Chapter 4

1 0 0
                                    

Chapter 4

Iritado kung tinitigan ang laptop sa harap ko. Hindi alam paano iyon gamitin at wala rin naman ang gagawin. Ano? Titigan ko na lang to buong araw? Nakakaburyo. Ala una ng ng hapon at hindi parin nababalik si Sir Trios. Ang haba ng meeting nila. Gutom na ako.

"Cassandra?"

Nilingon ko ang pinto. Naroong nakatayo si Liam, iyong personal assistant slash bodyguard ni Sir Trios. May bitbit siyang tray ng pagkain. Nagutom tuloy ako lalo.

"Para sakin yan?" nakangiti kung tanong. Bumaba ang tingin niya sa dala bago tumango.

"Hindi ko nga lang alam ang gusto mo kaya dinamihan ko na lang ng putahe. Baka ayaw mo sa iba."

"Hindi." Mabilis akong umiling. "Kumakain ako kahit ano."

Napatango siya. Ngumiti ako at tiningnan ang dala niya. Hindi ko alam kung anong nga putahe iyon. Hindi ko alam kung ano ang mga iyon pero mukhang masarap naman.

"Ilalapag ko na sa mesa." basag niya sa pagkatitig ko. Nguni't ako dahil baka masyadong obvious na gutom na ako.  Sinundan ko siya at habang inilalagay niya sa mesa ang pagkain ay may naalala ako.

"Walang milo?"

Nilingon niya ako na bahagyang nagtataka. "Milo? Gusto mo ng milo?"

Tumango ako at ngumuso. Wala siyang dala noon.

"Paborito ko kasi yun."

"I didn't know." aniya saka tumayo matapos mailipat sa mesa ang mga pagkain. "Hindi ko alam kung may milo rito pero magpapabili na lang ako—"

"Wag na." putol ko sa kaniya. Maabala ko pa siya sa trabaho niya. "Okay na ako dito." turo ko sa mga pagkaing dala niya.

"But you like milo right?"

Ha? Ano daw sabi niya? Hindi ko masyadong naiintindihan.

"I mean. Gusto mo ng milo diba?" ulit niya sa tanong. Mas naiintindihan ko na ngayon.

"Oo. Pero ayos lang kung wala." nahihiya kung sabi. "Hindi naman kailangan. Salamat rito sa dala mo. Ako na ang magbabalik ng mga plato sa baba. Huwag mo ng isipin iyong milo."

Umiling siya kaya nagkunot ako ng noo. "Bibilhan kita." aniya saka lumabas.

Hindi ko alam saan siya pupunta o baka bibili talaga siya ng milo dahil gusto ko. Nakakahiya naman. Naabala ko pa siya. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain nang bumalik siya dala ang isang baso ng milo.

"Here." inilapag niya iyon sa gilid ng mga pagkain ko. Mainit pa iyon at bahagyang umuusok.

"Salamat." nag-angat ako ng tingin sa kaniya at bahagyang ngumiti. "Kaso, ayoko iyong tinitimpla."

Nagulat siya at kumunot ang noo.

"Iyong nasa pack lang ang gusto ko."

"You want the powder?"

Tumango ako at sumubo noong lumpia. Ang dami ko na palang nakain. Halos naubos ko na ang mga dala niya kahit na marami naman iyon. Baka biglang tumaba na ako nito.

"It's not good for you health, Cassandra." biglang pangaral niya. Kahit english iyon at hindi ko naman masyadong nakuha ay alam kung galit siya. May nagawa akong mali? Tumigil ako sa pagkain at tiningnan siya bahagyang natatakot.

Nakakatakot kasi kapag siya na ang nagagalit. Ang sungit niya. Pati si manang Silvia ay iyon ang sinasabi kaya ang bilin niya sa akin na mag-ingat kapag siya na ang kaharap. Mas masungit pa raw ito kay Sir Trios. Natatakot nga ako sa kaniya kaya hindi ko siya madalas pinapansin kapag nagkita kami sa bahay ni Sir Damon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When The Heart AchesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon