Chapter 5

6 1 9
                                    

Amelia's Pov

Halos malagutan na ako ng hininga nang makita ang kalagayan ni ate, halos hindi na mamukhaan ang kanyang itsura dahil sa matindi nitong sugat.

Iyak naman ng iyak si Mama, kahit ako ay hindi mapigilan ang mapaluha, paano nila nagawa ito sa ate ko sobra ba ang naging kasalanan niya?

Dahil ayoko na makita ang ganoong sitwasyon niya ay napagpasyahan ko na lamang na lumabas muna, naabutan ko naman doon ang mga kaibigan niya na tulad namin ay mugtong-mugto na rin ang mga mata.

"Sabihin mo nga kuya Makki ano ba talagang nangyari, bat umabot sa ganun ang sitwasyon ng ate ko! " Hindi ko mapigilang sumigaw.

Napaiyak naman siya pero matapos ang ilang minuto ay naikwento niya na lahat at hindi ako makapaniwala parang ang babaw lang kasi ng rason para ganunin nila ang ate ko.

"Wala ka man lang ginawa kuya Makki, ate Genevieve?" Tanong ko na punong-puno Ng pagkadismaya.

"S-sorry n-naduwag kasi ako....h-hindi ko alam kung anong gagawin" nakayukong turan nito.

Napabuga na lamang ako ng hangin dahil sa pagkadismaya, hindi ako makapaniwala na wala man lang silang ginawa para tulungan si ate.

Pumasok na lang muna ako sa kwarto ni ate at nakakalungkot dahil hindi pa rin siya gising ang mama naman ay tumigil na sa pag-iyak pero kitang-kita pa rin ang mga lungkot sa mata nito habang hinahaplos ang buhok ni ate.

"Ma" tawag ko sa kanya na agad naman niyang binigyan ng atensyon, "Ma kailangan nating magsampa ng kaso, hindi pwedeng hayaan natin sila sa mga kasalanan nila" pahayag ko.

"Anak hinding-hindi ko ito palalampasin sisiguraduhin kong magbabayad sila" nang gagalaiti nitong turan.

Makki's Pov

Umuwi na kami ni Genevieve dahil anong oras na rin, atsaka alam ko namang masama din ang loob ni Amelia sa amin.

Hindi ko siya masisi kasi kahit ako ay naiinis sa sarili ko, dapat talaga pinagtanggol ko man lang si Amethyst lalaki pa rin naman ako at kayang-kaya ko siyang ipagtanggol pero naduwag ako.

Napaupo na lamang ako sa aking kama at napahagulhol na lamang, naguguilty ako parang nasaktan ko din si Amethyst ang sakit lang na wala akong nagawa kundi ang umupo sa gilid at panuorin na lang ang lahat.

Iyak pa rin ako ng iyak hanggang sa makatulog na rin ako.

Amelia's Pov

Gusto ko ng sapakin 'tong Chelsea na 'to, ni hindi ko man lang makitaan ng kahit kunting pagsisi sa katawan ganyan na ba siya kawalang-hiya.

Andito kami ngayon sa may principal office at kaharap ang mga pesteng nanakit sa ate ko,kasama ang kanilang mga magulang.

"Misis kasalanan naman ng anak mo kung bakit siya nasaktan, kung sana hindi na lang siya pakialamera at sawsawera sa usapan ng may usapan edi sana goods tayo ngayon" maarteng wika nung nanay ni Chelsea demonyo.

"Now I know kung saan nagmana ang anak mo ng kademonyohan, sa nanay niya rin palang demonyo!" Galit na sigaw ni mama.

"Misis, don't call me demon first of all may pruweba ba kayo na mga anak nga namin ang nanakit sa anak mo? "Taas-kilay nitong tanong.

" Yes we have" confident naman na sagot ni mama," the security guard na pumigil sa away, yung nurse na nag-assist sa anak ko at mga kaibigan niya sila ang pruweba ko idagdag mo na rin ang cctv camera" taas-noong wika ni Mama.

The Pain Of Revenge Where stories live. Discover now