Chapter 10: Questions

181 19 9
                                    

Thea's POV

I was yawning habang naglalakad papunta sa bathroom para maligo. Pagpasok ko ng banyo ay kaagad ako nag-alis ng damit at nagshower.

I felt as if ice drip down on me when the cold water touches my body. Pinikit ko ang aking mata at inalala ulit ang pagpunta ni Step kagabi dito sa apartment.

I can feel his pain when i look into his eyes. I lead him into my apartment then pinagtimpla ko siya ng kape at pinagluto ng noodles, wala naman kasing ibang laman ang kusina ko maliban sa mga yon unless dalhan ako ng pagkain nila daddy at mommy.

He is still not talking hanggang sa pagkain niya. Mukhang gutom na gutom siya sa bilis ng pagsubo niya kaya nag-offer ako na mag-order ulit ng food but he declined. I feel a bit useless dahil hindi ko alam kung papaano siya tulungan. Alam kong may matindi siyang pinagdadaanan the way he hug me but i don't know how to help him.

I know din na ang mommy lang niya problema niya kapag ganyan siya. He is tough outside but he is vulnerable inside. He doesn't want others to see him so weak na kahit na si kuya na bestfriend niya ay hindi alam ang side na to ni Step.

I just accidentally saw him crying when we were young, i don't know what to do back then so i just sit beside him until maging okay siya. I kept my promise that i wont tell anybody na nakita ko siyang umiiyak.

Gusto ko siyang matulungan but how can i do that? Please Lord help me po.
Until now hindi ko parin alam kung paano. Im tired of being the usual stupid damsel in distress na lagi nalang ako yung tinutulungan ng mga tao sa paligid ko.

I want others to rely on me din naman especially Step. He is always there for me and lagi niya akong pinagtatanggol kapag may nambubully sakin before that's why i want to return the favor. But how can i help him? Hindi ko talaga alam...

I made a deep sigh and I open my eyes pagkatapos ay nagsimula nakong maligo ng mabilis baka ma-late pako sa trabaho. After ko maligo at nakapagbihis ay nag-check ako ng apartment if everything is okay then i lock the door at naglakad na palabas para mag-abang ng taxi.

Saktong paglabas ko ay may humintong kotse sa tapat ko. I was a bit shock ng lumabas si Step dito.

"Goodness Step! What are you doing here? Don't tell me hindi ka umuwi ng bahay niyo?"

"Ihahatid na kita sa trabaho mo."---ang layo naman ng sagot niya sa tanong ko. Mas nagulat ako sa suot ni Step na blue panjama at white t-shirt. Ang hitsura niya ay mukhang kakabangon lang sa higaan, panay pa hikab niya. Bakit ganto ang ayos niya? Nagmamadali pa niyang kinuha ang bag ko at pinasok sa likod ng kanilang sasakyan pagkatapos ay pinag-buksan niya ako ng passenger seat saka ako sumakay.

Sinundan ko ng tingin ang mabilis niyang kilos papunta sa driver seat then pinaandar na niya ang kotse. Ano kayang napanaginipan ng taong 'to at napakabait niya ata? Dahil kaya to sa pagpapakain ko sakanya ng noodles kagabi?

"Step hind kana dapat nag-abala pa. Late kana umuwi kagabi, mukhang wala kapang maayos na tulog oh."

"It's okay matutulog nalang ulit ako pagkauwi sa bahay pagkahatid ko sayo."

Teka lang? Oh my God hindi puwede tong naiisip ko. Hindi kaya may taning na ang buhay ni Step kaya ganto siya ngayon? Kaya ba siya umuwi ng pinas at nagpakita samin kasi mamamatay na siya? Kaya ngayon bumabawi siya samin para wala siyang pagsisihan bago siya mamamatay?

"Step..??"---nag-aalangan kong sabi sakanya. Hindi ko alam if itutuloy ko ang itatanong ko pero mas maganda na ang sigurado para hindi na ako mabigla.

"Hmmmm"

"Are you dying?"

"WHAT?"

Mabilis na naapakan ni Step ang preno ng kotse at laking mata siya tumingin sakin. Kamuntikan pakong mauntog sa ginawa niya kung hindi pa ako naka-seat belt.

Feelings and RegretsWhere stories live. Discover now