Prologue

5 0 0
                                    

Prologue

I'm friends with the monster that's under my bed
Get along with the voices inside of my head
You're tryin' to save me, stop holdin' your breath
And you think I'm crazy, yeah, you think I'm crazy

I sing along on top of my lungs when the first line of the song 'The Monster' by Eminem was played. Along with the screaming and the blinding lights, I dance wildly and carefree to the music.

"Well, that's nothin' (ooh-ooh-ooh-ooh)
(Ooh-ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh-ooh)
Well, that's nothin' (ooh-ooh-ooh-ooh)
(Ooh-ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh-ooh)!." Sinigaw ko iyon sa abot ng aking makakaya. Nangati ang lalamunan ko pero hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa pagkanta at pagsayaw. Ganoon din ang ginagawa ng lahat.

Halos tatlong minuto ako sa dancefloor bago nagpasyang gumilid na muna. Nahihilo na ako bahagya. Nang makahanap ng hindi mataong lugar sa loob ng bar ay umorder ako ng isang baso ng tequila. TikTok by Kesha was being played. Kumakanta parin ako habang sumasayaw at maya maya pang tinataas ang basong hawak.

I never felt so carefree in all my years. Ngayon lang. Parang ibong nakawala sa hawla. Pakiramdam ko ay sobrang saya ko. Walang problema. Walang ibang iisipin kung hindi ang kumanta at sumayaw. I felt lightheaded.

Isang oras akong naroon sa loob ng bar bago nagpasyang umuwi. Malapit na rin kasing mag-alas dos ng umaga. Kung magtatagal pa ako ay baka hindi na ako hahayaan ni Papa na makalabas muli ng mag-isa.

Bahagyang sumuray ang lakad ko nang makalabas. Ilang baso lamang ang nainom ko pero may tama na agad ang aking sistema. Sa bagay hindi ako sanay na uminom.

Naghintay ako ng taxi at umabot ng halos trenta minuto akong naghintay. Madalang na ang mga sasakyan sa labas. Malas lang at hindi pa ako nagdala ng sasakyan. Ayaw rin naman ni Papa na mag-drive ako pauwi ng bahay ng nakainom. Maliban sa DUI iyon ay baka maaksidente pa ako. Saktong sumasakit na paa ko sa kakatayo sa labas nang May dumaang taxi. Mabilis ko iyong pinara at sa kabutihang palad ay wala namang pasahero.

"BGC tayo, Kuya." sabi ko matapos maisara ang pinto. Sumandal ako sa upuan dahil tumindi ang pagkahilo na naramdaman ko.

Naramdaman ko ang pag-andar ng taxi. Bumigat ang talukap ng aking mga mata. Ilang saglit pa ay hindi ko na mapigilang maidlip.

Naramdaman ko ang paggalaw ng aking kinauupuan kaya bahagya akong napamulat. Madilim ang unang tumambad sa aking mga mata. Matagal bago ko naaninag ang paligid. Kunot noo  kung pinagmasdan ang paligid ko. Hindi na ako nakasakay ng taxi.

Nasa kwarto na ba ako?

Umiling ako. Hindi ito ang kwarto ko. Makalat ang paligid. A small spaces four corner room. Isang ilaw lang mula sa lampara ang naroon. May gumalaw sa aking kanan kaya napatingin ako roon. I saw a face of a boy. Probably a four year old one. Kumunot ang noo ko. Napasinghap naman ako ng bahagyang tumagilid ang aking kinaroroonan.

Nawala ang antok ko ng mapagtantong hindi tama ang nangyayari. Inaninag ko pa ang paligid at muntikan na akong mapasigaw ng makitang hindi lamang ako mag-isa. Maliban sa batang lalaki sa kanan ko ay may babae naman sa aking kaliwa. Marami pa sila na kasama ko sa loob ng silid iyon. Lahat sila ay parang natutulog.

"W-Where I am?."

Natataranta kung hinanap ang aking bag. Naroon ang cellphone ko. It was nowhere. Hindi ko mahagilap ang mga gamit ko. Nagsimula gumuhit ang kaba sa aking dibdib. Pinilit kung intindihin ang nangyayari pero masakit ang ulo ko dahil siguro iyon sa nainom ko.

Sinubukan kung tumayo pero ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makitang nakaposas ang aking mga kamay.

"W-What..." Sinubukan kung tanggalin iyon pero hindi matanggal. Sumusugat iyon sa aking balat at ramdam ko ang sakit.

"No. This is not true. This is just a dream."

I closed my eyes and prayed. Pero ilang sandali pa ay ganoon parin ang tagpo. Hindi pa rin nagbabago. Bumukas ang pinto ng silid at may mga lalaking pumasok. Marahas nilang hinila ang mga naroon.

"Tayo! Bilis!." Galit ang kanilang mga boses at halos kaladkarin ang mga naroon.

"Ikaw! Tayo!." Lumakas ang kaba ko nang lapitan ako ng isang lalaki. Malaki ang pangangatawan nito at mapupula ang mga mata na akala mo ay adik sa droga.

"Ang sabi ko ay tayo!." Marahas niya akong hinila. Halos mapaluha ako sa higpit ng hawak niya habang kinakaladkad ako palabas.

Nang makalas kami ay natigilan ako. Sumalubong sa aking mga mata ang baybayin at ang malawak na dagat. Nasa isang barko kami. Where the hell am I? At sino itong mga lalaking ito?

"Ano ba?! Ang bagal bagal mo?!." Tinulak ako ng lalaki pababa ng barko kaya nawalan ako ng balanse at deretsong nahulog sa buhangin. Mabuti na lang at walang bato pero sumakit.

"Aray! Ano ba?!." Sigaw ko ng may kumaladkad na naman sa akin. Nagpumiglas ako.

"Bitawan niyo ako! Ano ba?!."

"Tumahimik kang babae ka! Baka gusto mong tuluyan na kita!."

I gasped as he pointed me a gun. The situation sink in. I was kidnapped. This is kidnapping.

Nagpalinga-linga ako sa paligid naghahanap ng maaring makatulong sa akin pero doon ko lang napagtantong nasa isa maliit kaming isla at walang ka tao tao. They lead us to the other side of the island. Sa gilid namin ay masukal na kakahuyan. Napatitig ako roon. Kung tatakbo ako roon. Tatakbo ng mabilis. Makakalayo ako.

Naging matino agad ang pag-isip ko sa nakitang chance na makatakas. Malakas kung pinatid ang lalaking Meay hawak sa akin at nang mabitawan niya ako ay mabilis akong tumakbo papasok sa kakahuyan. I run as fast as I can. I didn't mind the trees that wounded my skin ganoong isang off shoulder knee length dress lamang ang suot ko. Ang aking stiletto na suot kagabi ay wala na. I was barefoot. Pero bahala na.

Tumakbo ako ng tumakbo.

"Tang1na! May nakatakas! Habulin niyo! Dali!." Narinig ko ang mga sigaw at pagsunod nila sa akin.

Binilisan ko ang takbo. Naiiyak ako dahil sa takot na baka maabutan nila ako. I run faster. Halos banggain ko na ang mga puno na nadaanan ko. Kahit sumabit ang aking dress sa mga halaman at sanga ay hinayaan ko na. Hindi ako tumigil sa pagtakbo.

Napasigaw ako sa sakit nang may maapakang matulis na bagay. Nanginginig kung inangat ang aking paa at inalis ang matulis na kahoy na nakatusok roon. Kahit masakit ay tumuloy ako sa pagtakbo.

"Nandoon! Habulin niyo, dali! Kapag nakawala yan ay patay tayong lahat!."

Nasulyapan ko ang mga humahabol sa akin kaya kahit nagdurugo na ang paa ko ay tumakbo ulit ako. Puro puno at halaman na lang ang nakikita ko kaya hindi ko na malaman kung saan dadaan. Mayroon iyong basta basta na lang akong sumuot sa halaman.

Hinihingal na ako sa kakatakbo ng makita ang puting baybayin sa unahan ko. Binilisan ko ang takbo kahit hindi ko maramdaman ang paang may sugat. Ilang metro na lang ang layo ko mula sa baybayin. Halos mapatigil pa ako nang may makitang mga tao roon. I am saved.

Malakas na bumuhos ang luha ko nang masigurong mga tao nga ang nasa baybayin. Malapit ko ng maabot ang baybayin. Ligtas na ako. Pero bago pa makaapak ang mga paa ko sa puting buhangin ay may kung anong bagay na tumama sa aking balikat. Namanhid ang buo kung katawan at natigil ako sa pagtakbo..

I stilled. Bumaba ang mga mata ko sa puting buhangin na halos abot na ng aking mga paa. Pumapatak ang mapupulang likido roon. Lumipat ang mga mata ko sa aking dibdib at nakitang may umaagos na dugo. I was shot.

Then I heard a shot. Another bullet hit my chest.

I looked at the bay. At the people I was hoping to save me. Nakatalikod sila sa akin. Pero may isa sa kanilang napalingon sa may gawi ko. Tiningnan niya lamang ako bago nagkunot ng noo. Ilang sandali pa ay nanlaki ang kaniyang mga mata. I saw him running towards me as I fall down. Naramdaman ko ang pagtama ng aking ulo sa isang bato.

"Fuck! Miss? Are you okay?."

Umikot ang paligid at ang mga tinig sa paligid ko ay hindi ko maintindihan.

Sa muling pagmulat ko ay mukha ng isang lalaki ang naroon. His face was a mixture of panic and worry. Tiningnan niya ako. His blue eyes regard me with a questioning gaze. Pero hindi ko na napagmasdan ang kaniyang mukha ng kainin na ako tuluyan ng dilim.

When The Heart AchesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon