Thea's POV
Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko at nasabi ko yun kay Step. Totoo naman na namiss ko siya. Hindi ko na nga siya hinintay na makasagot dahil sa sobrang hiya ko, hindi ko tuloy alam if sasagot siya na namiss din niya ako..haayyy....oh no! What was i thinking? It's all in the past kaya erase ko na to sa isip ko.
Simula ng mastroke ang lolo ni Step, naging routine ko na ang pagbisita sakanila tuwing umuuwi ako sa bahay, malapit lang naman bahay nila samin eh. Matanda na kasi sila at nasa America mga kamag-anak nila kaya tinitignan ko narin if okay lang sila. Inagahan ko na nga ang punta ko para maiwasan sana si Step baka isipin pa niya na sinusundan ko siya no, kaso hindi ko naman alam na maaga din gigising ang damuho na yun. But in all fairness, Step looks stunning as always. Bata pa naman kami ay marami ng nagkakagusto sakanya. He got everything, the looks, the talent, the humor and that bad boy kinda look pero napaka-gentleman.
He knows how play basketball, varsity player nga siya nung highschool eh. He can also sing, may band nga sila ni kuya Jared at Carl. He's a campus crush, many girls are dying to be his girl. And i'm one of them but of course dalagang pilipina ata ako kaya never kong pinahalata na may gusto ako sakanya. Well dun naman ako magaling, ang magtago ng feelings, hindi kasi ako expressive.
I remember those days nung nabu-bully ako sa school dahil lang sa kapatid ko ang isang Jared Martinez. Yeah! Kuya Jared, Carl and Step are famous in our school. Kaya laking gulat ng mga tao nung nalaman nila na magkapatid kami and same time magkabarda kami. Well, hindi naman kasi ako maganda gaya ni Ella na bestfriend ko and Cristy na sobrang classy.
Until now, im a weird person. Lahat ng magagandang genes ng lahi namin ay napunta lahat kay kuya. I remember how i avoided them in school because kapag nakita ako ng mga fan girls nila na kausap sila ay mabu-bully ako. Hindi ako maganda, kapal pa ng salamin ko sa mata because i have a poor eyesight dahil daw yun sa kakabasa ko ng libro according to my kuya. It's a good thing naimbento ang contact lense para hindi nako nakasuot lagi ng makapal na salamin.
Mababa ang self confidence ko kasi feeling ko napulot lang ako sa basurahan ng mga magulang ko. Hindi maganda ang boses ko, hindi rin ako sport type of person because i have asthma, bawal ako mapagod. Lahat ng negative ay napunta na sakin.
I took a deep breathe then nagsimula nakong kumilos baka ma-late pako sa work. Madami pa naman akong paper works ngayon na ipapasa sa DOH maliban pa sa sandamakmak na patient na dumadagsa everyday. Dati world peace ang wish ko every birthday ko but now healing for everyone nalang. Nakakaawa din kasi ang mga may sakit na nagpupunta sa hospital.
~~~~~~~~~~~~~°°°°°°°°°°°°°°°~~~~~~~~~~~
Haaaayyyyy!!!! Nakakapagod talaga ang work dito sa hospital, hindi ko namalayan na nag-over time na naman ako. Mabuti nalang pala at nakakain ako ng almusal kina Step kundi over fasting na naman ako, feeling ko nga may ulcer nako eh. 5pm lang dapat uwian ko today pero eto pag-check ko ng watch ko eh 6:30pm na. Mabuti nalang 8pm pa ang celebration namin sa bar nila Carl kaya may time pako makaligo sa apartment bago pumunta dun.
Kapag sinusubok ka nga naman ng panahon oh, pauwi nalang e biglang bumuhos ang malakas na ulan. May payong naman ako pero tiyak sa lakas nito ay mababasa ako. Pahirapan pa sumakay ng taxi kapag ganitong maulan. Mukhang male-late na naman ako sa usapan namin. Kabilin-bilinan pa naman ni kuya na wag akong ma-late.
"Hey! Miss Althea why are you still here?"---nagulat ako sa biglang pagsulpot ng surgeon namin na si Doc Quiros. Isa siya sa hinahangaan kong doctor dito sa hospital namin. Maliban sa matalino na ay napakamabait pa.
"Ay doc, tinapos ko lang po tong paper works ko na need ng DOH, deadline na po kasi next week."---ngiting sagot ko sakanya habang inaayos na ang gamit ko. "Paalis narin naman po ako."
YOU ARE READING
Feelings and Regrets
RomanceAno ang kaya mong isakripisyo sa ngalan ng pag-ibig? Ano ang kaya mong ibigay para sakanya? Lalayo ka ba para sa ikakabuti niya o mananatili ka kahit masakit na? Ipaglalaban mo ba kung alam mong talo ka o susubok ka kahit walang pag-asa? It's been 8...