Chapter 4

5 1 11
                                    

"Okay guys prepare na tayo. Amethyst paabot naman nung ibang props" utos ni Pia.

Agad ko namang kinuha ang mga karton, medyo mabigat kasi marami pero carrybells naman.

"Here oh Pia" abot ko.

"Guys nga pala since bukas na yung presentation wala munang uuwi later kasi magprapractice pa tayo, and Reagan at Amethyst practice your lines kahit kami na lang nina Kyle at Carlos gagawa ng props" utos muli nito.

Tumango na lamang ako at pumunta sa isang sulok upang doon magpractice, syempre gagalingan ko ulit kasi nga para magka-honor ako.

Busy ako sa pagbabasa ng lumapit saakin si Reagan, honestly natatakot ako sa kanya mukha kasi siyang suplado, tiningnan ko siya pero hindi sa mata naiilang kasi ako.

" May kailangan ka ba? "Tanong ko.

"Practice tayo" seryosong sagot nito.

" Ahh okay" turan ko.

" Kunwari kumanta na ako ha" tumango naman ako," mahal kong Amethyst, maari ba kitang anyayahan sa aming hardin upang kumain?"

" Mahal kong Reagan, pasensya na ngunit hindi maari dahil ang aking ama ay mahigpit na ipinagbabawal na ako ay lumabas ng aming bahay" mahinhin ko namang sagot.

Sa totoo lang naartehan na ako sa boses ko super hinhin teh 'di ako sanay, anyways nagprapractice pa rin kami ni Reagan actually natutuwa ako sa kanya dahil hindi siya maarte I mean pag ibang lalaki kasi ang arte hindi naman gwapo charrr.

----------------------

Matapos ang subject namin na iyon ay dumiretso naman na kami sa P. E room dahil may sayaw kaming gagawin, nakakapagod pumunta rito sa P. E room kasi ang layo.

Nandun na rin ang teacher namin mukhang masungit at maatittude pero sabi naman ng ibang mga kaklase ko ay mabait daw siya.

"Okay class, magline na kayo para naman matapos na tayo agad, four lines dapat" maawtoridad nitong utos.

Syempre forda pila na kami sa takot ba namang masigawan, dun na ako nakipila kina Genevieve, maya-maya pa ay nagsimula na rin ang tugtog kaya yun sayaw naman kami agad.

Medyo ginagalingan ko dahil mataas daw magbigay ng grade yung teacher namin, ginagalingan ko the way na hindi ako nagmumukhang bida-bida.

Mahirap ng maissue mukhang mahilig pa naman sa ganun yung mga kaklase ko, tulad nitong nasa gilid ko si Chelsea.

Meet Chelsea ang kaklase ko na sana hindi ko na lang naging kaklase, baka sabihin niyo napaka ano naman ng ugali ko pero ayoko kasi sakanya.

Nakasama ko siya sa isang Cheerdance competition kaso ang bruha gumawa ng issue kaya nagkaroon ng away, pavictim rin kasi ang bruha ehh awang-awa pa sa kanya yung ibang mga kateam namin ehh kung tutuosin may kasalanan din siya.

Anyways hindi ko na lamang siya pinansin at nagfocus na lamang ako sa pagsayaw. Matapos ang pagsasayaw ay dumiretso na kaagad ako sa shower room, yupp may shower room kami.

Hindi naman ako sa private school nag-aaral katunayan ay naswertehan ko lang talaga ang school na 'to.

Kaya lang napakastrikto nila pagdating sa acads, imagine 85 is parang 75 sa kanila, mataas kasi expectations nila since matatalino mga students dito, swerte lang ako at nakasali.

Habang naliligo ay narinig ko naman ang boses ni Chelsea isa pa 'to ayoko talaga sa presensiya niya.

"Oh my gurll, ang ganda ko kaya kesa dun sa Genevieve na yun, ewan ko ba kung bakit nagustuhan yun ni Louie" maarte turan nito.

The Pain Of Revenge Where stories live. Discover now