Chapter 2
Cassandra's POV
"Kumain ka na ba, Cassandra?." tanong ni Manang Silvia ng makalabas ako sa kwarto.
"Hindi na po ako kakain, Manang." Nagmamadali kung sagot habang sinusuot ang aking sapatos. E kasi namin tinanghali na ako ng gising ilang minuto na lang at late na ako sa trabaho. Mapapagalitan na naman ako ni Ma'am Denise.
"Aba bakit? Hindi pwedeng pumasok ka ng walang agahan. Itong batang ito."
"Late na po ako, Manang." sabi ko at tinali ang aking buhok na hindi pa tuluyang natuyo.
Pagod na pagod naman kasi talaga ako kagabi kaya ang sarap matulog nang buong araw. Mabuti na nga lang at nagising kahit alas otso na ng umaga.
"Teka muna." Pigil sa akin ni Manang kaya napalingon ako rito.
"Po?."
"Napapansin kung ang aga aga ng trabaho mo at ang gabi mo na umuwi." Nagtataka niyang tanong. "Ang alam ko ay hindi naman mabigat ang trabaho mo roon, Cassandra. Baka naman ay kung saang saan ka pa nagpupunta."
"Hala! Manang, hindi ah. Sa hotel lang ako. Lumalabas lang ako kapag break time na." Paliwanag ko agad.
"Oh bakit parang ang aga mong magpupunta roon? At ang dilim mo ng umuwi?."
"E K-kasi..." Nauutal ako sa kakaisip ng dahilan. Hindi kasi nila alam na all around ang trabaho ko roon sa hotel. Ang alam nila ay parang nagmamasid lang ako roon at taga-report kay Sir Damon sa nangyayari roon lalo at abala ito sa politika at ang namamahala ng hotel na asawa niya ay nasa Paris pa. Ang mga anak naman ay nasa Manila.
"Kasi?." Nagkamot ako ng ulo sabay sulyap sa relo ko at kunwari ay natataranta na.
"Naku, Manang! Late na nga ako! Mamaya na po tayo mag-uusap. Bye!." Agad akong kumaripas ng takbo palabas ng mansion. Narinig ko ang boses nitong tinawag ako pero tuloy tuloy na ang takbo ko. Late na nga ako. Kainis! Pagagalitan na naman talaga ako nito. Baka mas doble pa ang gagawin ko ngayon kumpara sa kahapon. Ang hilig pa namang mang-alipin ni Ma'am Denise. Akala mo ay siya itong may-ari.
Kinabahan agad ako ng makapasok sa hotel. Naroon na kasi sa lobby si Ma'am Denise. Parang hinihintay talaga ako at nang mapagalitan niya.
"Oh. Akala ko ay hindi ka na papasok." Malamig niyang saad at pinagtaasan ako ng kilay. Hinihingal pa ako sa kakatakbo.
"Pasensya na po, Ma'am Denise. Late na po ako nagising."
"Alam mo bang madaming trabaho rito? At hindi ko kailangan ng tatamadtamad na kagaya mo." Halos pasigaw na niyang sabi. May ilan tuloy na mga guest at staff ng hotel na napapalingon sa amin.
"Pasensya na po. Babawi na lang po ako bukas."
"Aba. Bakit bukas ka pa babawi? Ngayon ka bumawi, hindi ka uuwi hangga't hindi natatapos ang lahat ng trabaho rito." Matigas niyang saad. Gusto ko tuloy umirap.
"Do you understand?."
"Opo." Mahina kung sagot.
"Hindi kita marinig!." Napapikit ako sa sigaw niya.
"Naiintindihan—
"Who give you the right to scream at her like that?." Putol sa akin ng isang malamig at baritonong boses.
Napalingon kami ni Ma'am Denise sa nagsalita. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng makita si Sir Trios na papalapit sa amin. Umuwi na pala ito kagabi. At tinulugan ko ito habang nag-uusap kami. Patay ako.
"S-Sir Trios. Nakauwi na pala kayo."
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." Matalim niyang tinitigan si Ma'am Denise.
BINABASA MO ANG
When The Heart Aches
General FictionIt hurts our heads when we force ourselves to remember memories that slip through our fingers like sand. It hurts our stomachs when we laugh so hard that our sides ache. It hurts when a bullet hits our skin. It hurts when we cut our fingers with kni...