Chapter 2

7 1 16
                                    

KRINGGG!! KRINGG!!!

Late na akong nakapasok and honestly antok na antok pa ako, peste kasi yung panaginip ko ehh mananaginip na nga lang hindi pa masaya.

Bakit napaka ano naman ng mundo sa akin pwede bang kahit sa panaginip man lang sumaya ako.

Pagkapasok ko sa classroom ay wala pa ang aming teacher, buti naman kundi nakakahiya, second day of school pa lang may late na.

Medyo natuwa naman ako dahil wala yung seatmate ko...yung Cameron basta nakakarindi siya charr.

Pumasok na rin naman 'yung teacher namin at nagturo na agad mga ilang minuto pa lang ang lumilipas ng biglang na-interrupt ang aming klase, dahil kay Mr. Epal Cameron.

"Good morning ma'am, good morning classmate sorry I'm late permission to enter"

Sumenyas na lamang ang aming teacher at agad naman siyang pumasok.

" Sorry nalate ako, traffic kasi" bulong nito saakin.

Taas-kilay ko naman siyang tiningnan

" paki hanap yung paki ko" walang ganang sagot ko rito.

Agad naman siyang nag-react na tila ba nasaktan, kaya agad ko siyang inirapan.

Pinilit ko pa ring magfocus sa mga bagay na itinuturo ng aming teacher kahit bwisit na bwisit na ako rito sa katabi ko.

Paano ba naman kumakain siya with matching nakakarinding sound, yuck very disgusting  kaya.

"Can you please stop doing that" bulong ko sa kanya.

"Stop what?" At ngumuya muli.

"Yang ginagawa mong pag-nguya, hindi kasi ako maka-focus" bulong ko muli.

" Ayoko nga" at nagpatuloy muling kumain

Arghhhh!!!....kakairita na 'tong tao na ito ehh pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat yung ganung klase ng pagnguya.

Cameron Povs

Masaya ako sa pagkain ng biglang makaramdam ako ng matinding sakit sa aking tagiliran, napalingon naman ako at nakita ang nakangising si Amethyst.

"W-what t-the h-hell!!" Hirap na pagsasalita ko.

Hindi ako makasigaw kahit gusto ko na, andito pa ang aming teacher ayoko naman ng malaking gulo.

Nang medyo nakarecover na sa sakit ay agad kong pinisil ang pisngi ni Amethyst na agad naman niyang ikinasigaw.

"Ahhh!" Malakas na sigaw nito.

"What's wrong Ms. Fajardo!" Nag-aalalang tanong ng aming guro.

"Sorry ma'am nagulat lang po ako, sorry po ulit" anito.

Halos matawa naman ako dahil sa kanyang reaction, akala mo kung sinong anghel ngayon ahh.

"Lintik lang walang ganti" natatawang bulong ko sa kanya.

Hindi naman na siya nakapagsalita pa bagkus ay sinamaan niya lamang ako ng tingin.

-----------------------------------------

Amethyst's Pov

Tawa ni Makki ang naririnig ko mula kanina pa, actually lahat pala sila tumatawa ikwenento ko kasi ang nangyari kanina at ang mga loko ay pinagtawanan lang ako.

"Gurll feel ko gusto ka nun hahahaha" ani Makki.

"Kahit sayo na lang tehh" walang ganang sagot ko.

The Pain Of Revenge Where stories live. Discover now