligo sa dagat at kumain ng maraming milo kaso baka nga pagalitan siya ng amo niya kapag hindi siya bumalik at ang malala pa ay baka tanggalin siya roon. Hindi pa siya nakaka-ipon pambili ng cellphone. Gusto niyang magkaroon ng cellphone ng kagaya ng kang Manang Lucia. Gusto rin niyang maglaro ng candy crush. Isang beses lamang siyang nakalaro noon. Nang minsang pinahiram siya ng cellphone ng matanda.

"Sige po. Mauuna na ako." Nagpaalam na siya rito at naglakad na pabalik sa hotel.

Anim na buwan na siyang nagtatrabaho sa hotel na iyon. Anim na buwan na siya rito sa Bahìa Dorada. Maganda ang isla kaya kahit nababagot siya ay naaliw siya minsan sa mga tanawin. Sa kabila ng kagandahan ng isla ay hindi makatakas sa kaniya ang katotohanan. Hindi siya taga roon. Hindi iyon ang tahanan niya.

Hindi niya alam ang nangyari. Ang sinabi lamang sa kaniya ng doktor na nagisnan niya ng magising mula sa isang buwang pagkaka-komatose ay nabaril siya. Iniligtas siya ng mga taga isla at hindi nahuli ang bumaril sa kaniya. Nagising siya ng walang maalala. She had amnesia kaya ganoon na lang kagulo para sa kaniya ang mga sumunod na buwan. Hindi niya kilala ang sarili. Hindi niya alam kung saan siya galing.

Bagamat bago siya sa isla ay marami ang nagmagandang loob na tulungan siya. Naninirahan siya ngayon sa bahay ng gobernador ng isla. Nagtatrabaho naman siya sa kanila hotel bilang kabayaran sa inuupahan niyang kwarto sa mansyon nito. Maintenance siya sa kanilang hotel. Araw araw siyang naglilinis ng floor to ceiling na mga glass windows, carpeted na sahig at naglalaba ng mga bed sheets, pillow cases at kurtina mula sa mga kwarto ng hotel at beach resort ng mga ito. Minsan ay naglilinis rin siya ng comfort room. All around ang trabaho niya.

Nang makabalik siya sa hotel ay inutusan naman siya ng manager na linisin ang isa sa limang presidential suite kung saan kaka-check out lang ng guest na naka-stay. Hindi siya nagreklamo at agad itong sumunod sa pinapagawa. Hila hila ang cart na mas malaki pa ata sa kaniya ay nagtungo siya sa presidential suite na lilinisin.

Tinanggal niya lahat ng kurtina, bed sheets at mga pillow cases. Dadalhin niya iyon sa laundry mamaya. Nilinis na muna niya ang silid bago pinalitan ang mga tinanggal niya. Nagpunas siya ng glass windows. Nag-vacuum ng sahig. Naglinis ng banyo at cr. Lahat ng sulok ay nilinis niya. Lahat ng kagamitan ay pinunasan niya. Tatlong oras ang tinanggal niya sa paglilinis.

She was small and tiny. Para sa kaniya ay sobra sobra ang trabahong ginagawa kaya naman pagkatapos ng paglilinis ay halos mahimatay na siya sa pagod. Milo pa lang naman ang kinain niya kanina. Kasabay ng pagod ay gutom. Halos mamutla siya ng makalabas sa presidential suite.

When The Heart AchesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon