Thea's POV
Naghihikab ako habang nagbabasa ng libro dito sa may likod bahay. Ang totoo niyan ay hindi pako natutulog, napuyat ako kakaisip sa Step na yan.
Yes, siya at walang ibang laman ang utak ko simula nung dumating siya. Ilang araw palang siya dito pero pakiramdam ko ang laki na ang naging parte niya sa buhay ko.
Sabagay, malaki naman talaga ang naging parte niya sa buhay ko. Maliban sa sabay kaming lumaki dito mismo sa subdivison na to ay nagkaroon lang naman kami ng something noong bata palang kami.
Pero hindi yon ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin ay bakit niya ako muntikan mahalikan noong nasa apartment kami? Hindi ako agad nakasagot nung tinanong niya ako kung siya ba ang prinsipe na hinihintay ko noong nag-inuman kami sa bar ni Carl. At higit sa lahat bakit niya ako niyakap sa sinehan?
Naiinis din ako sa sarili ko eh, sino ba naman ang shunga na papayag makipagyakapan sa hindi boyfriend. Pero bakit naman kasi ginawa yun ni Step diba may girlfriend siya? Ang sweet pa nga niya nung magkausap sila sa phone eh. Hala! Baka hindi niya girlfriend yun, baka relative lang niya at ako parin gusto niya?..OH -EM-GEE talaga kapag ganon.
Umiling-iling ako sa naiisip ko. Tahimik akong tao pero ang totoo niyan madami ako gusto sabihin sa mga tao sa paligid ko pero sa sobrang dami hindi ko alam kung ano uunahing sabihin kaya ang ending wala akong nasasabi. Ang gulo no? Kasing gulo kung pano ako guluhin ng dalawang kaibigan kong babae.
Speaking of them ang dami nilang tinanong sakin tungkol kay Step nung nasa mall kami. Naikwento ko sakanila yung pagsundo sakin ni Step sa hospital bago kami magpunta ng bar pati na ang pagtatagpo nila ni Doc Q at kung papaano siya nagsungit. Sadyang hindi ko sinabi sakanila ang pagpunta ni Step sa apartment ko pati narin ang pang aasar niya.
Tinanong pa ako ni Ella kung okay lang daw ba ako ngayon na nandito si Step. Sumagot ako ng 'oo' pero ang totoo nian hindi ko alam kung okay ba talaga ako.
Mula nung dumating siya samut-sating emosyon na ang nararamdaman ko. May part sakin na masaya ako na nandito siya lalo na kapag nagpapakita siya ng concern sakin, naiinis ako kapag inaasar niya ako at nagagalit ako lalo ayaw niyang sabihin sakin ang dahilan ng pag-alis niya noon.
Ang masakit pa ay parang wala siyang balak sabihin sakin ang reason niya. Sinabi niya kila kuya Jared at Carl ang dahilan niya pero bakit hindi niya masabi sakin yun? Talaga bang salot lang ako sa barkada namin? Or sadyang wala siyang pakialam sa nararamdaman ko?
Binagsak ko ng malakas ang libro na binabasa ko, naalala ko na naman kasi ang inis ko kay Step. Mabuti pa maglilinis nalang ako ng bahay para mapagod ako at maalis sa utak ko ang kabayong Step na yon. Wala rin naman akong maintindihan sa binabasa ko kaya ibabaling ko nalang sa ibang gawain tong isip ko.
Tinanggal ko muna ang suot kong contact lense para makapagpahinga naman ang mga mata ko. Nearest sighted naman ako at dito lang naman ako sa bahay kaya kahit hindi ko suotin ang contact lense ko ay okay lang.
Sinimulan ko muna maghugas ng mga nakakalat na hugasin. Pagkatapos sinunod ko itong kusina, nang matapos ko na ay tinignan ko kung anong puwede kong gawin sala, parang bet ko kasi maglipat ng mga pwesto ng gamit namin.
Nasa kalagitnaan ako ng pagtutulak ng sofa para walisin ang nasa ilalim nito at ilipat narin ng pwesto ng may narinig akong kumatok sa pintuan namin. Itinigil ko saglit ang paglilinis at pinakbuksan ko kung sino tong kumakatok.
Hindi ko maaninag ang mukha ng taong nasa pintuan namin pero alam kong ang kabayong Step na to ang nasa harap ko. Anong ginagawa niya dito? Kaya nga ako sa likod ng bahay nagbasa ng book kanina para hindi ko siya makita dahil nasa harap lang naman namin ang bahay nila eh.
YOU ARE READING
Feelings and Regrets
RomantikAno ang kaya mong isakripisyo sa ngalan ng pag-ibig? Ano ang kaya mong ibigay para sakanya? Lalayo ka ba para sa ikakabuti niya o mananatili ka kahit masakit na? Ipaglalaban mo ba kung alam mong talo ka o susubok ka kahit walang pag-asa? It's been 8...