Chapter 3

5 1 18
                                    

Pagmulat ng aking mga mata ay bumungad sa akin ang puting kisame, pilit kong namang inalala ang nangyari kanina at kung bakit ako napunta rito.

At boom parang nagflashback lahat natamaan nga pala ako ng bola kanina, bahagya naman akong nagulat ng biglang sumulpot si Makki.

"Bhiee okay ka na ba? Grabe tinakot mo kami, may masakit pa ba sayo ha?" Sunod-sunod nitong tanong.

"Chill lang Makki, okay na ako and hindi naman na ganun kasakit yung ulo ko" paniniguro ko.

"Haysst buti naman si Parker naman kasi ehh may pa spike pang nalalaman ayan tuloy nakadisgrasya bigla" sermon nito.

"Ano ka ba hindi naman kasalanan yun ni Parker at isa pa kasama naman talaga sa volleyball yung spike so walang may kasalanan, aksidente lang talaga yung nangyari"paliwanag ko.

Alam kong hindi pa siya kumbinsido dahil umirap pa siya kilala ko si Makki sobrang nag-aalala yan, kaya agad kong hinawakan ang kamay niya para i-assure na okay na ako.

Bigla namang bumukas ang pinto ng clinic at pumasok si Parker, oh my gass si Parker andito! Gosh feel ko tuloy nagblu-blush na ako.

" tehh yang panty mo nahulog na" bulong saakin ni Makki.

Agad ko naman siyang hinampas sa braso, agad namang nabaling ang aking atensyon nang magsalita si Parker.

" I'm really sorry kanina, here ice cream " at inabot sa akin ang ice cream.

" Naku wala yun isa pa kasalanan ko rin kasi dahil hindi ako tumitingin" at kinuha ang ice cream, " salamat pala rito".

"Akala ko ba walang may kasalanan" mahinang bulong ni Makki.

" Ahh sige Amethyst mauna na ako, may quiz pa kasi kami, sorry ulit"paalam nito.

"Sige salamat ulit dito at goodluck sa quiz" sabi ko bago siya tuluyang makaalis.

"Landi mo girl" ani Makki.

"Hindi ahh" dipensa ko naman.

"Anong hindi, ehh kakasabi mo nga lang kanina na walang may kasalanan tapos nung dumating siya kini-claim mo na ikaw ang may kasalanan, naku girll tigilan mo ako alam kong may gusto ka dun kay Parker" sabi nito.

"Wala akong gusto dun at narealize ko rin kasi na ako nga talaga yung may kasalanan" medyo malakas na turan ko.

"Hay naku! Pahingi na nga lang niyang ice cream at bumalik na tayo sa classroom" at kinuha saakin ang ice cream.

"Hahahah kunwari ka pa gusto mo lang naman ng ice cream" asar ko sa kanya habang inaayos ang kumot na aking ginamit.

Wala naman ng sinabi pa si Makki dahil nilalantakan na niya ang ice cream na bigay sa akin ni Parker, matapos maayos ang aking sarili ay agad na rin kaming pumunta ni Makki sa classroom.

--------------------------

Buti na lang at pagpasok namin ay wala pa ang aming guro dahil kung meron man naku lagot talaga, strikto kasi yun ehh, agad na rin naman akong umupo.

Pero parang sumama ulit yung pakiramdam ko kasi nakita ko ulit itong si Cameron, joke masyado na ata akong harsh.

Hindi ko siya pinansin, kasi wala namang reason para pansinin ko siya at sana lang talaga hindi niya rin ako pansinin pero syempre si Cameron na 'to ehh.

The Pain Of Revenge Where stories live. Discover now