Chapter 3

4 0 0
                                    

Chapter 3

"Gaya ng sabi ni Trios, Cassandra. Hindi mo dapat pinipilit na maka-alala ka. Sasakit lamang ang ulo mo. As I have said, temporary amnesia lang ang mayroon ka. Babalik din ang mga alaala mo."

Tumango ako sa sinabi ni Doctor Donato. Gusto ko lang naman maka-alala. Gusto ko lang malaman kung anong nangyari ay bakit napunta ako rito. Bakit ako nabaril.

"Isa pa. Hindi nakakabuti sa iyo ang mabibigat na trabaho. Ang dapat mong ginagawa ay magpahinga." Nilingon nito si Sir Trios na nasa likuran ko. Sinamahan talaga ako nito kay Doctor Donato.

"Trios, mahalagang bilin ko ito. Sana ay maintindihan niyo. Bawal na mapagod at mapuyat si Cassandra. Hindi basta basta ang nangyari sa kaniya. I hope you consider that."

Maliit na ngiti ang binigay sa kaniya ni Sir Trios.

"I'll make sure of that. Mananatili na rin ako dito kaya mababantayan ko na siya."

Bahagyang tumaas ang kilay ko. Mababantayan? Babantayan niya ako? Sinulyapan ko si Sir Trios at nang makitang nakatingin rin ito sa akin ay mabilis akong nag-iwas ng tingin. Ang kapal ko naman siguro kung magpapabantay ako sa kaniya.

Matapos ang ulan pang habilin ng doktor ay lumabas na kami ng hospital.

"Sir. Magta-tricycle na lang po ako pauwi. Baka may lakad pa po kayo." sabi ko ng nasa tapat na kami ng kotse niya.  Baka ay naabala ko na siya masyado sa pagsama niya sa akin dito.

"No. Sabay tayong uuwi." aniya at binuksan ang pinto para sa akin.

"Pero wala ba kayong lakad? Naabala ko na po kayo."

"Wala." sabi niya sa malamig na tono. "Just get in the car and let's go."

"P-pero. Kasi baka po may—

"Can you stop saying po?." Naiirita niyang tanong at matalim akong tinitignan.

"Po?."

"I said stop saying 'po' when you're talking to me."

"Bakit po?."

Kumunot na ang noo niya samantalang ako ay inosente lang nagtatanong.

"Just stop it." aniya sabay hilot sa kaniyang sentido.

"Bakit nga po?."

"Damn it, Cassandra! Just stop saying it. I'm not that old."

"Pero para naman kasi iyon sa paggalang diba? Dapat talaga may po at opo kapag nakikipag-usap ka—

"Sa mga matanda." Putol niya.

"Sa pakikipag-usap rin naman sa iba ah." rason ko. Pumikit siya ng mariin at humugot ng malalim na hininga.

"I don't want you saying po when talking to me. Iyon ang gusto. Nagkakaintindihan ba tayo?." mariin niyang sabi. Parang magagalit naman siya kapag hindi ko sinunod kaya tumango na ako.

"Sige po." Nang masabi ko iyon ay nalukot ang mukha niya.

"Ay sorry po." bawi ko agad pero nalukot lang muli ang mukha nito. Doon na ako napatawa. Pero nang makita ko siyang seryosong nakatingin sa akin ay tumigil ako at tumikhim.

"Nasanay na kasi ako." nakayuko kung sabi.

"Then get used to talking to me without po."

"Okay, sir." Seryoso ko ng sagot at baka mapagalitan na naman ako.

"That too." Napa-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Ha? Anong that too?." kunot noo kung tanong.

"Stop calling me 'sir' too."

When The Heart AchesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon