Stephen POV:
Kung hindi lang dahil sa pagpapakasal muli nina lolo at lola hindi ako uuwi dito sa pinas. Ako ang ang iisa nilang apo kaya dapat nandito ako. Nung nag-abroad si mama at iniwan ako sa pinas, sila ang tumayong tatay at nanay ko kaya mahal na mahal ko sila. Hindi ko sila ma-hindian sa request nila na umuwi sa pinas para maging bestman sa kasal nila. 50th wedding anniversary nila kaya magre-renew sila ng vow sa simbahan. Nangyari na to noong bata ako nung magpakasal ulit sila noong 35th wedding anniversary nila. 10 years old palang ako noon at doon ako unang umamin ng nararamdaman ko para sakanya.
Flashback
Hindi ko maalis ang tingin ko sakanya, ang ganda niya sa suot niyang white gown. Hindi ko na maintindihan kung ano ang sinasabi ng pari dahil parang pako na hindi maalis ang tingin ko sa batang babae na matagal ko ng crush. Hindi niya suot ang makapal niyang salamin at imbes na libro e magagandang puting bulaklak ang hawak niya ngayon. Hindi ko din maintindihan kung bakit ganto ang nararamdaman ko, normal ba sa isang bata na bumilis ang tibok ng puso katulad ng pakiramdam ko ngayon?
"Hoy! Step! Yung mga singsing dalhin mo na doon sa harap at kanina pa nila hinihintay yan!"---nagulat ako sa pagyugyog sakin ng bestfriend kong si Jared. Lahat na silang taong nandito sa simbahan ay nakatingin sakin at naghihintay sa pag abot ko ng singsing sa lolo at lola ko. Bago ako tuluyang magpunta sa kinaroroonan nila muli akong sumulyap sa batang babae, laking gulat ko ng ngumiti siya ng pagkatamis-tamis sakin. Ngumiti ako pabalik at nagsimula na akong maglakad sa harap. Pagka-abot ko ng sing-sing ay bumalik na agad ako sa pwesto ko.
Pagkatapos ng kasal ay dumiretso kmi sa reception, may ilang programa silang inihanda at makikita mo ang saya sa mga taong nandon lalo na ang lolo at lola ko. Hindi parin maalis ang tingin ko sakanya lalo na ngayong nakatawa siya ay lalong lumitaw ang kanyang ganda. Ilang beses niya rin akong nahuling nakatingin sakanya pero hindi ko inaalis ang tingin ko dito.
Nakita ko siyang may binulong sa katabi niyang babae na flower girl din katulad niya, maya maya pa ay naglalakad na siya papalapit sakin. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil parang sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis nito. Tumayo ako sa kinauupuan ko at akmang aalis ng tinawag niya ang pangalan ko at para akong estatwa na hindi nakagalaw. Boses plang niya ay nakakabighani na...
"Teka, sandali lang Step!"---pigil niya sakin. "May nagawa ba akong kasalanan sayo at kanina mo pako tinitignan?"---naglakad ako palayo sakanya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko pero inuhan niya ako at mabilis siyang humarap sakin. "Sagutin mo muna tanong ko bago ka umalis. Kanina pa kita nakikitang nakatingin sakin hindi ko alam kung anong nagawa kong kasalanan sayo eh"
"Wala ka namang kasalanan sakin"---mahinang sagot ko sakanya..
" Kung wala eh bakit ka nga nakatingin sakin? May dumi ba ako sa mukha? Pangit ba ang make up ko? Mukha ba akong clown? May utang ba ako sayo?"
"Crush kita, matagal na"
"Stephen! Are you listening?"---boses ng mommy ko ang nagpabalik sakin sa realidad. Bakit ba bumalik sakin ang mga alala na yon. It's been ages ago for godsake..
"Yes mom, nandito nako."---sagot ko sa mommy ko sa kabilang linya ng phone. "Hindi nako nagpasundo kina lolo at mag-ta-taxi nalang ako. Yeah! I know, I know!"---ang daming paalala ni mom, hindi ko naman siya masisi dahil isa sa dahilan ng paglipad ko sa America ay napa-trouble ako nung graduating ako ng high school.
Gusto ko ng kalimutan ang panahon na yon ng buhay ko. Ang dami kong maling desisyon nagawa dala ng kabataan ko at napasama sa maling barkada.
Pinatay ko na ang phone at inilagay sa bulsa ng pantalon ko. Bitbit ang maleta ko ay nagtawag nako ng taxi pagkalabas ko ng airport. Sinabi ko ang address ng bahay at saka ko pinikit ang aking mga mata.
YOU ARE READING
Feelings and Regrets
RomanceAno ang kaya mong isakripisyo sa ngalan ng pag-ibig? Ano ang kaya mong ibigay para sakanya? Lalayo ka ba para sa ikakabuti niya o mananatili ka kahit masakit na? Ipaglalaban mo ba kung alam mong talo ka o susubok ka kahit walang pag-asa? It's been 8...