Chapter 6: Boys

159 14 2
                                    

Carl' POV

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ng Amerikanong hilaw na kaibigan ko kung bakit alas tres palang ng tanghali ay nandito siya bahay namin. Ang usapan eh alas singko ng hapon ang practice namin pero ang aga aga niya akong ginugulo.

Ganto ba siya kaexcited tumugtog at masyadong napaaga ang damuho? Dapat tulog ako ng mga oras na to eh. Heto ako ngayon naghahanda ng makakain namin at nagugutom daw ang gago. Mabuti nalang at may natirang pancake sa niluto ng maganda ko asawa.

Nakahiga sa sofa si Step habang pinaglalaruan ang bola ng basketball na napulot niya kung saang sulok ng bahay namin. Seryoso niyang hinahagis ang bola saka sasaluhin, paulit-ulit niya yung ginagawa at mukhang malalim ang iniisip.

Teka, baka yung negosyo niya iniisip niya? Sheeetttt!! Dapat pala sumipsip ako dito sa kaibigan ko para mabigyan ako lagi ng supply ng kanyang wine...syempre joke lang yun..hahahha

"Oh ayan pre! Kumain kana muna ng magkaroon ka ng lakas sa practice natin mamaya."

Nilapag ko ang pagkain sa center table at saka ako umupo sa tapat niya pero parang walang narinig at nakita ang hoodlum kong kaibigan. Akala ko ba eh nagugutom siya?

"Oi! Step!! Kain na ui!"

Nagulat siya ng binato ko siya ng throw pillow saka doon palang siya kumilos para kumuha ng pagkain. Bumuntong hininga pa ito bago siya sumubo ng pancake.

"Pre! Bat parang ang lalim ng iniisip mo? At higit sa lahat bakit ang aga mo mambulabog?"

"I told you, umalis sila lolo para tignan yung wedding cake nila. Wala akong sasakyan kaya sumabay nako sakanila at nagpahatid nako dito sainyo. Ikaw lang available na puwedeng puntahan dahil may shoot si Jared."

Ayba! Ang sungit naman tong damuhong friend ko may pinagdadaanan ba to? Sapakin ko kaya ng isang beses?..hahaha

"Bat hindi ka bumili ng sasakyan dito? Bawasan mo naman yang kayamanan mo pre."

"Tsk! I don't have a plan to stay here, bakit pako bibili ng sasakyan kung 2 months lang naman ako dito?"---sabi ni Step na may pagsandal pa sa sofa, feel at home talaga.

"Akala ko ba eh yung pupuntahan mo sa Baguio eh para mag-expand ng business mo dito?"

"Nah..it's just a proposal, hindi naman buo ang loob kong tanggapin yun. Im planning to decline that one. Bilang respeto sakanya ay pupuntahan ko nalang yun sa Baguio para tignan at makapasyal narin."

"Ahhh!! I see..at kasama sa pagpunta mo sa Baguio ay date niyo ni Thea?"

Ineexpect kong babatuhin ako ng kung ano ni Step dahil sa pang-aasar ko sakanya pero kabaligtaran ang nangyari bigla siyang sumeryoso at bumuntong hininga ulit.

"Pre may problema ba? Pang ilang buntong hininga mo na yan eh"---hindi ko na matiis kaya nagtanong nako, maliban sa nahawa nako sa tsismosa kong asawa pero maganda ay talagang curious ako sa masungit kong kaibigan.

"Pre...uhmmm ano kasi eh..."

"Ano?" Buset na yan pabitin pa ang gago! Ayoko pa naman sa lahat ay yung nabibitin ako sa tsismis...

"Ano nga kasi yun? Ang tagal naman oh."---napapalo pako sa mga binti ko sa pagkakabitin dito sa kaharap ko.

"Wag kang atat eto na, itatanong ko lang naman kung bakit hindi naging si Miguel at Thea? At kung totoong hindi naging sila."

"Ano ba naman yan? Akala ko kung ano na eh. Akala ko ba sabi mo kagabi e 'Let's not dwell on the past'"---ginaya ko pa ang boses ni Step kagabi ng sinabi niya yun. Ako naman ang napasandal sa headrest ng sofa namin sa tanong ni Step.

Feelings and RegretsWhere stories live. Discover now