Chapter 6

6 1 5
                                    

Amelia's Pov

Kanina pa ako nag-aalala dahil wala pa rin sina mama at kuya, ala-sais na kasi ng gabi pero wala parin sila.

Napukaw ang aking atensyon ng pumasok si kuya Makki kakagaling niya ata sa school
dahil naka-uniform pa ito, nginitian ko lamang siya at muling tinawagan sina mama.

"Amelia is everything okay?" Tanong ni kuya Makki.

Tumango lamang ako at muling tinawagan sina mama hindi kasi siya sumasagot, ring lamang ng ring yung phone niya, kahit si kuya ay hindi rin sumasagot.

Makki's Pov

Nahihilo na ako kay Amelia dahil kanina pa siya paikot-ikot habang sinusubukang tawagan sina tita.

"Amelia baka busy pa sila sa pag-aasikaso sa kaso ni Amethyst, umupo ka muna nahihilo na ako sayo ehh" sabi ko sa kanya.

"Kuya Makki iba kasi 'tong nafefeel ko parang may something kasi, basta iba" pag-aalala nitong turan.

" Naku baka gutom lamang yan, kumain ka na lang muna"at inabot ang isang mangkok na mansanas.

Hindi naman na siya nagsalita at kinuha niya na lang ang mangkok at nagsimulang kumain, tahimik lamang kami at tanging maririnig lang ay ang tunog ng makinang nakakabit kay Amethyst.

Napaigtad naman kami ni Amelia ng biglang tumunog ang cellphone nito na kanya rin namang sinagot.

Amelia's Pov

"Hello po?" Sagot ko sa tawag

"Ma'am kayo po ba si Amelia Fajardo?" Tanong ng kabilang linya.

"Ahh yes ako nga po, sino po sila?" Tanong ko rin.

Sumagot naman ito at sinabing isa siyang nurse hindi ko naman na marinig ang ilan nitong sinabi dahil naihulog ko na ang cellphone dahil sa pagkabigla.

At walong salita lamang ang patuloy na ume-echo sa aking isipan 'Patay na ang mama at kuya niyo'.

Makki's Pov

Mabilis kong hinabol si Amelia ng bigla itong tumakbo palabas ng kwarto kung saan naka-confine si Amethyst, umiiyak kasi ito at tila wala sa sarili.

Hinabol ko siya ng hinabol hanggang sa mapadpad kami sa morgue, nagtataka man ay sinundan ko pa rin siya mas lalo akong kinakabahan dahil nilapitan niya ang dalawang bangkay.

Hindi ko makita kung sino ang mga ito dahil nakatakip ang puting tela sa kanilang buong katawan maging mukha. Nandito rin ang ilang mga pulis at doctor.

Dahan-dahan namang ibinaba ni Amelia ang puting kumot sapat na para makita ang mga mukha ng mga ito. Tuluyan naman siyang humagulgol ng makita ang mga ito.

Hindi ko alam kung anong gagawin, kung susuka ba o aalalayan si Amelia bumungad sa amin ang walang mga matang bangkay nila tita at Adam ang kanilang mga bibig naman ay tila pinunit pa.

Napatingin naman ako sa mga pulis at maging sila man ay makikitaan mo ng pandidiri.

Makalipas pa ang ilang minuto ay kumalma din kahit papaano si Amelia, hinang-hina man ay pilit niyang pinakinggan ang pahayag ng mga pulis.

"Miss Fajardo nakita namin ang bangkay ng kuya at mama mo sa loob mismo ng sasakyan niyo, at ang sasakyan naman ay nakita sa may bakanteng lote sa Luna Street" pahayag nito, "isang lalaki kasi ang nakapansin sa sasakyan at nang lapitan niya ito ay nakita ang karumal-dumal na krimen" pagpapatuloy nito.

"A-alam niyo po ba k-kung sino ang gumawa nito?" Tanong ko sa mga pulis.

"Under investigation pa rin po iyon, 'wag po kayong mag-alala oras na may nakuha kaming lead agad naming ibabalita sa inyo"

Tumango na lamang ako at inalalayan na si Amelia pabalik sa kwarto ni Amethyst.

" Kuya anong gagawin ko, si mama wala na pati rin si kuya "iyak nito.

" Don't worry andito ako I'm going to help you and Amethyst " turan ko.

Patuloy naman siyang umiyak at tanging pag-alo lamang ang aking ginawa.

Amelia's Pov

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak, parang biglaan kasi ang nangyayari kahapon magkakasama pa kami nina kuya tapos ngayon wala na rin sila.

Umiiyak pa rin ako ngunit natigil ito ng sumigaw si Kuya Makki laking gulat ko din nang makitang nagse-seizure ulit si ate Amethyst.

Nagsipasukan din naman agad ang mga doctor para asikasuhin siya, ginamitan na rin siya ng defibrillator dahil naka-flatline na siya. Hindi ko na alam ang gagawin bakit pati si ate Amethyst sumasabay.

"Time of death 7:45 p.m" diklara ng doctor.

Tila nabingi naman ako sa aking narinig, time of death seryoso ba sila?.

"T-teka ho subukan niyo ho ulit irevive baka kasi p-pwede pa" nagmamakaawa kong iyak.

"Pasensya na ho Ms. Fafardo pero wala na po talaga at isa pa lumala na rin kasi ang kalagayan ng utak niya" turan nito at umalis.

Bakit parang wala silang pakealam, bakit nangyayari 'to sa pamilya namin hindi ko maintindihan, unti-unti namang nagdilim ang lahat at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Makki's Pov

Kahit gulat na gulat sa nangyayari ay naagapan ko naman na masalo si Amelia, hindi rin ako makapaniwala na wala na rin si Amethyst parang ang bilis lang ng pangyayari.

Nilagyan na ng puting tela ang kabuoan ni Amethyst at dinala na sa morgue ang ilang nurse naman ay inalalayan si Amelia.

Awang-awa na ako sa kanya napaka-bata niya lang para maranasan ang lahat ng ito.

Someone's Pov

"Amethyst is already dead, finally tapos na rin hahaha mga salot kasi, ano naman gagawin natin kay Amelia? "Tanong ko habang hinihimas ang hita nito.

" For sure mababaliw na yan kaya hayaan natin, hayaan natin siya magdusa habang buhay" at humalakhak.

" So anong sunod na plano natin? " tanong ko ulit.

" Surprise na lang hahahaha"


After 3 weeks

Genevieve's Pov

" Hindi pa rin ba siya lumalabas ng bahay?"Nag-aalala kong tanong kina Makki.

" Hindi pa din daw, pinaalis niya na rin yung ilang kamag-anak nila na andun para damayan siya"malungkot naman nitong turan.

" What if puntahan natin siya mamaya? " suhestyon ni Marielle.

" We can't do that, marami na rin tayong ginagawa atsaka hindi rin naman niya tayo haharapin" turan naman ni Makki.

Well tama naman si Makki pero gusto ko pa rin siyang puntahan dahil itinuring ko na rin naman siyang kapatid pero hindi na lamang ako umimik at nagsimula na rin akong mag-aral.

Natapos ang araw na sobrang nakakapagod feeling ko tuloy hindi na ako aabot hanggang friday charr.




Aliallyju ☺️

Well hi guys mejo late na yung update ko by the way short ud muna tayo.

The Pain Of Revenge Where stories live. Discover now